Lumapit si Lucas sa kinaroroonan nina Gretel at Rizel. Na-obliga siyang lumapit sa mga ito dahil sa insedenteng tinanggal saglit ni Gretel ang suot nitong maskara na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Lucas. Hindi siya nagkakamali, si Gretel Gomez iyon. Ang sikat na modelo ng Pransya. Pero agad namang iyong isinuot ulit ng dalaga. Since busy ang asawa sa mga kasamahan nito saglit na nagpaalam siya rito para tunguhin ang mesa ng dalawang babae. "Ms. Gomez!" si Lucas. Awtomatikong napahawak si Gretel sa kanyang bandang may puso. Damn! Palibhasay naaalala niya ang kanina'y pagdating ni Thirdy, hindi pa siya nakamove-on do'n. Totoong kinikilig siya at medyo nabitin kanina. "L—Lucas? Nakikilala mo ako?!" bulalas ni Gretel sa binata. "Yeah, napansin ko kanina nang tanggalin mo saglit ang i

