Tinaasan ko siya ng kilay. "Classmate ko, okay! And my crush. Babae rin naman ako, Ate. Marupok. At saka, malapit na ako mag-seventeen at eighteen na rin ako next year. Masama bang magkaruon ng crush, ha? Ikaw nga, 'e. Si Kuya George. Tss." Napaikot ako ng mata at humarap na lang sa salamin para tingnan ang sarili ko, "Ang daming sinasabi. Wala naman akong sinabi, 'e." "Ay oo nga pala!" sabi niya mayamaya, "I am curious. Anong gift sa'yo ni Kuya George?" Napatigil ako sa pagtingin ng sarili ko sa salamin dahil sa tanong niya, "Hindi ko alam." "Tingnan natin!" Excited siyang lumapit kung saan nakatambak ang mga regalo ng mga bisita ko saakin. Mukhang dinala na ito ng mga maid namin dito sa kwarto namin. Nakita kong tinitingnan isa-isa ni Sabrina ang mga pangalan sa bawat regalo, hinah

