Lumipas ang ilang buwan na naging maganda ang takbo ng DFLB sa pamamahala pa rin ni Thirdy. Hanggang sa dumating ang araw na panahon ng mag-resign na naman ang kanyang new manager dahil sa panganganak nito. Wala siyang choice kundi ang bitawan ulit si Ms. Alamares. "At sino namang ipapalit natin sa kanya?" tanong ni Thirdy sa assistant niyang si Steve. "Si Sir Hercules na po ang bahala do'n. Ang alam ko babalik ang dating manager, sir," sagot ni Steve. "I see," si Thirdy. Pero hindi niya maitatangging mamimiss niya rin ang makwelang si Grace dahil sa naaalala niya rito si Gretel the bratty super-model. "GOOD LUCK sa panganganak mo, Gretel," saad ni Rizel sa kaibigan at saka nawala sa kanyang paningin ang hindi maipintang mukha nito na tila namimilipit sa sakit. Dinala na ito sa deliv

