Kabanata 12

2047 Words
Kabanata 12: Hanggaan Hanggaan - limitasyon Ilang oras na kong babad dito sa mga libro ko. Ang daming homeworks. Ang daming sasagutan at aaralin. Well, normal na ‘to. Pero ‘di pa rin ako nasasanay. Ang overwhelming pa rin madalas. Mapapatanong ka na lang talaga gabi-gabi kung bakit BSA. Pero lagi ka namang “wala eh nandito na so ituloy na.” "Kuya kakain na tayo. Tara na." Sabi ni Jas. Sinarado ko na yung mga libro ko. "Oo susunod na 'ko." Sagot ko. Kakaiba ang mood ng mga tao sa hapag-kainan. Mabigat at tensyonado. Walang umiimik. Nagsimula na kaming kumain. Rinig ang bawat tama ng kutsara at tinidor sa plato. Nagkakatinginan sila Mama at Papa. Bumibilis ang t***k ng puso ko. Rinig ang bawat nguya. Lumalakas ang tunog ng kutsara. Mas bumibigat sa pakiramdam. "Jay! May gusto ka bang sabihin?" Natigil ang katahimikan sa sinabi ni Papa. "Ah, ano pong sasabihin?" Malumanay kong sagot. Pero sobrang kinakabahan na talaga ako. Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Papa. "Ano itong picture?" Sabay pinadulas ni Papa ang cellphone niya sa lamesa papunta sa akin matapos hanapin ang litratong ipapakita niya. Napatingin sa 'kin si Mama at ang kapatid ko. Kinilabutan ako bigla. Sobra akong kinakabahan. Bakit naman may paganon si Papa? What in a teleserye is happening? Naguluhan ako bigla. Nagkaroon ako ng ideya. "Kuya ok lang 'yan." Pagpapakalma ni Jas sa akin. Tinignan ko ang litrato. Kaming dalawa ni Ali na magkasama. Magkaakbay. Nakatingin sa isa't isa. Nagsimula na akong lamigin at pagpawisan. Sa'n nila 'to nakuha? Sinong nagbigay? Bakit? "Anong paliwanag mo diyan?" Wika ni Mama. Pakiramdam ko masusuka ako na ewan. Para akong napagkakaisahan ng mga bully na tao. Yung tipong wala kang laban kundi magpabugbog na lang. i really hate this feeling "Kaya ba dinala mo rito 'yan sa bahay? May relasyon kayo ng lalaking 'yan?" Tumataas na ang tono ng pananalita ni Papa. Bakit parang ang kasalanan ko ay pumatay ng tao? Bakit kailangan ganito ang trato sa akin? Bakit kailangang pagdaanan pa yung mga ganito? "Bakit hindi ka makasagot?" "Bakla ka ba?!" Sigaw ni Papa. "Opo." Yumuko ako. Ayokong makita ang reaksiyon nila. Nagsimula na 'kong maiyak. Why does it have to be this way? Why do I have to feel this way? Is it a crime? Did I rob someone? Why does it feel like I'm being accused of committing a crime? Paulit-ulit na lang ang mga ganiyang thoughts sa isipan ko. "Oo! I am that kind of person. Bakla, gay, whatever! Ngayon, papalayasin niyo ko?" I raised my voice at them and stood up. "Ayusin mo ang pananalita mo, Tien Javier!" Sigaw ni Papa. "May pagkakataon ka pang magbago!" Singit ni Mama. "Anong problema niyo, Ma, Pa? Bakit ganiyan kayo?" Napatayo na rin si Jas. "Kung hindi niyo ko tanggap, aalis na lang ako. I have no time dealing with people na ayaw sa 'kin and worse pamilya ko pa." I said eagerly while shaking. "Kuya, 'wag." Pagmamakaawa ni Jas. "Sige umalis ka. Walang lugar ang tulad mo rito sa panamahay na 'to o sa pamilyang ito! Hiwalayan mo 'yang lalaki mo at makababalik ka rito." He gave his ultimatum. "Magbago ka na anak. Parang-awa mo na." Pagpupumilit at pagmamakaawa ni Mama. "Bakit ba hindi niyo matanggap? Ano bang masama?" Inis kong tanong. "Nakakadiri ang pinaggagagawa niyo. Umalis ka na rito. Baka kung ano pang magawa ko sa 'yo." Muling pagbabanta ni Papa. "Sasaktan niyo ko? Dahil ganito ako? Sige, Pa!" Humahagulgol na 'ko. Hindi na 'ko nag-impake pa at lumabas na ko ng bahay namin. Binalibag ko ang pinto namin sa paglabas ko. Ano ng gagawin mo, TJ? Nagising ako. Pinagpapawisan at hinahabol ang paghinga. Hindi ako makapaniwala. Nanginginig ako paggising ko. Talo pa nito ang sleep paralysis. Parang nakaka-trauma na lang ulit matulog. Huwag ko na lang ba ituloy ang binabalak ko? Nagpunas ako ng pawis at pumunta sa cr para maghilamos. Tinitignan ko lang ang sarili ko sa salamin. "Kaya mo 'yan, TJ. Sabihin mo na mamaya." O ‘di kaya ‘wag na lang ako magpaka-positive. Hindi ko na alam ang gagawin ko Oras na pala ng hapunan. It's your chance, Jay. Pero hindi ko mapigilang hindi maisip yung panaginip ko. Ayokong mangyari 'yun. 'Wag na lang. Mas ok na kaming dalawa at magulang lang ni Ali ang nakaaalam. Para hindi na magulo. I'll let them think what they want of me. Pinapanindigan ko na nga 'tong program ko tapos hindi pa ko malaya. Daig ko pa ang double dead. Pinalipas ko na lang ang gabi. Mas ok na yung ganun na payapa. Mas ok na yung hindi nila iisipin ang sasabihin ng iba tungkol sa 'kin. Mas ok na yung kung anong tingin nila sa 'kin ngayon. ... Ilang linggo ang nakalipas matapos magsimula ang klase ay nagiging mas mahirap pa ang mga bagay-bagay. Tambak na gawain, puro bagsak na pagsusulit, mababang recitation grades, at kulang na kulang sa tulog. Papalapit na rin kasi ang midterm exams. Stressed at depressed ang lahat. As a student struggling whether to continue with my program or not, it pains me to see that many of my classmates and batchmates are transferring to other programs. I am so close to following them. It's so hard enduring each day of classes since the pressure is always there. Plus I am not that smart especially in accounting. It's more than Mathematics which they mistakenly know the other way around. Isa rin ako sa mga nabudol na maraming pera rito. Pero literal pala 'yun. Hindi nga lang sa 'yo lahat. One of my classmates was not able to answer the question of our professor. She stuttered and got mental blocked. She felt so humiliated in front of everyone. The next meeting, she's not attending our classes anymore, Then the other one wasn't able to compute correctly one problem. He took so much time for that one question. Our professor got ill-tempered and said "'Yang simpleng tanong hindi mo masagot? Bilis naman ang tagal." And the next meeting, he's no longer in our class list. Siguro naiisip mo na simple lang 'yung mga nabanggit ko pero lahat 'yun ay may halo ng pag-iisip kung para sa kanila pa ba yung tinatahak nila. Kasama na rito ang kung kakayanin pa ba nila hanggang susunod na semestre dahil doble na ang bilang ng accounting subjects. Naisip ko na oo wala namang madaling program pero iba rin tong accounting. Siguro natapat lang na hindi talaga ito ang gusto ko kahit pa nilagay ko itong first choice sa application form ko. Pero