Chapter 26

1220 Words

NANATILI siyang nakikinig sa mga kuwento ng kaniyang Mama Anna. Kung paanong muntik nang mamatay si Arrah noong sanggol pa ito. “Kaya anak patawarin mo ako kung pinamigay kita kina Ate Medina. Gusto ko lang mailigtas ang Ate Arrah mo.” umiiyak na wika sa kaniya ni Anna. Kaya naman hinawakan niya ang dalawa nitong kamay saka pinahid niya ang mga luha nito na lumandas sa pisngi. “Mama, wala po kayong kasalanan. Dapat pa nga akong magpasalamat sa inyo dahil kina Inay Medina ninyo ako binigay. Hindi po nila ako tinuring na iba. Minahal nila ako at tinuring na tunay na anak. Kahit kailan hindi nila pinaramdam sa akin na ampon lang ako. Bagkus pinaramdam nila sa akin ang pagmamahal na wakas.” may luha sa mata niyang saad kay Anna. “Anak, nakakapanghinayang lang kasi hindi kayo nagkita at nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD