Kabanata 56: Baligho (Part 2) Baligho - laban sa katwiran Pagkarating ko sa pwesto para sa section namin ay nakalatag na ang mga table tapos binubuhat na ang mga gamit at pagkain. Buti na lang ay nandun din yung iba naming mga kaklase na magulang nila ang nagluto tapos mga nakisuyo sa magulang nila na magpabili ng mga utensils at paper plates. Ang bilis ng mga araw. Uwian na pala kami mamaya pagkatapos nito at closing program pa pala. Ang araw at wala halos ulap sa kalangitan. Hindi naman gaanong maalinsangan. Medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Hindi pa ako pinagpapawisan. Hinugasan namin ang dahon ng saging at pagkatapos ay pinunasan bago ilatag sa mga kahoy na table na galing sa mga classrooms. Hindi muna namin ilalagay ang mga pagkain dahil may ilang oras pa naman pero medyo in

