Chapter 29

1709 Words

Kim's POV "Kumusta si Nicole, Anak?" Tanong ni Mama sakin habang nasa kusina kaming dalawa si Ad kasi at Linsay nasa sala at nanunuod. Si Henry naman may sinagot na tawag kaya lumabas muna. "Hm. Okay naman sya. Pero minsan po naririnig ko syang umiiyak sa kwarto nya." Sabi ko at pumangalumbaba. Naghuhugas kasi si Mama, ako nakaupo sa lamesa. "Kawawa din talaga ang bata na yun. Pero alam ko din na matapang un at malakas kaya malalampasan nya din to." Sabi ni Mama kaya tumango ako. "Ikaw? Magkakaapo na ba ko?" Tanong nya kaya bigla akong kinapos ng hininga at naubo ubo pa. "Aysus! Painosente ang Kimbeng ko." Dagdag nya pa. "Ma! Baka marinig ka ni Henry." Saway ko sa kanya at tingin sa pasukan ng kusina. Tinawanan lang naman ako. "Bakit? Wala pa ba? Ang tagal naman ng manugang kong yun."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD