kabanata 3

1165 Words
Break time nang hilahin si Dorothea ng kaklase niyang si Elnora papunta sa cafeteria, ayaw niya sana sumama dahil may baon naman siyang pagkain. Pero pinilit siya nito dahil wala raw itong kasama. Sinamahan niya na ito dahil ito lang naman ang nag-iisang mabait sa kanya sa mga kaklase niya, ito nga lang ang masasabi niya na kaibigan niya. Ang pagiging mabait sa kanya ni Halsey ay hindi niya pinaniniwalaan. Pagkarating nila sa cafeteria ay marami na agad estudyante ro’n, sinuyod niya agad ng tingin ang buong paligid— naghahanap ng bakanteng upuan. Ayun! Hindi kalayuan sa kanila ay may nakita siyang dalawang upuan na wala pang nakaupo, mahigpit niyang hinawakan ang lunchbox niya at tumakbo palapit doon. Nakabangga pa nga siya ng ibang estudyante ngunit hindi na niya pinansin iyon. Bago pa man siya makaupo ay nakita na niya na palapit si Halsey sa upuan. Agad siyang umupo kaya’t napatigil ito sa paglapit, sarkastiko niya itong nginitian at sinenyasan si Elnora na tumabi sa kanya. “Hoy, baboy! Diyan si Halsey, bakit umupo ka riyan?” boses ni Jonas ang narinig niya mula sa likuran niya. Nakakunot ang noo na lumingon siya. “Nauna ako rito e!” “Si Halsey nga riyan, nakita mo nang palapit e.” Nagtangis ang kanyang bagang dahil sa inis at nakasimangot na umismid, nilingon niya si Elnora na hindi pa rin lumalapit sa pwesto niya kaya’t sinenyasan niya ulit ito. “Tara na rito!” “Ang kulit mo, sinabi nang diyan si Halsey e!” Nagulat siya nang hinawakan siya ni Jonas sa braso at hinila patayo. “Tama na ‘yan,” ani Halsey na tuluyan na rin lumapit. “Sa room na lang ako kakain, hayaan mo na sina Dorothea.” “Bakit? Ni-reserve nga ‘to para sayo e.” Bumaling ang tingin ni Halsey kay Dorothea bago ito sumagot. “Naupuan niya na ‘yan kaya ‘wag na.” Tumalikod na iyon kaya’t marahas siyang binitawan ni Jonas sa braso, narinig niya pa na nagmura ito pero hindi niya na ito pinansin at sinundan na lang ng tingin si Halsey na lumalabas ng cafeteria. “Ang bait talaga ni Halsey, noh?” sambit ng isang estudyante. “Sinabi mo pa, ‘di tulad ng isang ‘yan. Ang pangit na nga, ganyan pa ugali.” “Hindi ko nga alam kung paano ‘yan naging kaibigan ni Elnora e.” Nilingon niya ang mga nag-uusap kaya’t tinaasan siya ng kilay ng mga ito, pinanlakihan niya naman ng mata ang mga iyon kaya’t parang nandidiring umiwas ang mga iyon ng tingin. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili, hindi ba nila naiintindihan ang sinabi ng Halsey na ‘yon? Ayaw niyang umupo sa upuan na ‘yon dahil nadikitan niya na ito! Napaka-arte! “Nakakainis talaga ‘yung Jonas na ‘yon, akala mo kung sino!” sabi ni Elnora na ngayon lang tumabi sa kanya. “Hayaan mo ‘yung gago na ‘yon, maganda kasi si Halsey kaya niya ginaganon. Porket sikat! Nasa loob naman ang kulo!” asik niya at nagsimula nang buksan ang lunchbox niya, kapag iniisip niya ang nangyari ay nayayamot lang siya. “Mabuti na lang ay binasted mo ‘yon kahit gwapo!” Sumimangot si Elnora. “Bakit ko naman sasagutin ‘yon, e, ganyan ang trato niya sa kaibigan ko?” Hindi maiwasan na mapangiti ni Dorothea dahil doon, maswerte siya dahil may kaibigan pa rin siya kahit papaano. Wala na siyang pakialam kahit isa lang, ang mahalaga ay totoo ito sa kanya at hindi