Chapter 27 Yelena's POV Nag-enjoy kaming lahat sa paglalangoy sa magandang talon at ang pagpasok sa madilim na kweba. Maliban na lang kay Diane at ang mga alipores nito na nakapanglumbaba sa sulok. Nang gabi ring yun ay hindi maawat si Xander sa kama. We made love till dawn. Huling gabi na kasi namin kaya sinusulit daw nito. Mabuti na lang at hindi na masakit yung sa ibabang parte ko kundi hindi na yata ako makakalakad sa umaga. Umuna kaming umalis ng isla dahil sa hapon pa daw uuwi ang mga kaibigan nito at sila Diane. Gusto ko rin sanang magpaalam kay Grey at humingi narin ng pasensya sa inasta ni Xander kaya lang ang sabi ng sekretarya nito ay nagmamadali daw itong umalis ng isla kahapon. "Dito ka na sa kandungan ko. Alam kong mahihilo ka na naman," saad ni Xander pagkasakay namin ng

