Zoeylla (2003) Agad akong napangiti sa sinabi niya kahit nasa tuno niyang napipilitan lang siya kaya nakasimangot niya akong sinulyapan. "Huwag kang ngumiti," he said and looked away and murmured something. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Pinigilan ko na lang ang sarili kong matawa dahil sa biglaan niyang pagsusuplado. Hindi nagtagal, tuluyan nang niyang inihinto ang kotse niya sa tapat ng gate ng bahay namin. Napalunok ako at biglang numbalik ang kabang nararamdaman ko kanina. Napabaling lang ako kay Jonas nang marinig ko ang pagbukas nito ng pinto sa tapat niya. Nakita kong bumaba na siya kaya bumaba na rin ako. Kaagad akong lumapit sa kanya at kinakabahan kong hinarap siya, "U-umalis ka na. Madilim na baka mapaano ka sa daan." Nagtataka niya akong tiningnan, "Kanina ko pa

