"Sine? Libre mo, kalawang?" rinig kong tanong ni Max kay Rusty. Agad na napalingon kami ni Ginger sa gawi nila.
Mag-iisang linggo na mula ng sinagot ako ni Ginger. Mag-iisang linggo narin na hindi ko nakakausap o nakakasama si Max. Palagi kasing gusto ni Ginger na solo kami. I don't know what happened between her and Max. Hindi ko alam kung bakit parang iniiwasan n'ya ang pinsan n'ya. Hindi ko na rin halos nakakausap si Rusty dahil pakiramdam ko umiiwas s'ya sa'kin. Or I was just imagining things? Hindi ko sila nakakasama dahil palaging si Ginger ang kasama ko. Kaya pakiramdam ko ang layo na nila sa'kin.
Nakita kong napasulyap pa si Rusty sa gawi namin bago sinagot ang tanong ni Max.
"Kailan ba kita hindi nilibre?" sagot naman ni Rusty. Ngumiwi si Max at tinabig ang kamay ni Rusty na nakaakbay sa balikat nito. Nanlaki ang mga mata ni Max nang mapatingin sa gawi namin. Agad s'yang lumapit. Si Rusty ay nagkakamot ng ulo na sumunod sa'kanya.
"Tsong! Manonood kaming sine ni Kalawang! Showing na 'yung favorite natin! Tara?" nakangiting sabi n'ya. Excited na tumango ako pero biglang hinawakan ni Ginger ang braso ko. Napatingin ako sa'kanya pati na si Max.
"Babe, 'di ba may date tayo 'nun?" sabi nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Wala naman kaming usapan. Bago pa ako makasagot ay hinarap na n'ya si Max.
"I'm sorry, Max, may date kami ni Gav. Kayo na lang ni Rusty..." sabi nito at nag-iwas ng tingin.
"G-Ganun ba? Sayang naman, Tsong..."
"We can set another-"
"Babe, let's go na. Hatid mo na 'ko... I'm tired." biglang sabi ni Ginger at hinila na ako palayo sa'kanila. Nakita ko pang inakbayan ni Rusty si Max at naglakad na rin palayo. I don't know but I'm quite pissed.
"What was that?" hindi ko na napigilang tanong nang makalabas na kami ng school.
"What?" patay malisyang tanong nito at nagpipindot ng kung ano sa phone.
"'Yung sinabi mong may date tayo the same day na showing 'yung favorite movie ko?"
Agad naman s'yang napatingin sa akin na parang iritado.
"So, mas gugustuhin mo pang makasama si Max kaysa sa akin?" tanong n'ya. Nalaglag ang panga ko.
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin, Ginger. Ang punto ko, anong nangyari at bakit parang gusto mong iwasan ko 'yung pinsan mo? She's my friend. Halos hindi ko na sila nakakasama nila Rusty. Dati naman, okay lang sa'yo 'di ba?"
"That was before, Gav! Nanliligaw ka palang sa'kin nun. Ngayon, girlfriend mo na ako. You don't need them!" nakahalukipkip na sabi n'ya at inirapan ako.
"I still don't see your point." sabi ko. Hindi na s'ya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Ni hindi s'ya nagpaalam at basta nalang pumasok sa loob ng gate nila. Napailing na lang ako.
Ano bang nangyayari? Bakit ganito? Di ba dapat masaya na ako dahil sa wakas, napasagot ko na 'yung babaeng gusto ko? Pero bakit wala akong maramdamang saya?
Lumipas pa ang isang linggo at katulad sa unang linggo namin, halos hindi ko na makausap at makita sila Max. Hindi ko alam kung umiiwas ba sila o talagang busy lang ako sa kakasunod sa mga gusto ni Ginger. This is suffocating. Being with her is suffocating. Halos araw araw kaming lumalabas pero hindi ko naman maramdamang nasa akin ang atensyon n'ya. Palagi s'yang tulala at ganun din ako. My mind is somewhere else.
Hindi ko maiwasang mamiss 'yung dati kong buhay nung nanliligaw pa lang ako kay Ginger. Nagpalit na rin ako ng number dahil gusto ni Ginger na kami lang dalawa ang magkatext. I didn't know na ganito pala ang feeling ng may steady girlfriend. Hindi ko alam na nakakasakal pala ang pag-stick sa isang babae.
Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa tambayan namin nila Max isang tanghali. Malayo palang ako ay kita ko na s'ya. She was sitting there alone. And as usual, may hawak s'yang gitara.
Pakisabi nalang na mahal ko s'ya
Di na baleng may mahal s'yang iba
Pakisabi wag s'yang mag-alala
Di ako umaasa
Alam kong ito'y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man pakisabi nalang...
Ang lungkot ng kanta n'ya at ganun din ang boses n'ya habang kumakanta. Ni hindi n'ya namalayan ang pagdating ko dahil mukhang ang lalim din ng iniisip n'ya. Narinig ko s'yang bumuntong hininga.
"Lalim naman nun..." sabi ko. Parang nagulat pa s'ya at agad na nilingon ako.
"T-Tsong! Kanina ka pa?" tanong n'ya. Ngumiti ako at umikot para umupo sa tabi n'ya.
"Nope. Kakarating ko lang nung patapos na 'yung song. Why are you singing that song? May pinagdadaanan ka ba?" biro ko. Napalunok naman s'ya at agad umiling.
"Wala, ah! Masama magsenti?" pambabara n'ya. Natawa ako at nailing. Napatitig s'ya sa mukha ko kaya napalingon na ako sa'kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Ha? Anong bakit?" naguguluhang tanong n'ya.
"Nakatitig ka sa'kin. Alam kong gwapo talaga ako, Tsong-"
"Wow ha, Tsong! Dictionary ka ba? Ang kapal mo kasi!" pambabara n'ya. Tumawa ako. May nakita s'yang tuyong dahon sa tabi at ibinato 'yun sa mukha ko. Kinuha ko 'yun at ibinato rin sa'kanya. Pinulot n'ya ulit at pinira piraso 'yun at ibinato sa akin. Pinagpag ko ang buhok ko. Narinig ko ang tawa n'ya. Kung dati ay naiirita ako sa lakas ng tawa n'ya, ngayon ay parang gusto kong i-record 'yun at paulit ulit na i-play.
I missed her so much.
Halos gabi na akong nakakatulog dahil nasanay na akong katext ko s'ya ng mga ganung oras. Minsan naghihintay ako ng text mula sa'kanya pero maiisip ko na lang na walang darating na text dahil iba na ang number ko.
"Namissed kita, Tsong..." wala sa sariling sabi ko. Napalingon s'ya sa akin at kumurap.
"Sus! Ikaw nga itong busy na sa lovelife! Ni hindi ka manlang magparamdam kahit text manlang..." sabi n'ya at ibinaba ang tingin sa gitara. Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko.
"I... changed my number." sabi ko. Umangat ang tingin n'ya sa akin.
"T-Talaga? Kaya ka ba hindi nagrereply sa akin dahil nagpalit ka ng number? Akala ko.... busy ka na masyado kaya hindi ka na nakakareply." sabi n'ya at huminga ng malalim at binalik ang tingin sa gitara.
Napalunok ako.
Shit! Bakita ganito 'tong nararamdaman ko? Parang gusto ko ng umuwi at iinsert 'yung sim kong luma at tignan kung anong tinext n'ya sa'kin.
"Yeah. Si Ginger... gusto n'ya kasi..." pag-amin ko. Nakita kong tumango s'ya.
"Ganun ba..."
Tahimik na kami pagkatapos nun. Hindi na s'ya nagsalita at ganun din naman ako. Ang daming pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip n'ya nung mga oras na 'yun. Pero ako?
S'ya ang laman ng isip ko.