siya pinagtatawanan sa pisikal na anyo niya. Dahil inaamin naman niya na hindi siya maganda, alam niya na iyon simula bata pa lamang siya. Pagkatapos nilang kumain ay naghiwalay na sila ni Elnora dahil magkaiba na sila ng klase, ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat. Wala na naman siyang kaibigan sa susunod na klase. Pero hindi na rin masama dahil kasama niya sa susunod niyang klase ang ultimate crush niya na si Kaleb. As usual, pagkarating niya sa room nila ay nandoon na ito. Paano ba naman? Bukod sa gwapo ito ay sobrang matalino pa! Kaya nga ang daming nagkakandarapa sa kanya. “Hello, Kaleb!” bati niya kaya napaangat ito ng tingin mula sa phone nito. Ngumiti ito. “Hello, Dorothea.” Lalong lumawak ang kanyang ngiti, tinuro niya ang bakanteng upuan sa tabi nito— tinatanong kung pwede siyang umupo roon. Tumango naman ito agad at inayos ang pagkakaupo. “Uy! Baka magselos si Halsey niyan?” Narinig niyang sabi ng isang estudyante sa likuran nila. May hindi pa pala siya nasasabi, magkasintahan lang naman si Halsey at Kaleb. Tiningnan niya ng masama si Amsel, ang nagsalita. Kasama nito si Roldan na hindi malakas mang-asar pero kung makatawa ay pakiramdam mo’y inaasar ka rin niya. “Oh, oh, bakit ganyan ka makatingin?” Natatawang tanong ni Amsel. “Leb, oh? Tingnan mo ‘to.” Narinig niyang tumawa si Kaleb kaya agad siyang napalingon muli rito, nakatingin ito sa kanya. “Hindi ‘yan, ‘di naman alam ni Halsey e.” Agad na nag-init ang buong mukha ni Dorothea. Gusto niyang magmura dahil sa sobrang kilig! Kahit kabit lang, sige payag na siya! “Hindi, ayos lang. Lalayo na lang ako, baka mag-away pa kayo ni Halsey dahil sa’kin e,” pakipot niya. “Sus! Asa ka naman, sa tingin mo ay magseselos pa si Halsey sayo?” sabat na naman ni Amsel. Hindi na niya napigilan ang inis, tumayo na siya at sinuntok ito ng malakas sa braso. “Aray,” daing nito habang hinihimas ang balikat na sinuntok niya. “Pang-kargador manuntok e.” Tumawa ng malakas si Roldan kaya’t inambahan niya rin ito. Sakto naman na dumating ang prof nila kaya’t nagmamadali siyang bumalik sa tabi ni Kaleb. Nakatingin ito sa kanya kaya nahihiya siyang nginitian ito. “Sorry, kulit kasi nila e,” aniya. “Nakakatuwa nga e, hindi mo hinahayaan na inaasar-asar ka lang nila.” Napaiwas siya ng tingin dahil doon. “Syempre, kahit ganito lang ang itsura ko— hindi ako magpapa-bully sa kahit sino.” “Bakit?” Kumunot ang noo nito. “Maganda ka naman ah.” Nanlaki ang mata ni Dorothea dahil sa sobrang gulat, naramdaman niya ang mabilis na pag-init ng kanyang mga pisngi. Unang beses mula nang ipinanganak siya, bukod sa mga magulang niya ay ngayon lang siya nasabihan ng maganda! Ibubuka na sana niya ang bibig niya para magsalita nang bigla niya na lang marinig ang malakas na pagtawa ni Amsel. Tiim-bagang na nilingon niya ito at nakita niya na nakatakip ang likod ng palad nito sa bibig nito, hindi ito sa kanya nakatingin kundi sa guro nila na nakataas ang kilay ngayon dahil sa malakas nitong pagtawa. “Sorry, ma’am,” pag-ngisi nito. “May narinig lang akong nakakatawa.” Napapikit na lang si Dorothea ng mariin dahil sa sobrang inis, pero nang lumingon siya kay Kaleb ay matamis siyang ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD