KENZO P.O.V
Hayst! Ano ba naman tong babaeng to di nag iingat sa dinaraanan talagang nakuha pa niyang maihagis sa mukha ko yung carbonara na iyon
Wala na ako pamalit sa isa kung uniporme eh badtrip naman talaga
Ano na gagawin ko? Hayst nakakadalawa na talaga siya sa akin ngayong araw
Pasalamat siya hindi ko pa siya pinapatulan kundi lang to babae baka nasapak ko na pero marespeto pa ako neto ah
Nakapikit parin ako ngayon kinakalma ko ang sarili ko Dahil naiinis talaga ako sa ginagawa nitong babaeng eto sinira na nga ang buong araw ko
inihilamos ko naman ang kamay sa mukha ko dahil sobrang dami ng carbonara sa aking mukha di na ako makakita pa at naiinis din ako sa amoy neto eto talaga ang ayaw ko sa lahat ng pagkain
tinignan ko naman ang kanyang itsura na naka tungo dahil narin sa kahihiyan na ginawa nga sa akin hindi ata makatingin tila nanginnginig pa siya sa sobrang takot na baka kung ano gawin ko sa kanya
tss ayan nalang ang lumabas mula sa bibig ko bago ako lumayo sa lugar na iyon dahil nalalagkitan na ako sa itsura ko gusto ko na makapaghilamos dahil sa itsura ko ngayon nagmumukha na akong dugyot
hindi ko na siya pinansin pa nung tinawag ako dahil baka maubos lang ang pasensya ko sa kanya nakakabadtrip
Nandito ako sa garden nagpapahinga at lumalanghap ng sariwang hangin hindi ko na nais kumain ulet sa cafeteria na iyon dahil nawalan na ako ng gana sa ginawa ng babaeng bruha na iyon
Inaantok ako gusto ko matulog makahiga nga muna sa bench ikinuha ko naman sa bag ko yung dalawag earphone at isalpak sa tenga ko dahil ayoko makarinig ng mga ingay
Wala pa isang minuto ng may kumakalabit sa akin tss sino ba to! Kita naman niya na natutulog yung tao eh nang iistorbo pa
Wala na ako nagawa kundi bumangon sa hinihigaan ko na bench na upuan
Tss si madison lang pala
Gaya ng ginagawa ko kapag may gustong kumausap sa akin blangko lang aking expression dahil gusto ko iparating sa taong kausap ko na hindi ako interesado na kausapin sila
(*_*)
KATH P.O.V
sariwa pa sa aking isipan ang nangyareng eksena sa cafeteria hindi ako mapakali dahil hindi ko pa nakikita si kenzo gusto ko sa kanya humingi ng sorry sa ginawa ko
Gusto ko sabihin sa kanya sana mapatawad nga ako kahit ano gagawin ko ang lahat ng iiutos nga basta wag nga lang ako ipapahiya sa university na to
Naaalala ko na kase kanina kung saan ko siya nakita dati yung nasa rooftop kami kaya pala pamilyar na boses na iyon simula marinig ko kanina sa boses nga
Shit diko matanggi ang gwapo talaga ni kenzo nung gabing iyon sayang malabo kase mata ko nun dismayado na sinabi ko sa isip ko
Hindi pwede malaman ng mga tao dito ang tunay na pagkatao ko sa nakaraan ayoko sabihin na mang gagamit lang ako at hindi ako tunay na maganda na inaakala nila
Kaya lang naman ako gumaganda dahil sa make up na mga ito
Nasan na kaya si madison? tanong ni khloe na kasalukuyan na hinahanap namin si madison kanina pa dahil bigla nalang ito nawala hindi man lang ito nagawa magpaalam samin bago umalis
Hindi ko talaga alam eh pasensya na ayun nalang ang nasabi ko kay khloe at kita sa mga mata nga na dismayado sa sinabi ko
Nakarating na kami sa garden dahil dito nalang namin aantayin si madison itetext na sana ni khloe kaso wala siyang load na kagaya ko
Oh ayun pala si madison oh! Si khloe na nakaturo banda sa dulo ng garden na ito
Sino naman yung kasama nga na lalaki? Takang tanong ko kay khloe dahil hindi ko makita kung sino ang kausap niyang lalaki dahil nakatalikod ito sobrang saya rin kase ni madison habang kausap nga to
Ah sino pa ba yung mortal enemy mo dito! natatawang sinabi ni khloe sa akin
Ano? si kenzo? nakanganga na sinabi ko sa kanya at gulat na gulat dahil na shocks ako sa nalalaman ko
Oo nga pala hindi pa ba nasasabi sayo ni madison kanina? Kumunot naman ang noo ko sa sinasabi ni khloe ngayon dahil wala naman binanggit sa akin si madison tungkol kay kenzo
Hindi eh ano ba yun? Don't tell me? Boyfriend nga yan si kenzo? Napasigaw ako sa naisip ko what bat hindi ko alam yun oh my god!
