Capitulo Ocho

3467 Words
Masaya naming ipinagdiriwang ang Pasko at Bagong Taon. Ang hindi ko makakalimutan ay ang bigayan ng regalo. Binigyan kami ng mga regalo ng ampunan. May ginawa dawng event na charity for a cause at ang perang nalikom doon ay nagmula sa mga bigating personalidad at businesmen/women, sa madaling salita galing iyon sa mga tao sa Alta-sociedad. Ngayon lang ako nakatanggap ng regalo sa pasko, gipit kasi kami noon kaya wala kaming pagganito. Sobrang tuwa ko sa natanggap na mga bagong damit. Pero mas lalo akong natuwa sa nakitang regalo na nakapatong sa ibabaw ng munti kong kama. Tiningnan ko ang kama nina Judy, Carmel at Garutay pero wala namang nakapatong doon. "Ay, May favoritism si Santa? Ako lang may pangalawang regalo? Siguro dahil hindi ako naughty kaya ako may regalo." Humagikhik ako at inilagay sa tabi ko ang mga damit bago kinuha ang parihabang kahon na may ribbon. Tiningnan ko ang postcard na nakadikit sa gilid at binasa. "Merry Christmas, Bella." -M. Maganda pala ang handwriting ni Santa Claus? Pero "M" nakalagay, eh. Manta Clause? Psh... Pauso din 'tong si Max, may pa M, M, pa! Agad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang isang libro. Libro ng Greek Mythologies! Noong nalaman ko na may dugong Griyego si Max ay nakuryoso ako sa mga Greek Gods and Goddesses. Minsan pa ay nababanggit ko iyon kay Max, pero hindi ko alam na...na bibigyan niya ako nito. Gusto kong malaman ang tungkol sa mga Greek dahil sa tingin ko'y makikilala ko lalo si Max kapag gano'n. Pero sa nagdaang mga buwan ay nahinuha kong mas lubos kong makikilala si Max kung pagtitiyagaan ko siyang disturbohin at kulitin palagi. Pero para sa akin ang pagbibigay niya nitong libro ay isang imbitasyon mula sa kaniya na kilalanin ko pa nga siya ng lubusan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang gusto at hindi nito gusto, mga paborito at hindi gaano. Pero may kaunti ng progreso kay Max. Umabot pa ng anim na buwan bago ko nakitang ngumiti at humalakhak si Max-ng ISANG BESES. Pero, atleast hindi ba, ngumiti ito. Progreso pa rin iyon kahit mabagal-sobrang bagal. Noong Bagong Taon naman ay tumalon ako kasi tatangkad daw kapag tumalon eksaktong alas-dose. "Max, talon ka din!" Aniya ko sa nakabusangot na si Max habang tumatalon. Pati buhok ko nakakain ko na dahil hindi ko ito natali. Lasang Rejoice... Agh! "I'm tall enough." "Talon ka ulit para mas tumangkad ka! Parang 'sing taas ng kapre ganun." Tumawa ako ng sinamaan niya ako ng tingin. "Stop jumping, you might get hurt." Umiling ako habang tumatalon pa rin. "Ayoko! Gusto kong tumangkad tulad mo." "You wanna get bruised? in exchange of what...to get tall? Tss. That's just a superstitious belief. We're not sure that you'll really get tall when you jump on New Year's Eve, but you surely will get a scar out of bruise soon when you won't stop jumping now." Ang haba 'no? 50 words 'yun to be exact. Natutuwa ako kapag pinapagalitan niya ako kasi dumadaldal siya, kaya minsan sadya kong tinitigasan ang ulo ko para masermonan. Nakakatuwa lang kasi! Sa sobrang tuwa ko nga ay binibilang ko ang kada salita niya. Sa ngayon ay 'eto ang pinakamahaba niyang nasalaysay. Pinagkaabalahan kong basahin ang librong binigay ni Max tungkol sa mga Greek Mythologies habang malayo pa ang pasukan. Sa lahat ng kwento ng mga diyos at diyosa ng mga Griyego ay ang kwento ni Orpheus at ng kaniyang asawa pinakagusto ko. Si Opheus ay isang mortal na marunong tumugtog