Kabanata 4: Balintataw
Balintataw – guni-guni
Since KFC ang malapit sa bahay namin ay do'n kami pumunta.
Habang naglalakad kami ay nag-ring ang phone ko.
"'Di mo sasagutin?" tanong ni Lyca.
"Si Mama lang 'yan. Baka nalaman na wala ako sa bahay."
"Tignan mo na. Sabihin mo nasa KFC lang tayo."
Kinuha ko yung phone sa bulsa ko at nagulat ako nang si Ali pala yung tumatawag sa akin.
"Hindi si Mama!" Napatingin ako kay Lyca.
"Sino?" Sabay tingin niya sa phone ko. "Si Ali? Bakit ka tinatawagan ni Ali?"
Napatingin ako sa braso ko.
"Hindi mo sasagutin? Baka importante. Sa activity niyo siguro ganun."
Nag-airplane mode ako at binalik sa bulsa ang phone ko.
"Bakit 'di mo sinagot? Anong meron?"
"Sa KFC na lang."
At patuloy na kaming naglakad. Ayokong mag-isip ng kahit anong related sa kaniya o ni marinig ang pangalan o makita. Tsaka hindi naman kami close. Kaya dapat lang namang 'wag na kong mag-initiate o lumapit. Nagmagandang loob na nga, nasugatan pa.
Nag-order si Lyca ng fully loaded bucket fries. Habang naghihintay sa order ay kinuwento ko na sa kaniya lahat ng nangyari hanggang sa mga pinagsasabi ni Papa sa akin.
"What? Bakit ka naman itutulak? Tapos 'di ka pa tinulungan? Grabe naman." Na-highblood na ata si Lyca.
Iniba ko ang usapan.
"Hinding-hindi ko babalakin na magsabi sa kanila. Maraming masama ang pwedeng mangyari. Canceled na agad yung matatanggap ako ganun."
"Well, based sa kinukwento mo, hindi nga sila accepting." Napabusangot ang mukha niya. "Pero if sa una hindi nila matanggap, matatanggap din nila." Halos patanong niya itong binitawan.
"Madalas yung mga ganiyan kapag naging successful ka na sa buhay or may dulot ka na sa kanila, tsaka lang biglang matatanggap. Kailangan ba milyonaryo muna bago matanggap?" I got heated up.
Dumating na ang order naming fries.
Natahimik kami pareho nang ilang minuto. Kain kung kain. Nakaka-miss sobra. Favorite ko talaga 'to kahit wala ng tomato ketchup pa.
Tumambay kami hanggang sa halos lumubog na ang araw. Puro kwentuhan lang kami. Sayang, sana nakapagdala kami ng libro para nakapagbasa na rin. At least may karamay na 'kong walang aral. Wow nandamay pa 'no?
Tinanggal ko na sa airplane mode ang phone ko. Naka-receive ako ng text mula kay Mama.
Mama: Pumunta d2 c ali hinahanap ka. Hindi cnabi kung bakit.
Hindi na 'ko nag-reply kay Mama.
Wala tayong paki. Ituloy ang kain.
"Ano, hindi ka pa uuwi?"
"Ayoko pa sana. Ayoko munang makita mga tao sa bahay."
"Edi sa'n ka pupunta?"
"Siguro uuwi na lang din talaga. Itutulog ko na lang 'to o gagawa ng bagong letterings."
At ganun na nga ang nangyari. Naka-turn off notifications ako sa social media. Nag-lettering at nag-aral lang ako buong araw ng Linggo.
Kinaumagahan ng Lunes...
Hinintay ko si Lyca sa may gate ng school at sabay kaming naglakad.
Pagsasalin ang first subject namin so magkatabi na naman kami ni Ali. Pagkapasok ko sa room, papalapit sa upuan ko, may nakalagay na burger with a sticky note saying "sorry."
Ayoko tanggapin. Ayoko rin naman sayangin. Kinuha ko ito at lumabas ako ng room. Nilapitan ko si Ate na volunteer sa school at iniabot yung burger sa kaniya.
"Ate para po sa inyo. Salamat po sa serbisyo niyo sa school namin."
Sobrang nabanaag ang tuwa sa mukha ni Ate. Sa rinig ko ay mahigit 20 taon na siyang nag-v-volunteer dito.
"Salamat, iho." Ngiting-ngiti si Ate.
