Chapter 19

2203 Words
Kim's POV Nakapabilog na kami at kanya kanya na rin ng kwentuhan. Dahil inaantay namin si Sir. "Okay, okay. Ganto guys. Tutal lahat tayo may dalang regalo. Code name ang ilalagay natin sa bunutan natin. Dahil unisex naman ung usapan natin diba? Kung sino ang nabunot mo na code name. Yun ung makakatanggap ng regalo mo." Paliwanag ni Nicole. Sumang ayon naman kami dun. Inabutan nya kami ng maliliit na papel para daw habang inaantay si Sir Henry may magawa kami. Kanya kanya kami nang sulat at dahil code name naman. Malupit ung ilalagay ko dito. Hahahahaha Habang nag susulat kami dumating naman si Sir at dun sya sa mga boys tumabi. Gosh! Ang gwapo ni Sir. Plain black shirt, khaki short at slipper, tapos basa pa ung buhok, halatang bagong ligo! Shocks! Amoy baby powder! Hmp! "Laway mo, natulo na naman." Sabi nang katabi ko. Kaya naman napairap lang ako. Bwisit din talaga to si Nicole ih. Inexplain lang nila kay Sir kaya naman kumaha din sya ng papel at nagsulat. "Oh! Game na. Lagay na dito. Tapos bunutan tayo. Wag nyo muna bubuksan dahil may mga pagames daw sila Ivan." Sabi ni Nicole kaya naman ginawa namin yung sinabi nya nang simulang ipaikot ung pinaglaglagyan. Nakabunot na kaming lahat kaya naman nagstart na ang laro. "Okay! First game is called killer game. May baraha akong hawak dito. Kung sino ang makakakuha ng joker, sya ang killer, kung sino naman ang makakakuha ng king of hearts ay syang police, the rest of the cards, will be the civilian. Huhulihin ni pulis si Killer. Pwede ding mapatay ni killer si pulis kung hindi sya huhulihin agad ni pulis. Gets?" Paliwanag ni Ivan samin. Nagtanguan naman kami kaya inumpisahan na ang laro. Nakakatawa talaga dahil isa pa si Sir Henry ang nangunguna pagkuha ng baraha. Hahaha. Agad akong lumayo kila Nicole para tignan ung card ko. At wow! Pulis ako! Hahahaha. "Okay?! Nakakuha na lahat? Let the game begins." Sabi ni Ivan kaya lahat kami tumahimik. "Im dead ang sasabihin pag nakindatan ka ah." Habol nya. Lumibot naman ung mata ko sa kanila at sa hindi ko alam na pang yayari lumanding ung mata ko kay Sir Henry na nakatingin din sakin. Ang tagal naming magkatitigan bago nya ko kinindatan. Hahahaha. Napaiwas ako bigla ng tingin at natatawang at nahihiyang nagsabi nang mga katagang. "Gosh! Dead na dead ako! Hahahaha. Dead na dead ako sa kumindat sakin. Hahahaha." Natatawang sabi ko kaya naman lahat sila magtawanan. "Hoy! Wag nyong huhulihin agad! Hayaan nyong makarami! Hahaha. Binuking ni Kim ung killer! Hahahaha." Natatawang sabi ni Ivan. "Kasi naman! Bakit ako agad ung kinindatan? Hahahaha. Patay na patay na nga ako tapos namatay pa lalo! Hahaha." Sabi ko at ngumuso. "Tingin ka daw kasi nang tingin. Hahaha. Shut up ka na nga!" Sabi ni Nicole. Kaya nagshut up na lang ako. Tumagal ung laro at halos lahat nag im dead na pero wala paring humuhuli kay Sir Henry. Hanggang sa lahat sila napatingin sakin. "Kim! Anong card mo! Hayop! Baka ikaw ung pulis ah!" Sabi ni Nicole kaya naman tinignan ko ung card ko at ou nga pala ako ung pulis! "Ako nga yung pulis! Hahaha. Ay g*go! Ayoko! Si Sir kasi ih! Hahaha. Alam nang kahinaan ko sya kinindatan pa ko! Hahaha." Sabi ko. Nagtatawanan lang