"Go where you breathe free." Isang taon. Isang taon na rin ang lumipas mula nang marinig ko 'yon kay Zion. At gustong-gusto kong sundin yon kaagad pero kailangan kong hintayin iyong tamang panahon para gawin 'yon. I breathe deeply to gather some guts that I need. My eyes slowly crawl up on the building of Uranus' own and self-built Law Firm. It's the fastest growing law firm in the country and is home to great lawyers of this generation. Everyone is claiming that. Isang taon lang ang natapos pero ang dami-rami nang nagbago kay Ranus. Sabay sa pagiging matunog ng pangalan nito bilang isang magaling na abogado. Ang pagka-link naman niya kung kani-kaninong babae. "Excuse me, Ms. Clemonte." Mabilis na umangat ang sulok ng aking kilay sa ginawang pagtawag sa 'kin ng sekretarya ni Ranus ba

