"Kailangan na yata natin ng tulong. Sa ngayon, busy pa si sir Hercules. Kailangan na kitang dalhin sa Makati. Mas ligtas ka do'n," saad ni Rizel sa kaibigan. "Let's go." "Salamat, Riz." "Huwag ka sa'kin magpasalamat. Sa Dios na siyang nagligtas sa'yo sa kapahamakan. Alam kong malalampasan mo rin ang mga pagsubok na dumating sa buhay mo. Maging matatag ka lang alang-alang sa batang nasa sinapupunan mo." Napangiti si Gretel sa sinabi ng kaibigan. Nakasunod lang siya dito. Dumiretso sila sa garage at pumasok sa isang kulay gray na Bugatti. "Sino mag-drive?" tanong ni Gretel sa kaibigan. "Ako na, kailangan nating magmadali bago pa tayo maabutan ng mommy mo," saad ni Rizel sa kaibigan habang nagmamadali. SAMANTALANG sa mansion ng mga Gomez ay nagkagulo nang malaman ni George na nakatakas