naman sila ung iba nagulong na kakatawa dahil sa nangyari. "Ikaw kasi ung unang tumingin sa mata ko kaya ikaw ung nakindatan ko. I didn't know that you are the police. Hahahaha. My bad." Sabi nya at natatawa na din. "Dead na dead nga sya. Pati ung character nya. Pinatay nya dahil si Sir ung killer. Galing talaga! Hahahaha." Natatawa pa ding sabi nila Bryan. Alam ko din ngayon na namumula ung pisngi ko dahil sa sinabi nila. At dahil din dun sa kindat ni Sir. Naulit ung laro namin this time hindi na ko ang pulis at umiiwas na din ako sa tingin ni Sir Henry. Hanggang sa huling pasada bago magpalit ng laro. Bumunot na kami at napunta sakin ang joker. Hehehehe. Ako ang killer! "Game!" Sabi ni Ivan at tahimik kami ulit. This time tahimik na talaga ako. At inoobserve sila. Hahahaha "Nakakapang duda si Kim eh. Tahimik. Hahahaha." Rinig kong sabi ni Clinton. Kaya natawa kami. "Bakit ba? Minsan lang ako tahimik. Lubusin ko na. Hahaha." Sagot ko at nanghuhuli ng tingin. Nakita ko si Sandra na nakatingin sakin kaya kinindatan ko sya. "Hahahaha. Im dead!" Matatawang sabi nya kaya naalerto bigla ung iba. Hahahaha. Cute pala ng laro na to. Hahaha. Hindi ko kasi naenjoy kanina dahil kay Sir ih. Speaking of Sir! Nahuli ko ung tingin nya kaya naman ako naman ang kumindat. Hahahaha. Nakita kong napangiti sya at napakagat labi bago nagsalita. "I'm dead. Hahaha." Sabi nya habang natatawa. Bakit sya natatawa, kumindat lang naman ako ah. Nagulat ako ng biglang may naglapag ng baraha sa hita ko. "You're under arrest, Mah Friend!" Sabi ni Nicole kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit mo ko hinuhuli? Gaano ka kasigurado na ako ang killer?! Dapat may ibedensya!" Histerikal na sabi ko. Nag eenjoy pa ko ih! Natawa naman sila dahil dun. Si Nicole naman humarap sakin nang tuluyan. "Evidence huh?! Ikaw lang naman ang may makapal na mukha at malakas na loob kindatan si Sir Henry." Sabi nya kaya napanganga ako. Ou nga! Sa buong game namin hindi nag 'i'm dead' si Sir. "Ay! Ano ba yan! Hahaha. Ngayon ko lang naeenjoy eh. Hahaha. Isa pa tas set up nyo ako killer. Hahaha. Chares! Next game!" Sabi ko at ngumuso. "Kasi naman. Talandi natin minsan ano?! Hahaha." Sabi ni Miles kaya natawa kami. Kumuha na lang ako ng juice dahil nauhaw ako bigla. At nagnext game na nga. Ipinaliwanag naman un ni Irine. "Okay! Next game. Spin the bottle sana kaso hindi naman tayo makakapagspin the bottle dahil nga buhangin to. Kaya papaikutin na lang natin tong bottle na to tapos tutugtug si Nicole. Kung sinong mahintuan. Truth or Dare." Sabi nya kaya naman napalakpak kami. Samantalang ung katabi ko inaayos na ung gitara nya. "Wait! Walang lap dance dyan sa dare na yan ah! Hahaha. Kasi pag meron tas maglap dance sa crush nya. Matatanggalan talaga ako ng scholarship! Hahahaha." Biro ko sa kanila. "Bakit? Kanino ka ba mag lalap dance pag meron? Hahahaha." Natatawang tanong ni Tala. "Syempre sa crush ko! Kay Sir Henry. Hahaha." Natatawang sabi ko kaya naman nagsiilingan sila. "Ang wild, Kim! Hahaha. Hindi pa naman tayo naglalabas ng beer bakit parang lasing ka na?!" Asar sakin ni James. "Ay! Nagsasabi lang ako ng totoo. Hahahaha. Tara na nga!" Sabi ko at nag umpisa na nga ang aming laro nang mag umpisa si Nicole tumugtog. Bumibitaw lang sya pag nasa kanya na ung bote. Hanggang sa huminto kay Irine. "Truth or Dare?" Tanong naming lahat. "Truth!" Sabi nya kaya naman tinanung na sya ni James at nasagot naman nya un ng satisfied kami. Hahaha Nagtuloy tuloy at napunta sa aming musikera. Hahaha "Truth!" Pili nya kaya naman. Si Sir Henry ang nagtanong. "Are you into a relationship, Nicole?" Tanong nya. Kaya napatingin kaming lahat kay Nicole. "Ikaw kasi ang hindi pinakavocal sa kanila kaya natanong ko. Hahaha." Paliwanag ni Sir. Alam ko naman na w- "Ahm. Yes." Sabi nya kaya napatingin kaming dalawa ni Tala sa kanya. Seryoso?! "Ow!" Sagot lang nila. Kami ni Tala gulat pa din at hindi makapaniwala. "Nagkajowa ka na?! Bakit hindi ko alam! FO na tayo!" Sigaw ko bigla kay Nicole na ikinatawa ng iba. Si Sir naman nakatingin lang kay Nicole at parang inaarok ung iniisip nito. Bigla kasing tumahimik ung isa pero humarap din sakin. "Hindi ko nga alam kung makoconsider ba yun na relationship kasi 2 weeks lang naman un. Hehehe. Ikot na ulit! Nasagot ko na." Sabi nya kaya tumugtug na ulit. Kita ko naman na may sakit pa sa mata nya. Ayun ba ung 2nd elimination? Mukhang ayaw nya pa pag usapan kaya next time na lang. Hay. Napatingin ako kay Sir Henry na nakatingin samin. Ngumiti lang naman sya kaya ngumiti na lang din ako. Kasi naman nababother ako kay Nicole. Sasabihin naman nya pag ready na sya ih. Nagtuloy ulit ung laro at parang wala lang ung kay Nicole. Hanggang sa napunta na sakin. "Dare!" Sigaw ko kaya naman nagsingisian ung mga bakla! Hahaha. "Choose a song! Sexy dance! Hahahaha." Sabi nila kaya naman napanganga ako! "Bakit may pasexy dance?!" Singhal ko sa kanila. "Sabi mo lap dance lang ang hindi pwede. Hahaha. Sexy dance lang yan. Go na!" Sabi ni Miles kaya naman magsihiyawan ang iba. Napapaypay naman ako sa sarili ko. Parang nainitan ako ngayon! Hahaha. Nakakabaliw to! Hahaha "Choose a song... Hahaha." Sabi ni Ivan. "Pwede bang Truth na lang?! Hahaha. Sige na nga para matapos na." Sabi ko at tumayo. May iba din namang magdare meron pa ngang lumusong sa dagat. Kumain ng madaming chips tapos sisipol. Basta madami din. Ako lang ung pinagsayaw nila. Mga buang to. Namili na lang ako ng song at pinatugtog ko kay Nicole. Mabuti na lang madaming alam to na kanta at madali nyang makapa. Tumayo ako at sinumulang igiling ang katawan. Hanggang sa ang mga bakla! Nakisayaw na din sakin. Hahaha. Hanggang sa nagparty party na kami dun at mukha kaming mga buang. Tawa lang nang tawa sila Claire, Nicole, Sandra at Sir Henry na naunuod samin. Sabay sabay kaming naupo nang matapos at mapagod kami. Bago nagsalita ulit si Nicole. "Okay! Dahil tapos na ung games. Dun na tayo sa exchange gift." Sabi nya at ibinaba ung gitara nya sa maayos at malinis na tela. Nag umpisa na ngang sabihin at magpalitan ng regalo hanggang sa akin na. "Sino si Chubby bunny?" Tanong ko at halos gumulong naman ako ng makita kong si Clinton yun. Hahaha "Parang ayoko nung tawa ni Kim! Natatakot ako sa regalo mo!" Sabi nya kaya mas natawa ako! Hahahaha. Nakakahiya! "Hindi. Maganda ung regalo ko! Mapapakinabangan. Hahahaha." Sabi ko at kumindat pa. Inilingan lang naman nya