Chapter 30 Yelena's POV Pinagsilbihan ako ni Xander habang kami ay kumakain. Pinaghila ng upuan, pinaghiwa ng steak at pinagsalin ng wine. Nagkwentuhan rin kami sa mga nangyayari sa amin ngayong araw. Itinago ko muna sa kasuluk-sulukang bahagi ng aking isip ang tungkol kay Therese. Gusto kong magsaya muna ngayon dahil alam kong kaunti na lang ang nalalabi kong araw na kapiling si Xander. Nabigla pa ako nang may pumainlanlang na tugtog. It's a love song. "Shall we dance?" yaya sa akin ni Xander habang nakalahad ang kamay nito sa akin. Ngumiti ako nang tipid at tumango. Kinuha ko ang kamay nito at nagpagiya sa kanya. Pumulupot agad ang braso nito sa aking baywang at hinapit pa ako lalo papunta sa katawan nito. Nilagay ko naman ang isang kamay ko sa balikat niya at tiningala siya. "Baka m