ngayon iniisip ko na kung lilipat na ba ako hangga't hindi pa huli ang lahat. Hangga't mas konti pa lang ang masasayang. Tutal tapos na naman namin halos lahat ng GE subjects. Worth it pa ba ito? Gusto ko yung gugustuhin ko pa ring magpatuloy kahit sobrang hirap na. Kasi gusto ko pa rin. Kasi 'yun ang nakikita kong panghabang buhay kong gagawin at 'di ako magsasawa. Kaharap ko lahat ng libro ko. Tinitignan kung kakayanin bang aralin lahat. Nakabukas ang lamp sa table ko at pinapatunog ko lang yung ballpen sa lamesa. Halos nakatulala na lang ako sa kaiisip ng lahat ng mga backlogs ko. Hindi na ko nakasusunod sa discussions. Parang pumurol nang malala bigla ang utak ko. Kumatok si Ali sa pinto. "Hindi ka pa kakain? Sabayan mo na 'ko. Pahinga ka muna." "Sige sunod na 'ko." Buti na lang may taong nakapagpapanatili ng sanity ko. Na sa kabila ng lahat ay nandiyan lang siya at ganun din ako sa kaniya. Tingin ng lahat, biglaang mag-best friends kami. Pero mas mabuti na 'yun kaya hinahayaan ko na lang. Pagbukas ko ng pinto ay nag-iinit ng ulam si Ali. "Ano binili mo?" tanong ko. "Monggo po," sagot niya. "Sarap naman niyan. Gusto mo kanawan din kita ng kape?" "Sige. Good luck na lang talaga bukas sa 'tin. Nagsabay-sabay ang mga quiz." Nagkanaw ako ng kape naming dalawa habang iniintay kumulo yung ulam. "Kung wala ka sa accountancy, anong tine-take mo?" random kong tanong. "Siguro nasa masscom ako. Gusto ko maging part ng behind the camera ganun. Ikaw ba?" "Pwedeng educ, pwedeng office ad, pwedeng math major." "Ang dami naman. Maalam ka na talaga sa maraming bagay." "Hindi naman. Hindi ko lang talaga alam siguro kung para saan ako." "Naiisip mo na bang lumipat?" Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. "Nung 1st year pa. Pero hindi ko alam, patuloy pa rin ako. Siguro hangga't 'di natatanggal edi stay lang. Kahit mahirap." "Tama 'yan. Panindigan. Kaya hindi ako susuko hangga't hindi sinusuka ng college natin." Natawa siya sa sarili niya. "Tsaka ngayon parang mas mahirap ng iwan kasi may tutor na 'ko. Baka malungkot yung nagtuturo sa 'kin." "Aba dapat lang na hindi mo siya iwan. Ang dami pa namang nakapila." "Iba na rin talaga ang kapal ng mukha ah. Lihain na kaya kita." Pagbibiro ko. Nagsimula na kaming kumain. "Dito tayo sa sala. Paturo ako," sabi ko. "No problem. Ako bahala sa 'yo. Sabay tayong babagsak. Gusto mo 'yon?" Sabay tawa niya. "Siguro kung uwian ako tapos mag-isa sa lahat, napalipat na rin talaga 'ko." Ginulo niya ang buhok ko. "Nandito lang ako. Kaya natin 'to. Kahit sa'n man tayo mapadpad. We'll catch our dreams." Sabay kindat pa niya. "Napuwing ka?" Kahit alam kong hindi naman. Pagkatapos naming kumain ay nilinis ni Ali ang mesa at naghugas ako ng mga pinagkainan. Nilagay na niya yung mga gamit niya para sa review namin. We spend the night reading and pressing our finger nonstop on the calculator. May mga bagay talagang hindi maipipilit agad na maintindihan. It takes time. Baka next year alam ko na 'to. Joke lang. I admire his patience. Hindi niya ko sinusukuan hangga't hindi ko naiintindihan. Nababangag at nalulutang na rin ako kahit nagkape kami. Tinitignan ko na lang siya. "Huy! Masyado ka namang titig diyan." "Sinasabi mo diyan?" Biglang may kumatok. "Sige ako na titingin,” sabi ko. Pagsilip ko sa peep hole ay nakita ko si Mylene. Tinignan ko ang oras sa wall clock. 10 pm na pala. Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Oh napabisita ka?" Hindi niya 'ko sinagot. Nakatingin siya kay Ali. Lumapit siya sa kaniya. "Buti gising ka pa. Papaturo lang kasi ako sana. Itong dulo na lang naman ang hindi ko ma-gets." Sabay upo niya sa kinauupuan ko kanina. Sinarado ang pinto at umupo sa tapat ni Mylene. "So ito oh," sabay turo niya sa libro. "bakit binabawas yan?" Nagbasa na lang ako at nagdutdot sa calculator ko. Naiinis ako ang arte niya. Pati boses nag-iiba. Mga galawan niya HAYS SKSKSKS Niligpit ko na ang mga gamit ko. "Matutulog na 'ko," I said in a monotonous way. "Sige, itulog mo na 'yan. Good night!" Ngiti sa 'kin ni Ali. Hindi ko siya pinansin. Pumasok na agad ako sa kwarto. Bahala sila diyan. Kinabukasan ay ang aga naming nagising ni Ali. Pero inunahan ko siya maligo para mas maaga ako makaalis para hindi ko siya makasabay. Medyo nanunuyo na ang lalamunan ko at umiinit yung loob ng katawan ko. Sana hindi ako magkasakit. Sinakto kong umalis ako habang naliligo siya. Nararamdaman kong nilalamig ako, sobra. Baka malamig lang ang panahon. Maaga pa naman. Habang nag-qu-quiz kami sa first subject ay nahihilo na 'ko. Buti nagdala 'ko ng paracetamol. Maya-maya ay nainitan na 'ko at pinagpawisan. Pagdating ng second subject namin ay nilalamig na ulit ako. Sumasakit na ulo ko. Pero pinipilit ko pa ring matapos ang quiz namin. Pagkatapos nun ay lunch break na namin. Nilapitan ako ni Lyca. "Grabe ang hirap ng quiz natin." Reklamo niya. Wala akong imik. Tumango lang ako sa kaniya. "Oy namumutla ka. Ayos ka lang ba?" Nilagay niya ang palad niya sa noo ko. "Oy ang init mo!" "Kanina pang umaga. Pero nakainom na ko ng gamot. Kaso wala na 'kong extra." "Hala! Tara sa clinic." Sabay inalalayan niya 'kong tumayo. "Anong nangyari?" Biglang nasa gilid ko na si Ali. "Nilalagnat siya,” sagot ni Lyca. Nilagay niya rin ang palad niya sa noo ko. "Oo nga sobrang init mo. Namumutla ka na." Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Ako na magdadala sa kaniya sa clinic. Paki tawagan mo na lang si Tita para alam nila." Halos natataranta na si Ali habang nagbibilin kay Lyca. "Kaya ko pa maglakad,” sabi ko. "Alalayan lang kita." Tumawag na si Lyca kay Mama habang pababa kami ni Ali sa clinic. Pinabalik na si Ali sa room at naiwan na 'kong mag-isa. Pinahiga ako sa bed at kinuhaan ng temperature bago pinainom ng gamot. They checked my under eye and throat. Tinanong ako ng doktor kung anong nararamdaman ko. Kung may masakit ba. Kung may headache o stomachache. Matapos ang tila interview na tanungan ay sinabi ng doktor na may viral infection daw ako. Niresetahan na niya 'ko ng gamot at hintayin na lang daw ang guardian para makauwi at maibigay ang clearance. Nakatulog ako nang 'di ko namamalayan. 'Wag ka ng mag-alala, Ali. ... "Magtiwala ka lang sa Kaniya, Maligaw at mawala, Daan mo'y patungo pa rin sa isa." - vin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD