GAVIN's POV
"Well done, guys! Wala munang practice tomorrow para makapagpahinga kayo bago ang practice game, okay? Sige na, dismiss!"
Agad akong tumalikod at lumakad pabalik sa bench matapos marinig ang sinabi ni coach. Uhaw na uhaw ako. I need some water.
"Towel niyo!"
Nandilim bigla ang paningin ko nang biglang may tela na humarang sa mukha ko.
Shit! Kailangan talagang ibato?
Inis na tinanggal ko ang towel na nakatakip sa mukha ko at luminga-linga para hanapin ang siraulong may gawa 'nun. Inikot ko ang paningin sa buong basketball court at sa kumpol ng mga players ay nahanap ko s'ya.
Si Max.
May hawak-hawak siyang ilang towel at tumatawa pa habang isa-isang iniaabot sa mga kasamahan ko ang kanya-kanya nilang towel. Tinatapik pa niya sa puwetan ang mga ito pagkatapos at nakikipag-high five sa iba.
Kapag sa akin, ibinabato sa mukha? Seriously? Anong problema ng babaeng 'yan sa akin?
Matagal ko na siyang nakikita dito sa gym. Tuwing may practice, palagi siyang nagvo-volunteer sa pag-aasikaso sa mga players. Pinapayagan naman ni coach. Pamangkin niya, e.
Ilang beses ko na ring napapansin na mabait at approachable siya sa ibang players pero pagdating sa'kin, parang pilit na pilit. Alam mo yung tipong nakikisama lang? Tss! Siya lang yata ang nag-iisang babae dito sa school na binabalewala ako. Halos lahat sila, isinisigaw ang pangalan ko lalo na pag nasa court! All the girls in this school are dying to get my attention. But her? Ni minsan ay hindi n'ya ako tinangkang kausapin. Even her way of looking at me is different. It was like... she despise me.
Sabagay, mukhang hindi naman yata pusong babae ang isang yan. Naka-uniform tapos may jogging pants na suot sa ilalim ng palda? Sinamahan pa ng baseball cap na kulang na lang ay itago ang buong mukha nya. Tsk! Anong klaseng porma yan? Way, way, far from my type.
"Pakyu, kalawang!" rinig kong sigaw niya sa kaibigan kong si Rusty. Hindi ko alam kung anong meron, pero close sila niyan. Palagi ko silang nakikitang magkasabay lalo kapag pauwi.
Ang lakas ng tawa niya habang pinupulot ang nahulog niyang cap dahil inipit ni Rusty ang leeg niya sa kilikili nito. Napangiwi ako. She's too loud!
Kung makatawa, akala mo ay hindi babae. Nak nampucha!
Nilagay ko ang towel sa balikat ko at nagsimulang lumakad palapit sa'kanila para kumuha ng tubig. Nagtatawanan pa rin silang dalawa ni Rusty at mukhang hindi napapansin ang paglapit ko.
"Gav!"
Mukhang napansin na ako ni Rusty kaya tinawag n'ya ako. Nakita kong napatingin na rin si Max sa akin at ang kaninang nakatawa n'yang mukha ay unti-unting nawala at naging blangko ang tingin nang malipat sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Rusty.
"Bakit?"
"Laro ulit mamaya? Mag-istream daw si Kit. Ano? Tara?" yaya n'ya sa akin na maglaro ng online games. Kapag walang practice o kaya naman ay weekends ay madalas kaming maglaro. Tumango ako.
"Sure! Basta maraming chix na viewers!" Ngumisi ako at hindi sinasadyang napatingin ulit sa gawi ni Max na nakakunot na ngayon ang noo habang nakatingin sa akin. Nang makita n'yang nakatingin ako ay iniwas n'ya agad ang tingin at may ibinulong kay Rusty. Tsk.
"Maxene!"
Automatic na napalingon ako sa tumawag sa kanya. Napalingon din halos lahat ng players. Ang ganda ng boses. Dalagang-dalaga ang tunog!
Napatigil ako sa pagkuha ng maiinom matapos makita at matitigan ang mukha niya. Sobrang chix! Ang ganda at ang kinis! Napamura ako sa isip.
Sino ba 'to? Ngayon ko lang yata ito nakita dito sa school, ah? A transfer student, perhaps?
Sa bawat paghakbang n'ya ay kitang-kita ko ang makikinis niyang mga hita dahil sa ikli ng uniform na suot. Nakalugay ang lampas balikat niyang buhok na medyo kulot sa gawing dulo. Naka make-up din siya at kung hindi lang siya naka-uniform ng katulad sa amin ay mapagkakamalan siyang college student lalo na kung ibabase sa hubog ng pangangatawan. The perfect for my type!
Sino ba 'to?
Pero hindi pa nagtatagal ang curiosity ko ay nasagot na kaagad iyon.
"Ginger!" sigaw ni Max at agad iniwanan si Rusty pero sumunod din ito sa'kanya palapit dun sa magandang babae.
So, Ginger pala.. Pangalan pa lang, ang hot na.
Pasimple akong lumapit sa gawi nila para kumuha ng tubig. At syempre para na rin kuhanin ang atensyon nung bagong chix.
"I was looking for you! Sinabi lang sa'kin ni Tito na nandito ka daw." rinig kong sabi ni Ginger doon sa kay Max habang naka-pout.
Ang sarap talaga sa tenga ng boses niya. Boses na boses pa lang ang sarap ng mahalin!
"Ahh oo e! Nanuod kasi ako ng practice nila. Tsaka sinamahan ko na rin iyong mokong na 'yun!" sagot ni Max sabay turo kay Rusty na papalapit sa gawi nila.
"Hoy, kalawang! Lika dito ipapakilala kita sa pinsan ko! Pakibilisan! Hindi ka ka-gwapuhan para mag-mabagal diyan!" nakangising sigaw nito.
Naibaba ko ang iniinom nang marinig ang sinabi niya. Pinsan? Magpinsan sila? s**t naman, o! Paano ako didiskarte kung hindi kami close nitong si Max?
Agad na lumapit si Rusty sa tabi ni Max at inipit na naman ang leeg sa kilikili. Binatukan naman siya ni Max at pinilipit ang braso.
"Aray, s**t! Hindi yata ako makakalaro sa practice game!" nakangiwing daing ni Rusty. Binatukan naman ulit siya ni Max.
"Ang OA mo, Kalawang! Ang sabihin mo, dinadaga ka lang sa mga taga labas!" tumatawang pang-aasar ni Max sa kanya.
"Ako? Dadagain? Ilampaso ko pa sila!" sabi nito at mayabang na nag-drible ng bola pagkatapos ay ipinaikot iyon sa hintuturo habang nakangisi ng malawak.
Tumikhim si Ginger habang nakatingin kay Rusty. Agad namang nagsalita si Max.
"Ay! Oo nga pala, kalawang! Si Ginger, pinsan ko. Kapatid ni Tito Arnold yung Daddy niya. Ginger, ito naman si Rusty, kalawang for short! Bestfriend ko!" pakilala niya. Nakita kong naglahad ng kamay si Rusty kay Ginger. Agad naman niyang tinanggap 'yun ng nakangiti. Napamura ako sa isip.
Shit naman kung kailan mukhang nakahanap na ako sa wakas ng gusto kong seryosohin, tsaka naman hindi ako makaporma.
"Nice meeting you, Ginger. Hindi ko alam may maganda pa lang kalahi itong si Max. Akala ko puro maton lang ang— Aray pucha!" napahilot si Rusty sa ulo nang malakas na batukan ni Max. Tsk! Amasona.
"Magtigil ka, kalawang! Babaliin ko na ng tuluyan yang batok mo pag nagsalita ka pa!" banta ni Max. Narinig kong tumawa si Ginger. Napatingin ako sa'kanya at halos mapatulala.
Whoa... Sobrang ganda niya lalo kapag tumatawa. Sobrang ganda ng tunog ng tawa niya. Nakaka-in love.
Bigla akong natigilan at napatitig sa mukha niya. Parang tumigil bigla ang mundo ko dahil sa nakatawa n'yang mukha.
Ito na ba yung sinasabi nilang slow motion moment kapag nahanap mo na yung taong para sa'yo? Yung tipong saglit na tumitigil ang mundo at kayong dalawa na lang ang naiiwan sa paligid?
Nakakadiri ka Gavin, pucha!
Sa totoo lang, kabadingan ang tingin ko sa mga ganyan lalo na kapag nag-uusap-usap kaming tatlo nina Kit at Rusty. Hindi ako nakikisali dahil hindi ko naman alam kung totoo ba o puro kabaklaan lang yung sinasabi nilang feelings kapag totoong tinatamaan ka sa isang tao. Never ko pa kasing naramdaman 'yung ganito. Yung sobrang attracted ka sa isang tao.
Ganito pala 'yun.
Mukhang totoo nga ang sinasabi nilang Love at first sight..
Napatingin ulit ako sa gawi nila lalo na sa gawi ni Ginger. Umaasang mapapatingin din siya sa gawi ko.
Tumingin ka naman, please? Isa lang, oh?
Muntik na akong mapasinghap.
Pakiramdam ko ay para akong umangat sa ere nang mapatingin siya sa gawi ko at mahuli niya akong nakatingin sa'kanya.
Oh, s**t!
Sa kauna-unahang pagkakataon, dinaga ako pagkakita sa isang babae.
What should I do? Ngingitian ko ba o kikindatan? s**t, Gavin! Ilang babae na ang na-ikama mo ngayon ka pa dinaga?
Ngingitian ko na sana siya pero bigla na siyang nag-iwas ng tingin at ibinalik ang tingin kay Rusty na mukhang may sinasabi na dito.
Di bale na... gagawin ko ang lahat mapansin mo lang ako. At pag napansin mo ako, liligawan agad kita. At gagawin ko ang lahat mapasagot ka lang. Walang nakakatangging babae sa'kin, tandaan mo yan.
You'll be mine soon, Ginger. Very soon!