Chapter 21 Yelena's POV "Wow! Ang ganda naman dito!" namamanghang sabi ko. Napakaganda kasi ng paligid. Namasyal kasi kami sa tinatawag na mini garden ng Club Paradise Resort. Marami akong nakikitang wild flowers at may man made lagoon pa na may iba't-ibang isda. "Ang ganda nga talaga rito sa resort ni Grey!" Malapit akong masubsub sa harapan ng golf cart nang bigla na lang inihinto ito ni Xander. "Ano ka ba Xander! Muntik na akong masubsob!" "Isang banggit mo pa sa lalaking yan Therese at makakatikim ka na sa akin," nag-iigting saad nito. Galit na bumaling ako rito. "Ano! Sasaktan mo ako? Ganun ba Xander?" "Nope. I will punish you the way I punished you at that party. Remember?" Napatikom ang bibig ko sa sinabi nito. Hinding-hindi ko yata makakalimutan ang paglalagay nito ng hickey

