CHAPTER 16

1023 Words
MARIEL PENINCULA Grabe ang hagalpak ng tawa ko nang makita ko ang mukha ni Kleo na nakasimangot habang may icing pa ang ilong niya. Pero, infairness, guwapo pa rin ang batang 'to kahit na med'yo madungis na ang mukha niya dahil sa ginagawa namin kanina pa. Mabuti na nga lang at nakasuot si Kleo ng apron dahil kung hindi ay baka sobrang dumi na rin ng damit ng isang 'to. "Mommy, mommy." Natutuwa rin akong makita ang masayang mukha ni Kleo ngayon habang nakatingin siya sa akin na parang wala siyang problema. Teka, sandali. Wala nga pala talagang problema ang batang 'to bukod sa nanay niyang wala at sa tatay niyang hindi maintindihan. Minsan tuloy napapaisip ako na sana naging bata na lang ako katulad niya para hindi ko na isipin ang mga dapat kong isipin ngayong matanda na ko. Kung p'wede lang makipag-exchange ng katawan sa batang 'to ay ginawa ko na rin sana. "Oo na. Oo na. Ako na ang 'yong ina. Nako. Mommy ka d'yan. Saan ka sa tingin mo lumabas? Sa butas ng ilong ko? At ngayon lang kita nakita?" inirapan ko ng mata si Kleo pero humagalpak lang siya ng tawa. Napangiti ako dahil sinong hindi matutuwa kung ganito ka-cute ang batang nasa harapan ko ngayon at nakikita ko pang tumatawa? Parang kailan lang ay sobrang iyakin ng isang 'to. Mabuti na lang ngayon ay hindi na siya nakaisip umiyak dahil baka patahanin ko na naman siya. Tss. "What are the both of you doing right now?" "Anak ng kalabaw!" napasigaw ako ng wala sa oras nang may bigla na lang nagsalita. Natigilan ako sa pagngiti nang may marinig akong pangit na boses sa may bandang likuran ko malapit sa akin. Lumingon ako sa likuran ko at katulad nga ng nasa isipan ko ngayon, nakita ko si Hernold na walang emosyon na nakatingin sa direksiyon naming dalawa ni Kleo. Hala! Anong sasabihin ko? Shet! Bakit ngayon ko lang naisip? Baka magalit din ang isang 'to kapag nalaman niya ang ginagawa naming dalawa ni Kleo ngayon. Teka, sandali. Hindi rin naman masama ang ginagawa namin ni Kleo kaya bakit kailangan ko pang matakot bago sabihin sa kanya? Pagkatapos kong makipagtalo sa sarili ko ay umayos ako ng pagkakatayo at tumingin ako sa direksiyon ni Hernold ng tuwid. Tinaasan ko pa siya ng kilay para talagang hindi niya makita na natatakot ako sa kanya dahil hindi naman talaga. Pft! "Nagluluto lang kami ni Kleo. Tinuturan ko siyang gumawa ng homemade cake. Bakit bawal ba?" paliwanag at tanong ko pa kay Hernold. Hindi naman siya sumagot sa akin at sa halip, tumingin lang siya sa direksiyon ng mga pagkain na nasa harapan ko at nasa gilid naman ni Kleo. "I see that you're playing with the food and not actually cooking it," komento ni Hernold pagkatapos niyang pagmasdan 'yong cake na ginawa namin. Med'yo hindi yata tama ang mga choosing words niya doon ah. "Wait. Anong playing? Pft! May buhay ba 'tong pagkain para makipaglaro kami ni Kleo? Sir, baka naman kakatulog mo ay nananaginip ka pa ngayon niyan?" saad ko sa kanya sabay banat ng biro sa bandang huli para hindi ako mapagalitan mas'yado. Kaya lang, sumama pa rin bigla ang timpla ng mukha ni Hernold. Sinong hindi maiinis? Ngayon ko lang na-realize na med'yo shunga din bibig ko talaga minsan. Waah! "You—" Bago pa makapagsalita ng kung ano si Hernold ay pinansakan ko na ng strawberry ang bibig niya. Mabuti na lang effective dahil hindi siya nakapagsalita agad. "Stop—" Hindi pa nauubos ang strawberry sa bibig ni Hernold pero nang marinig ko na akmang magsasalita na siya ay sinubuan ko ulit siya. Natuwa ako bigla sa ginagawa ko. Pft! Para akong may kasamang dalawang bata nito. Lumingon ako sandali kay Kleo at parang enjoy na enjoy din siyang pagmasdan ang ama niyang kumain ng strawberry nang wala sa oras. Ako naman ay hindi na napigilan matawa habang nakatingin kay Hernold kumain ng strawberry kaya napahagalpak na naman tuloy ako ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan ko habang si Hernold naman ay parang wala nang balak magsalita at nakatingin na lang sa akin habang kumakain. Nakita kong mauubos na niya ang strawberry sa kanyang bibig kaya kumuha ulit ako ng bago at ilalagay ko na sana ulit sa kanyang bibig pero natigilan ako nang bigla na lang hinawakan ni Hernold ang kamay ko na may hawak na strawberry. Nagpumiglas ako s'yempre para maibigay pa rin 'yong hawak kong strawberry sa kanya pero hindi ako makawala sa pagkakahawak ni Hernold. Nawala na rin tuloy ang ngiti sa labi ko dahil nakatingin pa rin siya ng seryoso sa akin. Shet! Mukhang yari na ko nito. Lagot na ko! Nakuha ko pang tumawa sa lagay na 'yon kanina? Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Masuwerte na ko nito at hindi masakit ang pagkakahawak ni Hernold sa kamay ko. "I-I'm sorry, sir. Hindi ko na uulitin." Umiwas ako ng tingin kay Hernold dahil parang kinakabahan na ko sa mga titig na binibigay niya sa 'kin. Naalala ko pa bigla na hindi rin pala ordinaryo ang boss na meron ako dito kaya anong ginagawa ko at panay pa ang pagtawa ko?! Puno ng pag-aalala ang sistema ko at si Kleo naman ay wala ring matutulong dahil wala naman itong laban sa tatay niya. Hanggang lumipas ang ilang minuto at bigla na lang akong hinila ni Hernold palapit sa kanya. Mas'yadong naging mabilis ang pangyayari at nalaman ko na lang ang lahat ng makitang magkadikit na pala ang labi naming dalawa sa isa't isa. Nanlaki ang mata ko at hindi ako nakaalis agad kay Hernold dahil pinoproseso pa ng sistema ko ang lahat ng nangyari. Wait. Totoo ba ang lahat ng 'to? Anong nangyari? Bakit parang may mali? Bakit hinalikan ako ng lalaking 'to?! Para akong nakaramdam ng panghihina lalo na ng maramdaman ko ang matigas na dibdib ni Hernold na tumama sa dibdib ko. Ilang minuto rin ang tinagal na nasa gano'n kaming posisyon bago tuluyang naisipan ni Hernold na bitiwan na ko. Nang makalayo na ko kay Hernold ay parang saka lang ako nagkaroon ng pagkatataon makahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD