CHAPTER 10

1139 Words
MAAGA siyang gumising kinabukasan sapagkat kailangan niyang pumunta sa isang barangay. Bago siya bumangon sinulyapan niya muna ang anak na mahimbing ang tulog. Hinalikan niya ito sa noo. “I love you, my little one.” Mula nang mamatay ang asawa niya. Dito na ito tumutulog sa tabi niya, minsan lang ito matulog sa kuwarto niya. Hinahayaan niya lamang na tumabi ito sa kanya. Hindi man sabihin ng anak niya, nararamdaman niya na namimiss nito si Arrah. Tumayo na siya at naglakad patungo sa banyo. Kalahating oras din ang tinagal niya sa banyo bago lumabas. Nagbibihis na siya nang magising si Amarah. “Daddy, where are you going?” Nilingon niya ang anak. “I'm going to the office, baby.” nakangiti niyang wika sa anak. “But daddy, it's Saturday today. Kaya wala kang pasok ngayon.” nakasimangot nitong wika sa kaniya. Lumapit siya sa anak at umupo sa tabi nito. “May gagawin lang si Daddy sa office.” “But Daddy, you promise me. Na pupunta tayo ngayon sa park.” malungkot na wika nito sa kaniya. Hinalikan niya ang anak sa buhok, “Baby, promise bukas pupunta tayo park. Pero sa ngayon baby hindi puwede si daddy kasi may pupuntahan ako.” paliwanag niya sa anak. Tumango ito sa kanya kahit na nakasimangot. “Promise?” “Yes, baby. Kaya bumaba na tayo at naghihintay na ang breakfast natin sa baba.” wika niya sa anak sabay buhat dito. Pagkatapos nilang mag-almusal ay nagpaalam na siya kay Amarah at Nanay Caring. “Gov. aalis na po ba tayo.” tanong ng kanyang driver. Tumango siya at sumakay na ng sasakyan. Habang nasa biyahe sila, patungo sa isang barangay nang mapansin niya na may sumusunod na motor sa kanila. Kaya naman kinuha niya ang kanyang baril sa ilalim ng upuan niya. Napansin siya ng kanyang driver kaya binilisan nito ang pagmamaneho. Hanggang mawala sa paningin niya ang sumusunod sa kanila. Nakahiga siya nang maayos ng tuluyang hindi na nakasunod sa kanila ang motor. Siguro kalaban niya sa politika. Pagkagaling niya sa barangay Talisay ay dumaretso siya sa capitolyo para tapusin ang naiwan niyang trabaho kahapon. Umuwi siya nang maaga kahapon dahil sumakit ang ulo niya. Busy siya sa ginagawa niya ng may kumatok. Ang kanyang secretary ang kumatok. Pinapasok niya din ito dahil tambak ang kanilang ginagawa. “Gov. ito na po files ng mga nag-aaply ng scholarship.” wika ng kanyang secretary sabay lapag ng folder sa kanyang table. Tumingin siya sa kanyang secretary. “Di ba sabi ko hindi mo na tayo tatanggap ng mga scholarship ngayon. Dahil wala na tayong pondo.” wika niya sa kanyang secretary. “Eh, Gov. dumaan kasi itong mga files kay Congressman. Ang sabi po kasi ng kanyang secretary ay dapat daw lahat ng ito ay pirmahan mo. Dahil kawawa daw ang mga umaasa dito.” “Hindi ko 'yan pipirmahan,tawagan at ibalik mo iyan sa mga kapitan at ipaliwanag mo ang dahilan ko.” wika niya. “Opo, Gov.” wika nito. Sabay talikod at lumabas ng opisina niya. Pagkalabas ng kanyang secretary ay marahan siyang bumuntong-hininga. Hindi niya alam kung paano at saan kukuha ng pondo para madagdagan ang pondo nila para sa scholarship ng mga studyante. Sigurado siyang maraming magulang ang magagalit sa kanya. Kailangan niyang humanap ng pondo. Pero sa ngayon kailangan niyang hanapin ang sarili para makapukos siya sa trabaho. Kailangan niyang makalimot. “Gov. nandiyan na po ang chopper Hinihintay na po kayo.” wika ng kanyang secretary. Hindi niya namalayan na pumasok pala ito. Dahil sa malalim niyang pag-iisip. Lumabas na siya ng kanyang opisina at nagkalad sa likod ng capitolyo kung saan naghihintay ang chopper na sasakyan niya patungong Calatrava para sa gagawing grand opening ng palengke doon. Pinaayos at pinaganda iyon at ngayon siya ang pangunahing pangdangal. Habang nasa himpapawid siya hindi niya maiwasang mamangha sa kagandahan ng Tablas Island. Ang malawak at asul na dagat, at ang mga Isla. Isang oras din ang biyahe niya mula capitolyo hanggang Calatrava. Pagdating niya sa palengke, marami ng tao. Siya na lamang ang hinihintay ng mga ito para masimulan na ang programa. Samantalang si Ivy ay naglalakad patungo sa palengke nang makasalubong niya si Rose. Patungo siya sa palengke upang tulungan ang kaniyang Itay. “Sissy, nagkita na ba kayo ni kapitan.” “Hindi pa, bakit?” tanong niya kay Rose. “Huwag kang magagalit, ha.” nag-aalangan nitong wika sa kanya. Kaya naman kumunot ang noo niya. “Bakit naman ako magagalit. Ano ba 'yon?” “K-kasi sissy, hindi pinirmahan ni Gov. Ang scholarship mo.” mahina nitong wika sa kaniya. “Ano?! Hindi pinirmahan. Bakit?” gulat at galit ang nararamdaman niya. Tumango ito sa kaniya. “Sissy, kulang na daw ang pondo hindi na daw sapat para sa new scholar.” Uminit ang kanyang ulo dahil sa sinabi ni Rose. “Akala ko ba kaya siya tumayo ng ganoong programa para sa mga studyanteng pursigidong mag-aral at magtapos.” inis na wika niya kay Rose. “Inaasahan ko pa naman na pipirmahan niya iyon. Dahil malaking tulong iyon sa akin.” malungkot na niyang wika. “Sissy, wala tayong magagawa dahil iyon ang gusto ni Gov.” “Huwag lang kaming nagkita ni Matthew na iyan. Dahil once na magkita kami niyan sisiguraduhin kong lalabas ang ugali ko.” galit na wika niya. “Bakit anong gagawin mo?” “Ipapahiya ko siya sa maraming tao. Pagsisigawan ko na wala siyang kuwentang governador.” inis niyang wika. Inaasahan pa naman niya iyon tapos hindi niya pinirmahan. “Si Gov. Matthew ang ipapahiya mo. Matakot ka nga.” tila gulat na wika nito sa kanya. “Hindi ako natatakot sa kanya. Gagawin ko talaga ang gusto ko. Para lamang pirmahan niya ang request ko na scholarship.” nakataas ang isang kilay niyang wika. “Kaya mo kayang gawin iyon. Eh, crush mo nga si Gov.” Inirapan na niya ito ng tuluyan. “Kahit kailan hindi ko siya crush at hindi ko siya magugustohan. Kahit siya na lamang ang huling lalaki sa mundo.” inis pa rin na wika niya. Walang hiyang 'yon makikita niya ang hinahanap. Ipapahiya niya talaga ito sa maraming tao. Sabihin nang masama ang ugali niya. Wala siyang pakialam dahil malaking tulong sana sa kanya ang scholar na iyon. Malaking tulong iyon sa magulang niya. Tapos hindi man lang pinirmahan ng lalaki na 'yon. Inis na nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Malapit na siya sa palengke nang marinig ang sigaw ng mga tao. Nagkakagulo ang mga ito. Oo nga pala ngayon ang opening ng kabilang side ng palengke. Nagkalad siya patungo sa gitna ng palengke kung saan nagaganap ang programa. Laking gulat niya ng makita si Gov. Sa gitna ng stage at nagsasalita ito. Galit na humakbang siya patungo sa kinaroroonan ni Gov.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD