2 months before the wedding... Henry's POV "Isa pang tingin mo sa asawa ko, tutusukin ko na yang mata mo, Henry!" singhal sakin ni Miggy. "Sorry naman, sya lang kasi makakatulong sakin eh," sabi ko at tumingin kay Nicole na buhat si Nico. Andito kasi ako kila Nicole, sinabi ko kay Kim na may meeting ako pero totoo dito talaga ako nagpunta. Magpapatulong kasi ako. "Ano bang maitutulong ko? Para matapos na yang kakatingin mo sakin," sabi naman ni Nicole. Napaayos ako ng upo bigla at humarap na sa kanya ng tuluyan. "Dating gawi, Nics! Tilungan mo ko isurprise si Kim," sabi ko sa kanya. "Ayan na naman tayo eh! Pero sige! Ano bang surprise mo this time?" tanong nya sakin kaya ngumiti ako nang malawak. "Our wedding, again!" nakangiti kong sabi bigla naman syang napapalakpak. "Sure sure!

