Chapter 29 “Layuan mo ang anak ko hindi ka nababagay sa kan'ya. Tama na si Arrah na naging bahagi ng pamilyang ito. Ayaw ko nang madagdagan pa ng isang hampas-lupa ang pamilya ko. Kaya layuan mo si Matthew.” masakit na salitang nagpatigil sa kan'yang paghakbang upang sundan sana si Amarah sa kuwarto nito. Mga salitang masakit para kaniya. “Isang million para layuan mo si Matthew. Kung kulang pa sabihin mo lang at dadagdagan ko. Layuan mo lang ang anak ko.” patukoy na wika nito sa kaniya kaya humarap na siya. Nakikita niya ang galit at di pagkagusto nito sa kaniya. Pero dahil ina siya ng lalaking mahal niya kailangan niyang ipakita dito ang natitira niyang paggalang. “Oo, hampas-lupa lang po ako. Lumaki ako sa isang pamilya na walang-wala. Pero pinalaki nila akong isang mabuting tao. M

