"Sa tindi ng awrang dala-dala mo, hindi na ako magtatakang nagising ako bigla sa pagpapahinga ko." bulong nitong nakayuko pa rin. Tila ba'y bahagyang lasing ito kung magsalita. Hindi ako umimik. Kaya't isa na namang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin. Kaya't inangat naman nito ang tingin sa akin, kung saan di'y nagtama ang aming mata. "ano bang kailangan mo?" "Sabihin mo sa'kin kung paano ko matatalo ang Pinuno." Natawa siya sa sinabi ko't niyukong muli ang ulo sa sahig. "Hanggang kailan nyo ba balak itanong sa'kin ang bagay nayan? Hindi na talaga kayo natuto." Ilang araw na nga siyang tino torture sa kuwebang ito. At isa na sa tanong ng mga knights ay kung paano nga ba matatalo ang Pinuno nila. O kung may paraan nga bang magawa yun. Pero matigas si Kakojen. Dahil ni mins

