Kumain lang kami at konting discussions lang ay umuwi na rin kami. Nasa labas ako ng restaurant habang hinihintay ang driver namin. May naramdaman akong tao sa likod ko kaya hinarap ko siya. "No driver?" I nodded. "Ang tagal ni manong, e. E ikaw? Wala ka rin bang driver?" "Nope. I have my own car and i don't like drivers," he chuckled. Gumawa ng ingay ang susi niya na nilalaro niya. He raised his eyebrow. "Sabay ka na sa'kin? Dadaan muna tayo ng park." "Really?" i was smiling right now like an idiot. "Sige tara na nga. Basta ihahatid mo ako pauwi, ha?" Humalakhak siya. "Of course! Baka kasuhan pa ako ng parents mo ng k********g pag hindi." Tahimik lang kami habang papunta sa park. Nag-scroll lang rin ako sa social media's 'ko at nakita ko ang mga comments ng mga fans ko sa new upload