ng instrumento na lyre. Masaya at simple silang namumuhay ng kaniyang mahal na asawa, pero namatay ito. Hindi nakayang matanggap ni Orpheus ang pagkawala ng kaniyang pinakamamahal. Nagpunta siya ng Underworld dala-dala ang kaniyang instrumento. Nakapasok ito sa kahirian ng diyos ng kailaliman na si Hades, sa pamamagitan ng pagtugtog dahilan upang makatulog ang malaking aso na may tatlong ulo na si Cerberus. Nagmakaawa si Orpheus kay Hades na ibalik sa kaniya ang asawa. Naantig ang asawa ni Hades na si Persephone sa pagmamahal ni Orpheus para sa kaniyang asawa. Pumayag ang diyos sa isang kondisyon; kapag babaybayi na ni Orpheus at ng kaniyang asawa ang daan pabalik sa mundo ng mga mortal ay hindi maaaring lingunin ni Orpheus ang asawa. Pumayag ang lalaki at ibinigay ng diyos sa kaniya ang kaniyang asawa. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay nabahala si Orpheus na baka wala na sa kaniyang likuran ang kaniyang asawa. Kaya ginawa niya ang isang bagay na labag sa kanilang pinagkasunduan ng diyos-nilingon niya ang kaniyang asawa. Nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang kaniyang asawang nakasunod pala sa kaniya, pero huli na ang lahat. Naglaho na parang bula ang babae at si Orpheus ay naiwan roong nagsisisi. Tiwala. May mga bagay sa ating buhay na hindi man natin nakikita pero nararamdaman. Kadalasan ang mga iyon pa ang may pinakamalaking papel sa buhay ng isang tao. Diyos, Pagmamahal at Pagtitiwala. Hindi man natin nakikita ang Diyos Maykapal pero ramdam natin ang presensiya niya sa ating buhay, nasa kagustuhan natin iyon kung papapasukin natin siya sa ating buhay at hahayaang pagharian ang ating buhay. Ang Pagmamahal ang dahilan kaya tayo nabubuhay. Mahal tayo ng Diyos kaya tayo narito ngayon, may mga mahal tayo sa buhay kaya pilit tayong nabubuhay dahil ayaw natin silang iwan. At Tiwala. Pagtitiwala sa buhay at sa mga bukas pa na darating na nawala na sa akin. Hindi ko alam kung ano ang plano sa akin ng buhay, pero ng makita ko ang pagkawala ng aking kapatid ay kasabay niyong naglaho ang tiwala ko sa buhay. Pagtitiwala na magiging masaya pa ako, pagtitiwala na may kinabukasan pa para sa akin, pagtitiwala na magkakaroon ako ng maayos na buhay-na hindi komplikado at walang pang-aabuso, tanging masaya at at payapa. Pero ngayon...ngayon na pinagmamasdan ko sina Garutay, Blacky at Butchoy na nagtatawanan sa aking gilid. At si Max...si Max na nagmumukmok na naman mag-isa, ay nakahanap ako ng bagong inspirasyon para mabuhay ng may dahilan hindi lang para sa aking sarili kun'di para na rin sa aking mga kaibigan, dahil nandiyan sila. Ayoko na ulit maiwan mag-isa, nakakatakot iyon... Iyong wala ka ng maramdaman dahil sa pamamanhid. Hindi mo alam kung buhay ka pa ba dahil wala ka ng maramdaman ni katiting na nagsasabing may buhay pa sa'yo. Iyong akala mo ay isa ka nalang bangkay na naglalakad dahil patay na ang nasa loob mo. Naaawa ako kay Orpheus, nabigyan sana sila ng pangalawang pagkakataon ng kaniyang asawa, pero...naglaho iyon... Sa buwan ng Pebrero ay nagkalat ang mga dekorasyong pula at mga puso, kahit saan ka tumingin ay may mahahagip kang ganoon. Malapit na ang araw ng mga puso, Araw ng Pagmamahal. Wala pang tao sa classroom ng pumasok ako. Siguro ay naroon sila sa ground at may mga pa-contest at mga pagtatanghal roon. Naaliw ako sa mga nakasabit na puso sa kisame ng aming classroom, pero nagningning ang mata ko sa tsokolate at rosas na nasa desk ko! Sa buong buhay