Kabanata 52: Sigá Sigá - bon fire (Lyca’s Birthday Special Chapter) Ang tagal namin bago makabalik sa tent namin. Syempre sikat na si Ali. He’s been followed around by many supporters and fans already. Hindi na maabot, joke. Nasa likuran niya lang kami ng mga kaibigan niya. Para kaming mga hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Nagsasagian lang kami ng braso sa balikat. “Grabe ‘no. May sikat na tayong kaibigan. Akalain niyo ‘yun? Makikilala rin tayo kasi kaibigan niya tayo.” Sabay tawa ni Jaydee. Tuwang-tuwa ang kuya mo. “Artista na ba si Ali? Kala mo naman talaga nationwide na.” Tawa ni Mylene. “Syempre sila ng jowa niya ang makikilala.” Sabay tingin niya sa akin. “Anong sikat pinagsasasabi niyo? Hindi naman ako sumali. Alalay lang tayo ng sikat.” Biro ko. Narinig pala ni Ali