Hoy tumahimik ka nga kath! Ano ka ba? Hindi sila nag da-dating noh magkababata sila shunga!
Ano? Magkababata sila ni kenzo? napatakip ako sa aking bibig dahil sa kahihiyan na sinabi ko sa harapan ni khloe
Oo at halika na puntahan na natin sila hinila na ako ni khloe papunta sa lugar nila kenzo at madison
w-wait sandali hindi ko pa kaya humarap kay kenzo khloe nakakainis naman to si khloe di ako pinapansin patuloy parin siya sa paghila sa akin yare na ako neto talaga ngayon eh wala pa akong mukha na ihaharap kay kenzo matapos ang ginawa ko sa kanya paniguradong madadagdagan nanaman ang kanyang init sa ulo kapag nakita ako sa harapan nga
Tumingin pa sa amin si madison at kenzi dahil para kaming mga bata na naghihilaan sa sarili ni khloe
At ang akward ng ginagawa ko ngayon sa harapan nila dahil nakatingin lang ako sa lupa hindi ko kaya makita ang pagmumukha ni kenzo dahil sa sobrang suplado neto
Ano nangyayare sayo kath? Si madison na tumatawa pa dahil sa itsura ko ngayon nagmumukha na kase ako tanga
Ano kase ganto yun ayaw pa daw---- hindi na natatapos ni khloe ang sasabihin nga dahil agad ko itong tinakpan gamit ang mga kamay ko masyado kase siyang madaldal
Ayoko naman sabihin ni khloe kung bat ganto ang nangyayare sakin ngayon dahil kay kenzo ito natatakot ako eh huhuhu baka mamaya pa pag uwi ko abangan ako neto
Ayaw magpaawat ng aking mga mata nagtataksil sila sa aking ngayon dahil kusa na ito gumalaw at tumingin kay kenzo na walang pake alam sa mga harapan nga para kaming hangin lang sa harapan nga
Mauuna na ako madison thanks sa time mo paalam na ni kenzo at kusa na ito umalis sa aming pwesto
Salamat din kenzo hehehe paalam ni madison bago makaalis si kenzo
Isinilip ko naman ang mukha ni madison di ako nagkakamali sa mga nakikita ko
Nakikita ko sa mga mata ni madison na may pagtingin siya kay kenzo.....
Alas tres na ng hapon na mag uwian na kami hindi na ako nakahinge ng sorry kay kenzo dahil kinakain ako ng nerbyos ko para akong maninigas kapag nasa harapan ko na si kenzo
Inaayos ko na sa bag ko ang mga gamit ko wala narin ibang estudyante dahil nag silabasan na mga ito
inakbayan ako ni khloe at kita naman sa mukha nga na masaya siya ngayong araw di na maawat ang kanyang mga ngiti sa labi
Ano bat ka pa? Naka ngiti dyan?Tanong ko sa kanya dahil feeling ko may gagawin itong katarantaduhan itinulak ko naman siya papalayo sa akin
Aray ko naman! Bat grabe ka makatulak kath! Anong eksena mo nanaman dyan? Napahawak si khloe sa kanyang braso napakalakas at ako ng pagkakatulak sa kanya hehehe pasensya na ikaw kase kanina ka pa nakangise dyan aba malay ko bang may naiisip kang katarantaduhan diba hehehe
Grabe ka naman sa akin kath huhuhu di na tayo friend natawa nalang ako sa itsura ni khloe dahil para siyang batang nagpapacute sa harapan ko ngayon parang di nabilhan ng laruan ng nanay nga kung makaarte
Tumigil na nga kayong dalawa dyan anong oras na umuwi na tayo pare parehas si madison na sinabit na sa kanyang balikat ang bag
Teka teka atat umuwi? Madison haha sandali lang kase may naisip akong magandang idea hehehe
Ano? Naman yan? Sabay na tanong namin ni madison kay khloe dahil nakakapag taka talaga siya kung ano ano nalang ginagawang plano eh
Gusto nyo mag bonding tayong tatlo? Hehehe suhestiyon ni khloe na nakangiti dahil sa magandang naisip nga hmm parang bet ko din yan ah first time ko ito
Ano ka ba? Khloe? Anong oras na di na ako pwede eh tiyak na mapapagalitan ako ni mommy kapag na late ako ng uwi nag aalalang sabi ni madison kay khloe dahil iniisip nga ang mga magulang niyang strikto
Ano ka ba? Minsan lang to lubos lubusin na natin total naman si kath bago natin kaibigan gusto ko naman siya maka bonding ngayong araw pls madison sulitin mo na ang natitira mong oras kung papagalitan ka naman atleast nakapag enjoy ka diba pagpupumilit pa ni khloe kay madison hinatak hatak pa nga ang kamay neto para mapapayag
Ano ka ba! Khloe marami pang araw dyan sa bonding na iyan di talaga ako pwede marami ako gagawin assignment ayoko bumagsak si madison na nag aalinlangan talaga ngayon dahil sa iniisp nga na baka hindi nga magawa ang mga pinapagawa ng mga prof namin ngayong araw
Ay naku! Walang makakapigil sa akin kung sa ayaw at gusto nyo isasama ko kayo woooo! Hinila na kami ni khloe papalabas ng university na ito at nagsisigaw si madison pero hindi siya pinapakawalan ni khloe gamit ang mga kamay neto na hinihila siya
Wala nang nagawa si madison kundi tumugon nalang siya sa ginagawa ni khloe hindi nga naman ito mapipigilan pa dahil sadyang makulet lang talaga si khloe kala mo bata eh
Kahit ako hindi ko lubos mangyayare sa buhay kung ito dahil ngayon ko lang nararanasan ito na makabonding ang mga kaibigan ko na totoo at hindi lang sa internet friends
Feeling ko ngayong bonding na ito ang pinaka dabest sa nangyare sa buhay ko dahil sobrang saya ko na magkaroon ng mga totoong kaibigan
Nasa isang arcade machine kami ngayon naglalaro ng iba't ibang game kahit anong laro nilalaro na namin tama nga si khloe lubos lubusin na namin ngayong araw dahil minsan lang ito
Tawang tawa ako ngayon dahil natalo si khloe ni madison sa larong tekken na parehas na nagtatalo dahil sinisise ni khloe na madaya si madison sa laro nila iyon
Nasa stuff toy machine kami ngayon Balak ko sana kunin ang isang cute na laruan dahil hindi na maalis sa paningin ko ito

wala na ako sinayang na oras pa At bumili ng limang tokens at dali daling tumakbo papunta dun sa stuff toy machine nais ko na kunin ito eh
Sa unang laro ko hindi ko naisalo ang laruan dahil nalaglag ito ng igalaw ko na
Hays badtrip naman apat ng token na ang nauubos ko hindi ko parin nakukuha dismayado kung sabi sa isip ko nawawalan na ako ng gana dahil sa tingin ko hindi ko na ito makukuha pa
nahihirapan kaba? Kunin? si madison na lumapit sa akin na nakangite para siyang anghel kung ngumiti dahil narin sa maamo niyang mukha at napakaganda makikita sa kanyang itsura na hindi siya gumamit ng mga make up maliban sa labi nga na may liptint itong red ayun lang nilalagay na nakikita ko sa kanya
Oo eh naubos na nga yung apat na tokens ko hindi ko pa nakukuha pahirapan siya sa pagkuha nakasimangot na sinabi ko sa harapan nga dahil nahihirapan na talaga ako at wala narin ako pera pambili ng tokens
Ako na ang bahala kukuha niyan para sayo hehehe kinuha na ni madison ang token at inilaglag yun at pumwesto sa pagkuha para siyang seryoso sa ginagawa nga ngayon
TARANNNNN!!!!!
wow napanganga ako dahil nakuha na ni madison yung gusto kung stuff toy hindi ako mapakali dahil seryoso nga siya sa sinabi nga nakuha nga ito pa ra sa akin

Maraming salamat sayo madi at nakuha mo nga yung laruan na gusto ko hehehe tuwang tuwa ako ngayon kase nakuha ko na yung laruan na gusto ko makuha kanina pa nang dahil kay madison
Sabi ko sayo eh makukuha ko yan natutuwang sinabi ni madison at pinisil ang pisnge ko
Ano ba yan? Bat si kath? Lang meron niyan ako wala? Wahhh nakakatampo kana madison ah nalulungkot na sinabi sa amin ni khloe dahil naiingit ata siya sa nakuha ni madison para sa akin
Ano ka ba! Para ka naman bata halika ikukuha din kita niyan ano gusto mo? Suyo naman ni madison kay khloe na nalulungkot parin ito
Ano ka ba! Syempre joke lang hindi naman aki mahilig sa mga teddy bear noh! Binibiro ko lang kase kayo dyan hahahaha kahit kailan talaga si khloe may sayad sa utak
Ano saan nyu gusto? Next na puntahan natin? Naman si khloe na excited sa gustong sunod na pupuntahan
Hmm dun sa photobooth tara dun tayo magpicture para may remembrance suggestion ni madison na sumang ayon agad kami dahil magandang idea ito hindi ko naman kase hilig sa mga arcade kaya di talaga ako nag enjoy kanina
Oh ayun suotin mo kath!ang cute mo dyan hahaha hmm ang cute nga bagay sa akin
Bilisan na natin dahil may timer yang photobooth si madison na handa na siya magpapic dahil nakahanap na siya ng isusuot sa kanya
1 2 3 click..