Bumalik ako sa room at nakaupo na si Ali sa upuan niya. I avoided him.
Dumating na si Ma'am at pinapasa ang activity namin.
Inabot ko sa harapan yung activity namin sa halip na sa kaniya ko ipaabot.
Pilit kong tinatago kay Ali yung sugat ko. Hindi ko alam kung bakit. Basta ayoko lang makita niya. Buti nasa kaliwa ko siya.
Syempre walang pansinan. Dapat panindigan ko sinabi ko sa sarili ko. Tsaka hindi naman ako ang may ginawang kasalanan. Bakit ko ba kasi iniisip 'to lahat?
"See you all next week. Gawin ang revision ng inyong mga sinalin. Tignan natin anong pagbabago ang mangyayari sa mga gawa niyo matapos natin talakayin ang mga hakbang sa pagsasalin."
What? Kailangan na naman naming gumawa nang magkasama?
Nothing personal...
Bigla ko lang naaalala yung sinabi sa 'kin ni Ali.
"Ay hindi, hindi, hindi," sabi ko sa sarili ko habang umiiling.
Akuin ko na lang kaya? Mas ok na 'yun, no?
"Tara na TJ! Sa'n tayo mag-lunch?" Tawag sa 'kin ni Lyca.
Hindi ko alam ba't may tension na namumuo sa pagitan namin ni Ali. Para bang gusto niya kong kausapin na ewan. Tapos hindi ko alam sa sarili ko bakit ayaw ko pang tumayo.
Nag-e-expect ka ba?
"Jay! Tara na! Nagugutom na 'ko." Muling tawag sa 'kin ni Lyca.
Tinignan ko si Ali na nakatingin sa sahig. Pero iniwasan ko agad siya ng tingin nang tumingala siya bigla. Tumayo ako at sinundan si Lyca.
Nakita kong tumayo na rin siya at dinala ang bag niya.
"Down ang vibes mo bigla, bakit?" Pag-aalala ni Lyca sa akin.
Nakaramdam ako ng awa kay Ali. Biglang I sympathize with him out of nowhere. It's like dama ko na he regrets what he did to me but he just can't say it.
Ngumiti na lang ako.
"Anong down ka diyan? Tara na't bumaba. Mag sisig tayo ngayon."
At nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Pagbaba namin ay may nakita kaming mga taong nagkukumpulan at mga nakatingin sa taas.
"Hala anong meron dun?" Pagtataka namin ni Lyca.
Mas naintriga kami nang bigla silang sumigaw.
"Tara dali tignan natin!" Yaya ko kay Lyca.
Alam niyo naman ang mga chismosa, takbo agad para makasagap.
Pagdating namin doon ay may lalaki sa 5th floor na nakaamba sa railings.
"Kuya 'wag mong itutuloy 'yan!" Sigaw ng mga studyante sa kabila.
"Patawarin mo na kasi, ate."
Napatingin ako sa babaeng sinasabihan nila. Tapos tinanaw ko ulit yung lalaki sa taas.
Pucha! Si Ali? Ano ba 'yang imagination mo, TJ!
"Patawarin mo na 'ko!" sigaw niya.
Hala! Hindi, hindi, hindi. Hindi siya 'yun.
"Grabe naman. Kailangan ba sapilitan? Ano ba si kuya, gangster?" Triggered si Lyca. "Pwede namang kausapin nang masinsinan."
Nabaling ang tingin ko kay Lyca.
"Oo nga naman." Sagot ng babae sa tabi ni Lyca. "Itigil mo na 'yan kuya!" sabay sigaw niya.
Sana all humihingi ng tawad...
"Ano?! Hindi mo pa rin ba 'ko papatawarin?" Sigaw ni kuyang nasa 5th floor. "Isa! Dalawa!"
Nagsigawan pa ang mga tao.
"'Wag mong itutuloy 'yan!" sigaw nila.
Gulong-gulo si ate. Kinakagat niya nang kinakagat ang kuko sa hintuturo niya.
"Hindi ka naman mamamatay diyan! Mababalian ka lang!" sigaw niya.
Wow! Sure ka diyan?
Biglang may dumating na guard sa taas at hinila si kuya.
"Tara na. Maubusan pa tayo ng oras kumain." Sabay hila sa akin ni Lyca.
Nag-order kami ng sisig at naupo sa bench sa may bandang papuntang garden area kung saan maraming langgam AKA lover's lane.
"Hindi pa rin ba humihingi ng tawad sa'yo?"
Umiling ako.
"Ay hindi! May burger kanina sa upuan ko with sorry sa sticky note."
May dumaang mga lalaki na may gitara, bulaklak, at lobo.
"Ayan na naman sila. Sana all na lang talaga."
"Tigilan mo nga 'ko. May jowa ka na diyan."
Nagsimula ng tumunog ang gitara at umawit ang lalaking nasa gitna.
"Di ko nais na magkalayo tayo
Nagselos ka at nilayuan mo ako
Buhay nga naman tunay bang ganyan
Bumalik ka naman..."
"Nasa restaurant ata tayo," sabi ni Lyca. "Pero ganda ng boses ah."
"Tanggap ko na Lyca Soberano na talagang wala na 'kong lalaking makikita. Tanggap ko na na mag-isa lang ako sa buhay. Mag-aalaga na lang ako ng pusa, aso, at dagang costa. Mag-aaral na lang ako mag-cross stitch. Tsaka siguro maggagantsilyo na lang ako ng bed sheets, mantel, at kurtina. Tanggap ko na na ako na ang magiging ninang ng lahat ng mga anak ninyo."
"Ang drama ah. Ruffa Mae?"
Patuloy lang kami sa pagkain.
"Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkabati tayo
Minamahal kita hihintayin kita
Sorry na pwede ba..."
Ramdam mo yung sinseridad sa pagkanta ni kuya. Mapapatitig ka na lang sa kanila.
Napapangiti ako habang kinakantahan ako ni Ali.
"Buhay ko'y nasayo
Matitiis mo ba ako oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry pwede ba?"
"Hoy! Jay!" sigaw ni Lyca. "Ano yan? Daydreaming?"
Fudge! Itigil mo 'yan TJ! Ano ba 'yang mga iniisip mo?
"Ano na namang iniisip mo at nangingiti ka diyan?"
"Wala. Tapusin na natin 'tong pagkain. Akyat na tayo agad."
Inabot nung lalaking kumakanta yung bulaklak sa babae. Ayun tuwang-tuwa. Marupok. Napatawad na. Ok na sila. Nagyakapan na sila.
World sorry day ba ngayon? May ganun ba?
Matapos ang ilang minuto ay ibinalik na namin ang pinagkainan namin sa pinagbilan namin. Pagkatapos ay bumili kami ng palamig at umakyat na sa 5th floor.
"Mag-cr lang ako ah." Paalam ko kay Lyca. "Mauna ka na."
"Hindi. Mag-cr din ako."
"Sige."
Pagpasok ko sa cr ay kinuha ko ang phone ko. May message sa 'kin si Ali. Nagulat ako.
Ali: Can we talk later after dismissal? Sa 5th floor study area.
Anong isasagot ko? Papayag ba 'ko?
TJ: Sige.
Pagkatapos ko mag-cr ay sinabi ko agad kay Lyca yung text ni Ali.
"So anong sinabi mo?"
"Nag-oo ako."
"Edi mabuti. Pag-usapan niyo 'yan."
"Oo. Tama ka." Tamang kumbinsi lang sa sarili para panindigan ang bawat sinasabi.
Matapos ang huli naming klase ay lumabas agad si Ali ng room namin.
Magkatabi kami ni Lyca buong period. Kinakabahan ako. Para 'kong timang. Wala naman akong ginawang masama diba.
"Ano na? Pupunta ka na?" Tanong ni Lyca habang nagliligpit siya ng gamit. "Dalian mo na."
"Mauuna ka na?"
"Oo. Samahan ko si lang si Mama mamili."
"Ok sige. Ingat ka."
"Ikaw din!"
Lumabas na 'ko ng room at dumiretso sa Study Area. Open area siya for students. Madalas tamabayan o tulugan pero hindi siya yung library. Mas maliit siya. Pero since hapon na, alam kong mas konti na lang ang tao dun.
Nakita ko si Ali na nakaupo sa may table sa pangalawa sa dulo. At tama nga ako, konti lang ang nandito.
Bakit ka kakabahan? Dapat siya ang kabahan.
Naglakad ako papalapit sa kaniya. Nakita kong nakita niya na 'ko. Pero patuloy lang siyang tumingin sa lamesa.
Umupo ako sa harapan niya. Tahimik lang kami pareho.
