MARIEL PENINCULA "I lost my appetite. I will go now, Dad. Goodnight." Nauna nang tumayo 'yong babae sa kambal at saka umalis. Tiningnan pa nga niya ng masama si Kyle bago siya tuluyang umalis. Hanggang sa isa-isa nang nagsialisan ang tao sa loob ng dinning area. Hindi ko alam kung anong problema nila kay Kyle o kung ano nga ba ang nagawa ni Kyle pero med'yo nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Grabe! Gusto lang naman kumain ng tao pero nagsungit na agad sila. Kung ako 'yan, mas pinakita ko pa sa kanila na hindi ako p'wedeng awayin na lang basta-basta. Iba kasi 'yong dating ni Kyle. I mean, mali 'yong atake niya nang una siyang pumasok sa loob ng dinning area. Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na sina Kyle, Hernold, ako at ang ibang katulong na lang pala ang naiwan sa loob ng

