Chapter 32 Yelena's POV "Apo, napapansin ko na naging matamlayin ka yata buhat nang umuwi ka galing ng Maynila. May nangyari ba doon?" nag-aalalang tanong ng lola ko. "Wala po lola. Baka naninibago lang ako na walang ginagawa,"pagkaila ko rito. Isang buwan na ang lumipas nang makabalik ako sa Monte Verde, nang iwan ko si Xander na natutulog. Sinabi ko na lang sa lola ko na nag-resign ako sa trabaho dahil hindi ko kaya ang pamumuhay roon at ayaw ko na rin na mahiwalay sa mga ito. Tama ang lola ko, naging matamlayin na ako simula nang bumalik ako. Sino naman ang hindi tatamlay kung may sakit sa puso kang iniinda. Walang gabing hindi ako umiiyak, mabuti na lang at hindi masyado namamaga ang mga mata ko kapag umiiyak dahil siguradong sisitahin na naman ako ng lola ko. Wala ring oras na h

