“Talaga ba? Ibibili mo talaga sa’kin kung ano ang gusto ko?” Proud na ngumiti si Dorothea habang tumatango bilang sagot sa tanong ni Lorena. Nakuha niya na kasi ang unang sahod niya sa pictorial na ginawa niya noong nakaraan. Nagulat siya na ang laki ng sahod, kaya naman naisip niyang ilibre sina Lorena at Blake. Dinala niya ang mga ito sa mall. “Pumili ka lang,” sabi niya kay Lorena at nilingon si Blake. “Ikaw din, diba malapit na ang birthday mo?” Nanlaki ang mata nito. “Hindi ko inaasahan na alam mo ang birthday ko. .” Ngumiti lamang siya. Paanong hindi niya malalaman ay ang tagal niya nang crush si Kaleb, e pareho lang naman ng birthday ang lahat ng nasa earth at nandito sa htrea. Nawala ang ngiti niya bigla. Malapit na rin kasi ang birthday niya, natatakot siya na baka dito sa m