ko. Hahaha. Mapapakinabangan yun. Toyo, suka, magic sarap, pancit canton, biscuit at marami pang iba! Hahahahahahaha. Sorry na. Wala namang category. Hahaha Sumunod si Nicole at si Kenny ang nabunot nya. Tawa din naman nang tawa si Nicole. "Bakit nakakakaba pag si Nicole o si Kim ang tumatawa. Pakiramdam ko kalokohan. Hahaha." Sabi ni Ivan pero di kami umimik ni Nicole at mag tinginan lang. "Bahala kayo. Next, Sir Henry. Kayo na po." Sabi ni Nicole. Binuksan ni Sir ung papel na hawak nya. Nakakunot ung noo nya nung una pero bigla syang tumawa. Kaya nagtaka kaming lahat. "Sorry. Hahahahaha. Kailangan bang sabihin kung anong nakalagay dito?" Tanong nya. Tumango naman kami. Kaya mas napatawa sya at umiling. "Sige. Ahm... Sino si.... Hahahaha." Matatawang sabi nya at hindi mapagpatuloy ung sinasabi.. "Sir dali! Curious tuloy kami." Sabi ni Tala. "Sige. Hahaha. Sino si 'can you be mine, baby?' Hahahahaha." Sabi nya kaya natawa ako at agad na sumagot! "Hahahaha. All yours, baby! Hahahaha." Natatawang sigaw ko. Kaya naman biglang nagsi pagtawanan ung mga kasama ko at halos mag sipaggulungan na. Bakit ba?! Hindi ko namam alam na si Sir ung makakabunot sakin! Hahaha. "Grabe, Kim! Iba ka talaga! Hahahaha." Sabi ni James habang nakahawak sa tyan nya "Bakit?! Malay ko ba na si Sir ung makakabunot! Hahaha. Meant to be talaga tayo, Sir! Ayaw mo pa ba kong sagutin? All yours na po agad, baby! Hahahaha." Natatawang sabi ko. Hindi pa din humuhupa ung tawanan pero inabot na sakin ni Sir ung regalo nya. Habang natawa pa din. "Grabe! Si Kimberly ang magiging dahilan ng kamatayan ko." Sabi ni Tala t hapong hapo sa kakatawa. "Grabe kayo!" Sabi ko at ngumiti lang. Naalala pa din nila pero humupa na ng unti at nagtuloy tuloy ang aming jamming. Ngayon jamming na lang talaga dahil wala naman na kaming gagawin. Tinignan na nila ung mga regalo at halos ibato sakin ni James ung nakuha nya galing sakin. Hahaha "Ano ako? Mag sasari sari store! Loko lokong Kimberly to! Hahaha." Sabi nya at inilabas ung mga binigay ko. "May resibo pa! Ang hanep talaga?! At may dos?! Ang galing! Walang labis, walang kulang! Apaka husay! Hahaha." Natatawang sabi nya. "Syempre baka kasi kwestyunin mo ko. Hahaha." Sabi ko. Sunod na nag hurumintado si Ivan. Hahahaha. Tinatawanan lang naman namin. Habang nagkakantahan, tinignan ko naman ung regalo na napunta sakin at ang cute. Black shirt tapos may nakaburda na Block D sa part ng dibdib. "Ang ganda!!!!" Sigaw ko para mapakita sa kanila. "Thank you, Sir! Buti na lang ako nakakuha! Hahaha." Sabi ko at ngumiti ng malawak. Ngumiti lang din naman si Sir tapos nag okay sign. At magstart na nga ulit ang jamming. Inilabas na nila ung mga beer in can nila. Halos lahat kami umiinum maliban lang kay Nicole. Hehehe. Sya lang talaga. Medyo madaling araw kami matapos kaya naman at magsipunta sa cottage at kwarto na inireserve namin. Wala namang lasing gusto lang nila matulog dahil nga babyahe kami. Sobrang saya lang na nagkaroon kami ng outing at hindi lang yun, makikita mong kapatid talaga ang turingan namin dahil lahat nagbabantayan. Kahit si Sir Henry bantay kami. Best Batch talaga tong mga to! -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD