Chapter 1 First Day

1489 Words
Chapter 1 First Day Excited akong papasok ng gate dahil dream school ko talaga ito! Ang gate ay napaliligiran ng mga naka-unipormeng guards at bawat dumadaan ay binabati nila ng magandang umaga at nginingitian. May mga grupo din ng mga estudyanteng tulad ng uniform ko na white blouse with navy blue vest at color blue checkered na skirt na hindi naman gaanong revealing, nagpatingkad pa sa disenyo nito ay ang kakulay ng skirt na necktie. Labis ang pagkamangha ko sa gate dahil sa naglalakihang disenyo nito at kulay gray ang kabuuan nito at may touch ng gold ang bawat tuktok nito. Sa pinaka taas na arko naman ng gate ay ang logo ng school. May makikita ka ring mga estudyanteng naka-grupo at nagtatawanan, sigurado ay na-miss ng mga ito ang isa't-isa. Naalala ko tuloy si Maybelle. Pareho naming pinili ang mga dream school namin kaya tingin ko naman ay makaka-survive ako dito. Grade 7 pa lang ako ay dream school ko na ito kaya pursigido akong makapasok dito. Habang naglalakad ako sa pathway ng building ng STEM strand para makapasok sa unang subject ko ng morning ay may nakita akong pusang naglalakad, mukha naman itong naaalagaan dahil mataba ito at malinis tingnan, kulay itim ito sa kabuuan ngunit nagpatingkad sa kulay nito ang mga paa niyang kulay puti. "Ang cool ng kulay parang nakasapatos dahil sa kulay" sinabi ko ng may pagkamangha at tuwang tuwa dahil mahilig ako sa pusa, pero di ako pinapayagan ni mama na mag-alaga dahil may asthma ako. Sinubukan ko itong lapitan at nagulat pa ito sa paglapit ko, ngunit 'di naman siya umalis at tiningnan lamang ako. Susubukan ko na sana siyang hawakan ngunit may grupo ng mga babae at lalaking students ang dumaan at tinawanan nila ako, nasa walo siguro sila, tingin ko ay college na ang mga ito dahil sa lace ng kanilang mga I.D. Narinig ko pa ang isa na bumulong nang nasa harap ko na sila na ang weird ko daw, habang ang isa naman ay sinabihan akong huwag hawakan ang pusa dahil malas 'daw iyon. Hindi ko na lang sila pinansin at inirapan sila dahil hindi naman iyon totoo, ang cool kaya ng mga itim na pusa! Hahawakan ko na sana ang pusa nang napansin ko ang aking relo na 7:25 AM na pala at may 5 minutes na lang ako para hanapin ang room ko! Agad na akong nagpaalam sa pusa at nalungkot ng kaunti dahil hindi ko ito nahawakan. "Sa susunod nalang kita hahawakan, sana ay nandito ka parin" sabi ko sabay meow sa pusa. Hinanap ko ang room ko at nadaanan ang mga nakahilerang classrooms, siyam na classrooms ang nadaanan ko at matapos ng ilang minutong paghahanap ay nakita ko na ang room ko at puno na ito ng students na magiging classmates ko ngayong semester. Dulong bahagi ang room namin, bale pang sampung classroom ito. Two storey ang building naming mga STEM strand. Pagkapasok ko ay tiningnan ako ng iba mula ulo hanggang paa na parang sinusuri kung sino ako. Sana lang ay hindi sila tulad ng dati kong mga classmates na hihilahin ka pababa para lang makakuha ng mataas na grades. Naiinis na lang ako tuwing naaalala ang mga alaalang iyon kasama ang mga toxic kong classmates noong junior high. Tuloy tuloy akong pumasok ng hindi sinuklian ng tingin ang mga tumingin sakin, dahil wala akong panahong makipag ngitian sa kanila dahil mas gusto kong mapag-isa. Iwas g**o at sakit sa ulo. Naghanap ako ng upuan sa bandang likod ngunit occupied na ang lahat bandang likod kaya wala akong choice 'kundi umupo sa pinaka harap dahil iyon lang ang available na upuan. Pagka-upo ko ay biglang dumating ang teacher namin sa subject na ito, General Chemistry ang subject at mukhang terror ang teacher kaya lahat ay tumahimik nang dumating siya. "I'm Ms. Donabelle Sotto, your teacher in General Chemistry. I don't like rude and noisy students so don't piss me off or I'll give you a flat 75!" diin niya at biglang kinalabog ang desk sa harap at kaming lahat ay nagulat. Dahil sa entrada niyang nakakatakot ay wala nang nangahas na dumaldal, kaya lahat kami ay attentive na nakikinig sa mga rules at requirements niya. Pagkatapos ng isang oras ay nagtanong siya kung anong oras na, at dahil ako ang pinakaharap at may relo, ako na ang sumagot, at nag thank you naman si ma'am. Matapos niyang sinulat ang mga natitirang requirements ay nagsalita siya. "Okay class, I will leave you now, you still have 30 minutes on my time, I'll give that to you and don't make any unnecessary noises during my time, you can go to the bathroom if you need. Thank you." Pagkatapos niyang magsalita ay lumabas na si ma'am ng room, at tsaka pa lang nagsalita ang mga kaklase at nagkwentuhan patungkol sa terror teacher namin. Nang makalabas si ma'am ay biglang may lumapit sa aking babaeng kaklase. Ngumiti ito at nagpakilala. "Hi! Ako si Jessie Rivera, schoolmate mo ako sa Carion National High School, lagi kitang napapansin na dumadaan sa room namin 'pag break time na kasama best friend mong si Maybelle. Kaibigan ko kasi siya noong elementary kaya ko siya kilala." sabi niya sabay lahad ng kamay. Nagdalawang isip pa ako ngunit naglahad na rin ng kamay at ngumiti," My name is Mallory Melody Sadler," sambit ko. Naisip ko rin kasi na hindi magiging kaibigan 'to ng best friend ko kung hindi ito mapagkakatiwalaan. Hindi na siya nangulit na makipag-usap sakin matapos. Dahil wala naman akong kaibigan dito at wala akong balak na makiusap sa kanila ay nagpasya akong lumabas upang makapag c.r. at para makapag meryenda saglit para sa next subject namin. Habang naglalakad ako sa pathway papuntang banyo ay may mga tumitingin tingin sakin, siguro ay nakikilala ako dahil sa dati kong school. Medyo kilala kasi ako sa dati kong school dahil lagi akong umaakyat sa stage dahil sa mga awards ko at dahil kasama ako sa publication ng school namin. Dahil na rin siguro sa looks ko, I have long and curly hair, maputi ako dahil may lahing Chinese si papa at lahing Kastila naman si mama, at mukha akong bata kung titingnan sa age ko na 17 dahil sa height ko, kaya lagi akong nasasabihan ng baby face ng mga pinsan ko. Pagkatapos kong mag meryenda ng kwek-kwek sa tindahan ng mga tusok-tusok ay bumalik na ako sa room, may mga nagpakilala saking mga classmates, may mga tumitingin sabay ngingitian, sinusuklian ko na lang sila ng tipid na ngiti, I don't want to be rude kaya kahit papaano ay pinapansin ko sila pero mag-iiwas na ng tingin pagkatapos. Natapos ang lahat ng subjects namin ng morning at lunch break na 12:00 PM na kaya gutom na ako. Dumeretso na ako sa mga kainan at nagpasyang kumain ng chicken barbecue, naalala ko kasi noong sinamahan ako ng pinsan ko dito sa school para mag enroll ay sinabi niyang lasang mang inasal ang kainan na iyon kaya yun ang napili ko ngayon. Nakapag-order na ako at pumunta sa isang lamesang pang dalawahan. Habang kumakain ako ay may lumapit na babae at tinanong kung pwede ang upuang nasa harap ko, tumango ako ng 'di na pinansin ang babae at tinapos na ang pagkain dahil ayaw kong may kasabay. Tatayo na sana ako ng sinulyapan ko ang babae at laking gulat ko nang kaklase ko pala siya at siya ang unang nagpakilala sa akin kanina sa room. Kung' di ako nagkakamali ay Jessie ang pangalan niya. Ngumiti siya nang nakita niya akong nakatingin sa kaniya kaya nginitian ko rin siya pabalik, aalis na sana ako nang hinila niya ang siko ko at sumenyas na umupo muna at hintayin siya, tumango na lang ako. Mukha namang mabait ang isang 'to at mukhang mag-isa kaya siguro naki-upo na lang. Nang matapos siya ay ngumiti siya at mukhang nahihiya. Nahihiya rin naman ako pero hindi ko pinahalata. "Akala ko hindi mo na ako naaalala, nakita kitang walang kasama, wala rin naman akong kasama kaya nilapitan na kita," at ngumiti muli. Tumango ako at sinabing, "Ayos lang, bago lang kasi ako dito at wala ring kaibigan," at ngumiti. Napansin kong napangiti siya sa sagot ko kaya nakita ko ang mga perpekto niyang ngipin. Matangkad itong si Jessie kumpara sa sakin, mapagkakamalan mo pa siyang model dahil sa tangkad at hubog ng katawan niya. Mahaba at straight rin ang buhok nito kaya mapagkakamalan mo talaga siyang nagmo-model. Pagkatapos naming mag-usap ay sabay na kaming bumalik sa room at nagpasyang magtabi na lang dahil wala rin pala siyang tropa sa mga classmates namin. Natapos ang first day ng school ng may masaya at ngiti dahil magaan ang pakiramdam ko kay Jessie dahil na rin siguro parang nakikita ko sa kaniya si Maybelle at kahit na maganda siya ay napakababa ng loob niya. Hindi naman masyadong nakakapagod ang first day dahil laging umaalis ng maaga ang mga teachers at puro reminders lang ang pinag-usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD