NALULUHA si Khloe habang pinapanood si Zantiago na rumarampa sa stage. Napakaganda nitong talaga. Confident na confident. Eleganteng-elegante sa bawat paghakbang at imbay ng balakang. Tama lang ang pagiging feminine ni Zantiago, hindi baklang-bakla. Sa lahat ng mga kandidata, si Zantiago ang pinakamakinang. Halatang-halata iyon sa hiyawan ng mga tao. Mabilis itong naging paborito ng lahat. Nang masali ang kanyang nobyo sa top ten ay napatalon at napatili si Khloe. Ang sampung napili lang ang magpapakita ng mga talento. Tuluyan na siyang napaiyak nang magsimulang umarte si Zantiago. Isa lang iyong monologue ng isang taong may dalawang katauhang namamahay sa loob nito—isang lalaki at isang babae. Pangdoble kara ang costume. Ang kalahati ng mukha ni Zantiago ay naka-makeup-pambabae, ang kabi

