Kabanata 46: Lihis Lihis - salungat Friday ng umaga ay maaga akong nagising. Syempre, hindi papahuli si Ali sa mga pa-message niya. Constant na gawain na namin yung dalawa. Siguro ganun naman ang lahat ng magkarelasyon. Babati sa umaga tapos babati rin sa gabi, at sa buong araw. Kaya kapag ikaw, hindi ka kusang ginaganun, aba maghanap ka na ng iba at iwan mo na ‘yan. Mahirap yung ikaw lang ang nagmamahal sa isang relasyon. Stop na, ok? Ito na ang sign. Hala sige bulag-bulagan tapos hihingi ng advice sa mga kaibigan pero hindi rin naman susundin. Napapagod lang sila magsalita o mag-type. Kaya sa mga kaibigan diyan na nagbibigay madalas ng payo, i-record niyo na lang. Tapos ang problema. Joke lang. Ali: Good morning, bee! Ingat ka pag-alis mo. Nasa condo na ‘ko. Hinatid ako nila Tito pagk

