CHAPTER 64 "Shantel at Matt, ang ibibigay ni Sir Gabby ay ang pangalan ng second placer." Naghawak kami ng kamay. "Kahit sino naman ang manalo sa ating dalawa ay ikatutuwa ko dahil alam kong ang taong bayan pa rin ang nakakita kung sino talaga ang deserving." Bulong ko sa kaniya. "This is it!" si sir Gabby. Yumuko na ako. Hindi ako makahinga ng maayos. "Ang desisyon ng taong bayan, with 610,330 votes and a total percentage of 31.21, the teen second placer is.... Huminga ako ng malalim. Kahit naman hindi ako ang big winner ay okey na sa akin ngunit bakit kinakabahan pa rin ako sa kung ano ang magiging resulta. Oh God! Nakapahirap sa akin ang huminga. "Our Teen 2nd Big Placer is...Shantel!" Narinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao. Ngumiti ako kasabay ng paglaglag ng aking luha.