ko ngayon lang may nagbigay sa akin ng ganito. Hindi naman siguro 'to naligaw ng desk 'no? Baka hindi talaga 'to para sa akin. Sa pagkakaalala ko wala namang may crush sa akin dito. Nakikita ko kasing may mga lalaking nagbibigay nito sa mga taong gusto, nililigawan o kaya ay sa nobya nila. Pero...may nagkagusto kaya sa akin dito ng palihim? Kung meron, sana makikilala ko. Sasabihan ko lang ng "Thank You" dahil sa regalo na binigay niya. Wala namang sulat o ano kaya mabilis ko na lang iyong nilagay sa bag ko, baka may makakita pa tapos manghingi. Paborito ko pa naman 'tong tsokolate kaya hindi muna ako mamimigay ngayon, next next next year na! Hihi. "Max!" Maligaya kong tinawag si Max na naghihintay sa labas ng classroom ko. Madalas na ako nitong hintayin at sabay kaming pumupunta sa multi-cab. Naghihintay nalang sila Garutay sa amin sa loob ng sasakyan. Tinaasan lang ako nito ng kilay. "Alam mo ba, may nagbigay sa akin ng tsokolate at rosas ngayon! First time kong may nagbigay sa akin ng ganun. Ang sarap ng dairy milk na chocolate, grabe." Kwento ko sa kaniya habang naglalakad kami. "Huwag mong sasabihin sa iba, ha? 'Tsaka sigurado naman akong ayaw mo ng tsokolate kaya hindi ka manghihingi sa'kin." Hindi talaga ako sigurado doon... Baka manghingi nga siya. "Yes, I'm not fond of sweets." Napahinga ako doon. "Buti na lang." Napahinga ako roon. Kaso baka isipin niya madamot ako tapos lalayuan niya ako. Hala! Tapos mag-e-emo na naman siya at parang loner kasi walang kasama, tapos walang kukulit sa kaniya na makipag-kaibigan kasi nga maldito si Max. Tapos magmumukmok na naman siya, tapos mag-iisa siya at walang kaibigan at magiging malungkot siya tapos... "Pero pwede naman kitang bigyan ng konti..." Pangiwi kong tanong. Nakita kong tumaas ang gilid ng labi nito. "Really? 'Cause from what I heard, you're indirectly telling me that you won't share your beloved chocolate." Sarkastiko niya pang sagot. Nahinto ako sa paglalakad. "H-ha? Hindi, ah! Huwag ka ngang tae magsalita-" "What?" Nahinto rin ito at nakakunot ang noo. "Tae magsalita... Talkshit." "And where did you get that word, young lady?" "Sa mga kaklase ko, 'tsaka-" "Stop." Medyo kinabahan ako dahil madilim ang mukha nito. "You don't have to adopt the way your classmates talk. That doesn't right, coming from a kid with a pure heart like you. Understand?" Tumango nalang ako. "Good. Let's get going." Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkatulog ng marinig ang katok mula sa bintana. Madilim pa ng tingnan ko ang langit. Papungas-pungas akong bumangon at binuksan ang bintana. Tumambad sa akin ang kapre na nakatayo roon. Muntik pa akong maduwal sa pagkakaupo. "Diyos ko po! Maria Santisima, mahabaging langit! " Lumapit pa lalo ang kapre sa may bintana at ang silhouette na nakita ko ay unti-unti nagkaroon ng kulay. Si Max! "Shh... You're too loud, you might wake them up." Pabulong niyang sabi. Tiningnan ko ang mga kasamahan ko. Napabuga ako ng hangin ng makitang tulog pa naman sila at humihilik pa. Binalingan ko ulit si Max. "Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko na nakalagay pa ang dalawang kamay sa gilid ng bibig. "Come with me," aniya "Saan?" "Entertainment House." "Bakit?" "Stop asking and just stand there. Faster." Ngumuso ako. "Napakabossy talaga. Oo na po bossing!" Pumasok kami sa kuwarto na Ukit/Pinta. Kapag pumapasok ako dito ay hindi talaga nawawala ang pagkamangha ko sa mga obra ng mga kasamahan ko. Ang gaganda! Ako kasi medyo tagilid pagdating sa pag-uukit at pagpipinta. "Uy, Max. Anong meron, bakit tayo nandito?" Nilapitan ko ito na nakatayo at nakapamulsang pinagmamasdan ang isang painting-iyong itim na paru-parong sira ang pakpak. "Sobrang mangha ko dito ng una ko itong makita. Ito lang kasi ang naiiba sa mga nakadisplay dito. Masyadong madilim ang mga kulay na ginamit, at masyadong...malungkot." Wika ko. "I painted this." May sandaling katahimikan na namayani sa pagitan namin at sa buong kuwarto. Natahimik ako sa nalaman na sa kaniya ito, at sa boses niyang tila napakalungkot. "I painted this when my mom died." Parang may mabigat na dumagan sa puso ko ng nabasag ang boses niya ng sabihin iyon. "Anong ibig sabihin nitong mga nakaukit na letra sa loob ng pakpak, Max?" "Life is painful." Huminga ito bago nagpatuloy. "It's written in greek." Matiim niyang pinagmasdan ang gawa. "She taught me how to paint. To use the bright colors to show the tons that life's beautiful, and so I did. I love seeing her happy so I did the things that'll make her smile. But I've never seen life the way it was before after her tragic death... It was never the same..." Tahimik lang ako sa tabi niya at pinapakinggan siya. Siguro ay masiyahin din si Max bago nawala ang nanay niya. Siguro palangiti ito noon at laging tumatawa. Kinimkim niya ang sakit na naging dahilan kaya siya ganiyan ngayon at naging sobrang higpit sa sarili. Sobrang higpit na para kang mapapaso kapag sinubukan mo siyang kilalanin. Sobra pa sa paso ang nakuha ko noong mga buwan na kinukulit ko siya at lagi niya akong nababara at napapagalitan. "Kaya ba ngayon mga madidilim na kulay na ang ginagamit mo sa pagpipinta? Dahil dumilim ang paligid mo ng mawala ang nanay mo?" "Yes." Bumuntong-hininga siya at hinarap ako, pero sandali lang iyon at tinalikuran niya ako at lumabas na sa kuwarto. Maingat kong sinarado ang pinto at sinundan siya na pumasok sa kuwarto na Awit. Umupo ako sa upuan roon. Maya-maya ay umupo din si Max sa tapat ko at nasa hita niya ang gitarang hawak noong unang sinundan ko siya rito. Mga limang minuto ang lumipas pero walang gumalaw sa amin o nagsalita man lang. Hindi din nito kinaskas ang gitara kaya ako na ang bumasag sa katahimikan. "Nawalan din ako, Max." Tumingin ako dito at hinintay ang reaksyon nito. Hindi naman na kataka-taka iyon. Kadalasan sa mga narito sa ampunan ay mga ulila na, inabandona, o hindi kayang buhayin ng mga magulang kaya minabuting ilagay sa pangangalaga nitong ampunan. "Mahirap lang kami," pagpapatuloy ko. "May mapang-abusong ama, naabuso at naaagrabyadong ina. Minsan pa'y pati kami ay napapalo ng sinturon o tinatali kapag sinusubukang ipagtanggol si nanay." Napangisi ako ng mapait nang sinubukang alalahanin ang nakaraan. "Kahit halos isang kahig isang tuka lang kami mula sa paglalabada ni nanay ay nakaya namin. Minsan pa'y wala talagang makain dahil kinukuha ni tatay ang pera ni nanay, kapag nanlalaban si nanay...ayun bugbog sarado ang inaabot." Nagkibit-balilat ako. "Tapos noong nakakakain na kami tatlong beses isang araw dahil sa pagtatrabaho ni ate sa panaderya ay mas nakaya namin ang hagupit at bagsik ng pang-aabuso ni tatay." Tiningnan ko si Max na tahimik na nakikinig. Matiim ako nitong pinagmamasdan. "Kahit mahirap, kahit inaabuso, at kahit na nasasaktan ay nakakayanan pa rin naming ngumiti, na maging masaya dahil magkakasama kami-kaming tatlo nina Nanay at Ate. At kahit noong...iniwan kami ni nanay, nakaya pa rin namin ni ate...nakaya ko, kasi nandiyan ang ate ko. P-pero isang araw nawala siyang bigla. Umuwi ako na walang ate na sumalubong sa'kin. Hinanap ko siya, pero bangkay niya ang naabutan ko." Nabasag ang boses ko kaya tumigil ako at huminga sandali. "Nakita ko siya sa may ilog ilang metro mula sa eskwelahan na hubo't-hubad...may mga pasa at saksak sa buong katawan. Binaboy siya, nilapastangan, pinagsamantalahan...pinagawa ng isang immoral na bagay. Hindi lang ang kamatayan niya ang inalala ko noong panahong iyon, pati na ang mga sekretong nabunyag. Kaya may trabaho si ate sa panaderya ay dahil binigay niya ang katawan niya sa matandang may-ari bilang kapalit ng pagtatrabaho roon. Sa halagang isang daan na pasahod araw-araw ginawa ni ate iyon para may makain kami..." Ikinumo ko ang ang kamay. "Alam kong ginawa ni ate iyon dahil palagi akong umiiyak at umaatungal dahil gutom. Dahil sa'kin ibinenta niya ang katawan niya. At noong iniwan kami ni nanay, akala ko kaya naging mabait sa amin si tatay at binibilhan na kami ng pagkain ay dahil nagbago na siya... Pero hindi. Demonyo ang tatay ko, at hindi na siya magbabago pa. Na pati sarili niyang dugo't laman ay pinagamit niya ng droga. Pilit niyang pinagamit si ate at pinagbantaan ang buhay ko kaya walang nagawa ang kapatid ko." Nagtagis ang bagang ko. Nangilid ang luha sa aking mga mata at nanginig ang aking mga katawan sa galit. "At hindi lang doon iyon natatapos. P-pinagsamantalahan niya rin si ate." Muntik pa akong masuka ng mausal iyon kay Max. "Pagkatapos ay pinasa niya si ate sa mga kaibigan nitong mg hayop at pati sila ay binaboy ang kapatid ko. Hindi pa sila nakontento na ginahasa, pinaggamit ng droga at binuntis ang kapatid ko. Pinatay pa nila si ate!" Hindi ko na napigilang tumaas ang boses. "Ang kawawa kong ate..." Mas lalo akong napahagulhol nang maramdaman ang mainit na yakap na bumalot sa akin. Sandali kong naramdaman ang ginhawa at seguridad habang nakapaloob sa bisig ni Max. "Shh..." Marahan nitong hinagod ang buhok ko at likod ko. "Pinangako ko kay ate na ipaghihiganti ko siya. Na mananagot ang mga lumapastangan sa kaniya... Hahanapin ko si Renan. Siya lang ang may alam tungkol sa sindikatong kinabibilangan ni papa." Ilang minuto ang lumipas bago humupa ang emosyon at huminahon. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Max at pinunasan ko ang natuyong luha sa mukha ko. "Pasensiya na kung nadramahan kit-" "It hurts seeing you cry, Bella." Naiwang nakabukas ang bibig ko sa ere. "H-ha?" "It hurts seeing you, shedding tears because of your painful past." Tiningnan ako nito mula sa ilalim ng makakapal at mahahaba nitong pilantik. "Naiyak ako kasi ang bagsik ng buhay sa'kin. Magmula noong nawala si ate ay nawala na rin ang paniniwala ko sa buhay, na hahayaan niya pa akong sumaya sa mga bukas na darating. Pero dumating ako dito sa ampunan, dumating sina Garutay sa buhay ko...dumating ka. Siguro ay kayo ang ipinadala ng langit sa akin na makakasama ko dahil kinuha nito si ate mula sa akin." Ngumiti ako kay Max na seryoso akong pinagmamasdan. "Kaya huwag mo 'kong iiwan Max, ah. Dahil iiyak ako. Ayaw mo akong umiyak diba?" Biro ko at tumawa. Alam ko namang balang-araw ay magkakahiwa-hiwala'y kami kasi may aampon sa amin. Pero sana huwag agad kasi gusto ko pa silang makasama ng mas matagal. Nag-iwas lang ito ng tingin at nagsimulang iipit ang mga strings sa kaniyang mga daliri. Isang beses nitong pinasadhan ng kamay