Wow ang ganda natin tatlo pero mas maganda si kath haha si khloe na namamangha sa itsura namin ngayong tatlo dahil ang gaganda ng kuha ng namin
Tara nagugutom na ba kayo? Tanong ko naman sa kanila dahil kanina pa tumutunog sikmura ko medyo napapagod na ako kakalakad
Dun kaya tayo sa KONGLICIOUS Korean BBQ balita ko kase masarap ang mga pagkain nila dun eh si khloe na nag suggest na kung saan kami kakain si madison na daw bahala ang sasagot ng kakainin namin una tumanggi na ako dahil nahihiya ako pero wala ako magawa kapag tumanggi daw kase ako hindi na nga ako kakaibiganin pa kaya no choice
Napasarap ang kain namin tatlo tama nga si khloe masasarap ang mga putahe nila na inihahain dito di na ata ako makakain pa neto sa bahay dahil sa sobrang busog ko hehehe
Uy salamat sayo madison sa panlilibre ng pagkain ah nagkaroon tuloy ako ng utang sayo hayaan mo sa susunod na bonding natin ako naman ang manlilibre naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan ng mga van dahil pauwi na kami
Ano ka ba! Kath ilang beses ko ba uulitin? Sayo okay lang sa akin iyon total friends ko naman kayo walang masama dun sa panlilibre ko wala naman ako sinabi na utang nyo rin yun hehehe tama nga ang sinabi nga wala naman kami utang sa kanya dahil siya narin kusa nanlibre kahit tumanggi ako
Ano ka ba! Kath wag ka na nga mamoblema dyan? Yang mga nilibre sayo ni madison wala lang sa kanya yun ano ka ba! Wag ka nga others dyan pagpapaliwang naman sa akin ni khloe ngayon dahil nahihiya talaga ako sa panlilibre sa amin ni madison na kanina pa nga napapansin yun mula sa akin
So pano na ba yan? Mauuna na ako iba kase ang sasakyan ko pauwi mag iingat kayong dalawa ah magkita nalang tayo bukas sa university salamat sa inyo goodnight paalam na ni madison at kusa itong yumakap sa amin bago umalis sa harapan namin ni khloe na kumakaway na pa ito sa amin
Sobrang saya ngayong araw kahit papaano nabawasan ang mga problema ko napahikab pa si khloe at itinaas ang kanyang dalawang kamay sa taas na tila parang inaantok na
Ano ba kase yang problema mo? Tanong ko naman sa kanya dahil kanina ko pa ito napapansin mula sa kanya ayoko naman magtanong dahil alam ko naman na umiiwas siya sa ganun paraan kaya niyaya nga kami mag enjoy ganun ako nahahalata ko agad sa isang tao kung may problema ba ito
Kanina kase si luke nahuli ko sa cellphone nga may ibang babae siyang kausap malungkot na wika ni khloe na nakikita sa mga gilid niyang mata ang namumuo na luha at nagbabadya itong tumulo na
Ay ano ka ba! Hayaan mo siya kung choice nga na magloko sayo problema nga na iyon noh sinabi ko iyon kay khloe upang mapagaan ang kanyang loob
Hays bahala na nga kakausapin ko nalang siya pag uwi ko ayoko makipag break sa kanya hindi ko kaya na maging ganun nalang ang lahat ng pinagsamahan namin susubukan namin harapin itong problema at sabay rin namin itong maaayos ng walang pagtatalo
Tama yang desisyon khloe hehehe nakita ko naman sa mukha ang pagkakaroon ng pag asang maiayos nila luke ito
Alas diyes na ako nakauwi sa bahay dahil traffic kanina inaantok na rin ako wala na ako balak magpalit pa ng uniform dahil sa sobrang pagod ko ngayong araw
Napapikit nalang ako sa nararamdaman kung pagod at mahimbing natulog ngayong gabi......
PLS VOTE & COMMENTS GUYS LOVEYOUALL?.......