Alam ko napansin na niya yung gasa sa braso ko.
"Are you gonna talk or not 'cause I'll leave then." I said without stuttering. That just came out of nowhere.
WOW TJ! Kailan ka pa nagtaray nang ganiyan? Look how the tables have turned.
"Look." He put his arms on top of the table. "I am not here to argue or fight again with you." His voice sounded so melancholic.
"Ok." I said it with almost no expression at all.
"I know what I did was not right. I was so not in my mind that time."
"At hindi mo man lang ako natulungan."
"It's just that I don't let people go to my place. I admit my anxiety that time really went above the roof." I see his eyes getting watery. "I am so sorry that I've hurt you and yelled at you."
I stayed quiet.
"Sorry talaga." His sincere calm voice hit right through my heart.
"Sorry din." I just said it. My heart did it.
"No! You don't have to. I'm the one who have to say sorry. Nasugatan ka pa." Then he looked at my arm with roller gauze.
"Sorry dahil I made you feel so anxious. I know how it feels. If I always make you like that, I promise right now that I will never be the reason again for you to feel that."
"No! I didn't mean it that way. That was only for that moment. You don't make me feel anxious. You made me comfortable being with someone else again."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"You are a great person. You're so talented. I admire people like you who just express themselves through art." Pagpapatuloy niya. "I wish I could write again." Naramdaman ko yung biglang lungkot sa boses niya.
"Thank you sa mga sinabi mo." Sobrang nahihiya ako habang sinasabi niya yung mga 'yun.
"I am sorry again. Ok na ba yung sugat mo?"
"I forgive you." I paused for a second. "Tsaka tuyo na naman."
"Are we good now?"
"Yes of course. Friends?"
Natigilan siya panandalian.
"Friends." He said it with a little nervousness. But he smiled after saying it.
I attempted to do a hand shake with him but we ended up having a fist bump.
"Sige mauna na 'ko," sabi ko.
"I'll go with you."
I feel something different after he said that. But it isn't something that's bad.
Sabay kaming naglakad pababa sa ground floor. Hindi kami nag-iimikan. Hindi ko rin naman alam anong sasabihin ko. Kung kukwentuhan ko ba siya at mag-feeling close ako ganun. Pero friends na raw kami. Pumayag naman siya kanina kung tama pagkakarinig ko. Hindi ko naman guni-guni lang 'yun no?
Nag-text muna ako kay Papa na papunta na ako sa terminal.
"So mahilig ka magsulat? Ano sinusulat mo?" It suddenly came up to my mind and I immediately asked him about it.
Patuloy lang kaming naglalakad palabas ng school.
"That was years ago. Tried writing novels, poems, and songs."
"Wow! Parinig mo sa 'kin minsan." Biro ko.
He just smiled.
"Bakit hindi ka na nagsusulat ulit?"
"It just happened abruptly. It's like I'm a child who couldn't write anymore literally."
"Sana makapagsulat ka na ulit. Makahanap ka ulit ng inspirasyon ganun. I know how it feels pero hindi sa writing. Sana makahanap ka ulit ng rason para magsulat muli at i-express ang sarili mo. Then from that, use your platform wisely. Ikaw naman ang magiging inspirasyon sa iba."
He just nodded.
"Thanks for that. I appreciate it." He looked at me.
Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko, sobra.
Bumili muna ako ng chicken joy para kay Papa bago kami tumuloy sa terminal.
Pagkarating namin sa terminal ay nakapila na si Papa at nagpupuno ng pasahero. Sumakay kami agad ni Ali. Kaya nga lang sa harap ako dahil isa lang ang na-save ni Papa at si Ali naman ay sa likod na naupo.
"Pa, kaibigan ko yung nasa likod."
"Ah ganun ba. Libre na natin."
Nag-message ako kay Ali na huwag na siyang magbayad. Na libre na siya ni Papa. Kaso nahihiya raw siya. Sabi ko na lang mas nakakahiya 'pag binalik ni Papa sa kaniya yung bayad niya.
Sumilip ako sa rear view mirror. Nakatingin din pala si Ali sa harap at napansin niya ko.
He mouthed thank you. I just smiled back. Sobrang saya ng kalooban ko.
...
"May pagmamahal sa pagpapatawad.
Hindi man hingin, marapat mong ibigay sa'yong sarili."
- vin