Tanggi ni Cerilou sa alok ni Grace. Isa pa kahit na magbigay ng pera si Grace hindi nakakasiguro si Cerilou kung palalayain kaagad nila si Grace.
Kilala ni Cerilou ang mga ito. Lalo na't napukaw ang interest ng mga ito mahirap ang pakawalan lang si Grace ng basta-basta.
“Ang sweet naman, parang nanunuod lang kami ng pelikula!” Panunuya niyo.
“Hoy, Del Verde! Umalis ka diyan at huwag mong pipigilan ang gagawin namin. Kahit na dehado kami saiyo pagdating sa suntukan hindi ka namin palalampasin kapag sinira mo ang trabaho namin!” sigaw ng isang siga rito habang humihithit ng sigarilyo.
Tahimik si Cerilou. Iniisip niya kung paano manalo sa laban kung papatulan niya ang mga ito.
Napansin ng mga ito natahimik si Cerilou kaya naman ay sari-saring panghahamak ang binitawan nitong mga salita.
“Takot naman pala, eh! Ang lakas pa ng loob na humarang harang.”
“Pumuti na ba ang bayag mo? Haha, asa ang tapang mo boy? Pahiya ka naman sa dalaga!”
“Teka? Baka may gusto sa dalagang ito? Gusto mong magpaka-hero para mapansin ka? Ibang klase ka boy!”
“Huwag kang mag-alala kaming bahala saiyo,” ani ng isa sa mga ito habang kinalabit ang balikat ni Cerilou.
“Ang kinis diba pre? Ang bango pa? Pagnatapos at nagsawa na kami riyan sa kanya ibibigay rin namin siya saiyo. Di ba mga pare?” sabi nito saka sunod sunod na nagsitawanan ang mga ito.
Nalukot naman at umasim ang mukha ni Grace. Hindi lubos akalain niya na bukod sa pera ay balak pa nito na pagsamantalahan siya.
Hindi makapaghintay si Grace na sugurin at sampalin ang lalaking nambastos sa kanya. Subalit pinigil niya ang sarila niya kasi alam niyang wala siyang laban sa mga ito.
Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao hangang sa lumubog ang mga kuko nito sa kanyang balat. Ganunpaman ay hindi nararamdaman ni Grace ang sakit.
Mabilis na gumagana ang utak niya kung paano siya makakaligtas rito. Nanginginig ang kanyang mga laman sa tuwing naiisip ang mapait niyang sasapitin.
Isang malakas na kalabog ang pumukaw mga ito. Yung siga na tawa pa ng tawa habang sinasabi ang sitwasyon na sasapitin ng dalaga sa kanilang mga kamay ay ngayo'y lupasay na wa semento habang wala nang malay.
Natahimik silang lahat habang nakatingin sa katawan na nakahandusay sa semento habang patuloy na umaagos ang mapulang dugo mula rito.
“Ahhh! Patay! Patay!”
Hindi nila alam kung sino ang unang sumigaw at nagkagulo na ang lahat.
Nang marinig ni Cerilou ang kanilang balak ay talagang nagdilim ang kanyang paningin. Ikinuyom niya ang kanyang kamao at saka humugot ng lakas para ikampay ito sa katabi niya.
Mabigat ang mga kamay ni Cerilou at nadali pa niya ang fatal nerves ng kaaway niya kaya naman ay isang banat palang niya ay tumba kaagad ito.
Nagkagulo ang mga ito at isa-isang Milan ng mga suntok sa direksyon ni Cerilou. Tinulak ni Cerilou si Grace palabas upang hindi ito matamaan.
Maraming mga kamao ang tumatama kay Cerilou subalit dahil hindi naman nakaayos ang mga ito ay nakaka-take advantage parin si Cerilou dito.
Bugbog si Cerilou dahil dehado ito sa bilang ngunit hindi rin naman okay ang kaniyang kalaban. Dahil sa bigat ng bawat binibitawang suntok nito ay malaki din ang danyos na natamo ng kabilang grupo.
Ilang sandali pa ay may narinig silang wangwang ng pulis kaya naman ay kaniya-kaniya silang karipas ng takbo.
Isang pulis mobile ang humarang sa mga labasan ng eskinita, may mga nagpipilit pang tumakas ngunit dahil na-consume na ang kanilang lakas sa pakikipagpalitan ng suntok kay Cerilou ay agad din silang nahuli ng mga pulis.
