Pagkatapos ay napabaling ako kay Thyro na nakaupo katabi ng kama'ng hinihigaan ko. Mabilis rin akong nag-iwas ng tingin nang maabutang nakatitig rin siya sa'kin. Parang hinihigop ako ng mga titig niya. Tumikhim si tito kaya sa kanya naman napunta ang atensyon ko. Si mommy ay tumabing muli kay daddy. Pinapatahan siya ni daddy dahil hindi niya mapigilang hindi umiyak. "Mga hijo, tito ako ni Chantrea. Unica hija namin ang batang ito. Si Gio lang ang pinagkakatiwalaang lalaki na nakakalapit kay Treya ng pamilya namin dahil matagal na naming kilala si Gio. Kung ako sa inyo, hindi ko na tatangkain pang ligawan si Treya kung sasaktan niyo lamang siya. We don't want this young lady crying over a guy, do you understand?" may pagbabanta sa boses ni tito. Nilingon ko ang dalawa na napatango lang, s

