MARIEL PENINCULA Isang linggo na ulit ang lumipas simula nang makita ko si Hernold. Literal na hindi talaga nagtutugma ang landas naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit at ayo'ko na rin malaman ang dahilan. I mean, may parte ng pagkatao ko na gusto ko siyang makita pero sa tingin ko ay hindi pa rin ako handa na kausapin siya ng normal. Tumingin ako sa may bintana. Kapag wala akong magawa o natutulog lang si Kleo sa tabi ko, nakatingin lang ako sa may bintana. Pinagmamasdan ko ang pumapasok at lumalabas sa mansion. Wala naman akong hinihintay na dumating. Wala talaga dahil hobby ko lang ang ginagawa ko ngayon. Tsk! Bakit ba parang nagpapaliwanag na ko ngayon? Anyway, konting oras na lang ang natitira at malapit na kong umalis sa bahay na 'to. Alam kong hindi magiging madali

