REAL WORLD "Nareview ko na lahat ng kailangan. Hindi ko na kelangan 'yan." "Pero...kung bakasakaling may makalimutan ka, puwede mo parin namang--" "Ate." he paused. "Kaya kong magreview kahit wala nang notes. Don't worry." and they finally leave the door closed. I was speechless. Bakit parang may kakaiba sa kanila ngayon? They're.... "Sweetheart, ready ka na ba?" Binilisan ko ang pagkilos. Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Nang marinig ko ang katok at pagpasok ni mama, doon ko lang naalala na may importanteng business silang pupuntahan at isasama nila ako. "Opo, malapit na po akong matapos." Lumapit siya sa akin at tinulungang ayusin ang buhok ko. "Ako na." I gave her my comb. Siya na ang nagsuklay sa buhok ko, naupo lang ako doon at hinayaan siya sa kanyang ginagawa.

