The Unbeatable Superstar By: Joemar Ancheta Chapter 81 Palakpakan ang lahat. Tumayo ang kaniyang mga kasamahan at nagsigawan. Pumalakpak din ako at sandaling ipinatong ko sa upuan ang hawak ko kaninang cellphone. Nilingon ko si Bradley. Hindi ko siya makita sa kaniyang kinauupuan. Muli kong pinagmasdan ang nasa video dahil naglilikha iyon ng ingay. Ungol na may pagkabastos. Idadaan ko lang sana ang tingin ko doon at maibalik na sa katabi kong cast dahil mas napapako ni Bradley ang aking atensiyon dahil siya ang best actor ngunit tuluyan akong parang nanghina nang mapagsino ko ang nasa video. Napakahirap sa akin ang huminga. Ako ang nasa video. Ang hindi ko maintindihan ay kung paano lumabas iyon nang hindi ko alam kung paano ako kinunan. Paanong nagkaroon ako ng s*x video na ako ang nak