ang sista at umalingawngaw ang tunog nito sa buong kuwarto. Unti-unti itong gumagawa ng tono hanggang sa kinaskas na ng tuluyan ni Max ang gitara. "Let it go Let it roll right off your shoulder, don't you know The hardest part is over Let it in Let your clarity define you in the end We will only just remember how it feels..." Napapantastikuhan ko itong pinagmasdan. Buong-buo amg boses ni Max at malalim. Nakapikit ang mga mata nito at tila ninamnam ang tinig musika na nagmumula sa kaniya at sa gitarang kaniyang tinutugtog. Pamilyar ang boses ni Max... Sa skwelahan! Siya kaya iyon? Siya kaya iyong kumakanta at tumutugtog sa likod ng puno? Ipinikit ko din ang mga mata ko at dinamdam ang pamilyar na hatid na ligaya ng musika sa aking puso... "All eyes to me In this small hours These little wonders This twists and turns of fate Time falls away In these small hours These small hours Still remain..." Pagbukas ko ng aking mga mata ay nagtama ang tingin namin ni Max. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at nangilid muli ang luha ng makita ang...kaluluwa sa kaniyang mga mata. Sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng buhay ang mga ni Max! Sumasayaw ito at nagpapapalit-palit sa akin. Bumalatay ang pag-aalala dito. Binitawan niya ang gitara at dumalo sa akin. "W-what' wrong, Bella? Does my voice sound so a-awful?" Umiling ako at tumawa. Hinarap ko siya at hinawakan ang kaniyang panga. Medyo nag-aalinlangan pa ako dahil baka ibalibag lang niya ang aking kamay, pero sa mangha ko'y hinayaan lang ako nito. Pinagmasdan ko ang mga mata niyang namumungay. Bahagya akong tumawa at bumuga ng hangin. Nakakamangha ang ningning sa mga mata nito na kailanman ay hindi ko nasaksihan maliban ngayon. Itinagilid nito ang mukha at bahagyang isinandal sa kamay ko. Sandali ito pumikit at hinawakan ang kamay kong nasa kaniyang mukha. Kay gwapo nitong lalaki 'to. Siya lang ang natatanging lalaki na nakitaan ko ng ganitong kagwapuhan magmula noong ipinanganak ako dito sa mundong ibabaw. Pagbukas niya ulit sa kaniyang mga talukap ay may emosyong nakapaloob roon na hindi ko mapangalanan. "I've gone numb since my mother died, Bella.. But then you came. You managed to resurface the emotions inside me that's been long gone. You kept up with this uptight man. You kept up with me even though I didn't treat you right. You've done what no one dared to do so, not even my own father. And that's sticking with me, Bella. A beauty like you stayed with this monster. You're scarred more than I do, yet...you still managed to smile. And your smile fixed this broken man... You're the glykía in my bland and bitter life. My glykía. I told you once that I don't like of sweets, I lied." Tumulo ang luha umuulap sa mga mata ko pero hindi ko na iyon pinagkaabalahan pang punasan. Iginalaw ko ang aking hintuturo at ihinaplos sa kaniyang pisngi. Malumanay itong ngumiti sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at inilapit sa kaniyang mga labi at hinalikan iyon. Pagkatapos ay inilapit nito ang mukha sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko, may narinig pa akong halakhak bago dumampi ang kaniyang labi sa aking noo. "Thank you, Bella..." Iyon ang isa sa pinakamasayang gabi ko. Nasabi ko sa wakas at naipalabas ang sakit na matagal ko ng kinimkim mag-isa. At mas masaya ako sa kaisipang si Max ang taong pinagkatiwalaan kong siwalatan ng aking mga sekreto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD