Kabanata 34: Hatinig Hatinig - telepono Naikwento ko nga pala kina Mama, Papa, at Jas yung award na nakuha ko so panay text sila sa akin ng congratulations. Tapos ipaghahanda raw ako pag-uwi ko mamaya. Pero niloko muna nila ‘ko nung una na ako raw ang manlibre sa kanila. Nag-text din pala sina Tito Rod at Tito Mar. Sa susunod na raw ang congratulatory gift nila. Pero sinabi ko na ayos lang naman kahit wala na. Yung bati pa lang nila ay solve na ako, ganun. Eh kung ipipilit naman nila ‘di ba edi why not. Sila naman ang gagastos at tatanggap lang naman ako ng biyaya. So ayun malamang sa malamang ay si Ali ang naghatid ng balita sa kanila. Grabe akala mo naman nanalo sa Miss Universe or kahit sa Miss Universe - Philippines. Support ang buong bayan! Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa aki