Si Cerilou din ay napapaligiran ng mga kapulisan dahil sa masamang kalagayan nito.
“Sino yung tumawag saamin?” tanong ng usang naka-unipormeng pulis.
“Ako po iyon sir,” sagit ni Grace na nasa kabilang dulo ng daan. “Kasama ko po iyan, iniligtas po niya ako doon sa mga tambay na iyon.”
“Ah ganoon po ba mam? Tulungan po muna ninyo si Sir. Kung maari din po ay kinakailangan din po namin ang inyong kooperasyon para makuha ang inyo pong salaysay,” sagot ng isang mabait na pulis kay Grace.
“Ay sige po, lalapatan ko po muna ng first aid yung kasama ko tapos po ay susunod din po kami sa prisinto,” saad ni Grace dito.
Agad-agad namang nilapitan ni Grace si Cerilou na halos hindi na maayos ang tayo. Kitang kita ni Grace ang mga natamong pasa at sugat ni Cerilou sa away hindi maiwasan ni Grace na mabahala para dito.
“It’s okay, ako yung tumawag ng pulis. Kaya mo pa ba?” Tanong ni Grace kay Cerilou habang inaalalayan ito sa gilid.
Tinulungan ni Grace si Cerilou na makaupo saka namna ito nagpaalam.
“Hintayin mo ako rito, alam kong hindi mo kaya pang maglakad sa estado mong iyan. Bibili lang ako ng gamot para diyan sa sugat mo, wag kang aalis sa pwesto mo, mabilis lang ako.”
Pagkatapos ng mahabang habilin ni Grace rito ay saka palang ito tumakbo ng mabilis. Naiwan si Cerilou sa gilid ng eskinita habang nakatanaw sa likoran niya.
“Seryoso? Napasabak pa talaga ako sa gulo dahil sa kanya?” Naiiling na bulong ni Cerilou sa kaniyang sarili.
Sa katunayan talaga ay wala siyang balak na manghimasok sa ganitong mga bagay ngunit iba si Grace, Grace once save him when he was helpless.
Grace didn’t just lend him a hand, she gave him a hope, strength, courage and power. Siya ang dahilan kung bakit nagsisikap si Cerilou na makapagtapos ng pag-aaral at makaahon sa kahirapan.
Hindi mapigilang napangisi si Cerilou nang maala ang sandaling iyon. But before he could smile ay nalukot naman ang kanyang mukha sa sakit.
Nakalimutan niyang nabugbog siya at masakit igalaw ang kanyang mukha dahil sa lala nito.
Hindi rin nangtagal ay nakabalik narin si Grace na nakatakbo parin. Hinihingal itong huminto sa harapan ni Cerilou habang ang kaniyang mga kamay ay nakapatong sa tuhod.
“I.. ahh hah! I told yoohh i’ll be fast Hah! Ito na yong gamot mo-hoh!” hinihingal na saad ni Grace habang pinupunasan ang mga butil butil na pawis nito sa noo.
“..ouch..ouch,” iyak ni Cerilou habang tinitiis ang hapdi at sakit sa katawan.
Patuloy ang paglapat ni Grace ng gamot sa mga sugat na natamo ni Cerilou.
“Ayan, ano ka superman? Kita mo ngang andami ng kalaban eh ang lakas pa nang loob mong makipagsuntukan sa kanila, mabuti at ganito lang inabot mo.”
Pangaral ni Grace kay Cerilou habang dinidiinan ang bawat paglapat ng bulak sa mga sugat nito.
Puno naman ng mga hiyaw ang naging sagot ni Cerilou sa kanya. Pagkatapos malapatan lahat ng sugat ni Cerilou ng gamot ay inilalayan naman ni Grace si Cerilou papunta sa prisinto para makuhanan ng istorya.
Matapos ang araw na iyon ay palagi nang nakikitang magkasama si Grace at Cerilou sa loob ng campus. Matami din ang naiingit at nagagalit sa kanilang malapit na pagsasama.
Lalong lalo na ang mga suitors ni Grace na hindi maitago ang pagkamuhi nila kay Cerilou. Kung minsan pa nga ay sinasabotahe nila si Cerilou hangang sa gumawa na ng aksyon si Grace rito.