Chapter 2: Wedding Scheme

2171 Words
Chapter 2 Yelena's POV Para akong hinahabol ng mga aso sa lakas nang t***k ng puso ko. At sana nga ay himatayin ako para lang hindi matuloy ang kasalang ito. Nagsisimula nang maglakad ang mga kasali sa entourage. Syempre panghuli ako dahil nga ako nga yung bride. Kung hindi lang talaga mahigpit ang pagkakapit ni Don Agusto sa akin ay kanina pa ako kumaripas ng takbo. OMG! Ito na, ako na ang papaso. Sana Lord, bumuka na lang ang lupa at lamunin ako. "Halika na!" matigas at mahinang bulong sa akin ni Don Arturo habang pilit ako hinihila papasok sa simbahan. "Tandaan mo kung anong mangyayari sa lolo at lola mo." Pilit ko inihakbang ang aking mga paa at nagsimula nang pumasok sa loob ng simbahan. Kahit hindi naman ako ang totoong ikakasal ay para naman ako aatakihin sa nerbiyos. Paano kung malaman nang mapapangasawa ng kakambal ko na hindi pala ako si Therese. Pero ang sabi naman ni tanda ay dalawang beses lang daw sila nagkita ni Therese kaya imposible na malalaman nito ang pagkakaiba at hindi pa naman daw nito talagang kilalang-kilala ang kakambal ko. Well, kung ipagtatabi naman talaga kaming dalawa ni Therese ay hinding-hindi mo talaga malalaman ang pagkakaiba. Maliban na lang sa piklat na nasa kanang bahagi ng tiyan ko. Maliit lang naman yun na sanhi nang pagkakahulog ko sa puno. Nararamdaman ko na papalapit na ako sa mapapangasawa ko kuno at navivibes ko ang mga titig nito. Pero ayaw kung salubungin dahil natatakot ako sa makikita ko. Paano kung parang bakulaw ang pagmumukha nito, ang malas- malas ko na talaga. Bigla ako napatigil ng may humawak sa braso ko. "Lumampas ka na," isang baritonong tinig ang narinig ko. Ang sexy pakinggan parang yung mga dj sa radio. Teka lang, lumampas? Ngayon lang nagsink-in sa akin ang nangyari. Putik! Lumampas nga! Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na lumampas na pala ako kung nasaan ang groom na nakatayo at naghihintay. Napapikit ako sa kahihiyan. Ano ka ba naman Yelena, tanga lang! Hinay-hinay akong umatras pabalik habang nakatungo ang ulo. Hindi ko kayang iangat ang aking ulo sa pagkapahiya. "Pasensya na balae, excited lang siguro itong anak ko," dinig kong sabi ni Don Agusto. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga bisita. "Ok lang yun balae. Oh siya at ipagpatuloy na natin para matapos na rin." sagot naman nung tinawag na balae. Hindi pa rin ako nag-aangat ng ulo kaya nabigla ako sa paghawak ng kanang kamay ko at ikinapit sa isang matipunong braso. Nag-angat ako ng paningin at sinipat ang lalaking hawak-hawak ngayon ang kamay ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa belong nakatakip sa mukha ko at medyo nakatagilid rin ito. Nagpatuloy kaming naglakad papuntang altar na hindi ko hinihiwalayan sa pagtitig ang kanyang mukha. Nasisigurado akong matangos ang ilong base sa anggulong nakikita ko. Ewan ko ba kung bakit ayaw matanggal ng mga mata ko sa kakatitig rito. There's something about him that I can't pinpoint. Parang may pagkamisteryoso ang aura nito at kung tumindig ay lalaking-lalaki talaga. Nang makarating kami sa harap ng altar ay bigla itong lumingon sa akin na ikanagulat ko kaya mabilis kong binawi ang tingin ko. Nafeel siguro nito na kanina pa akong nakatitig sa kanya. Shit, nakakahiya. "Huwag mo ako masyadong titigan dahil baka tunaw na ako bago pa ako makalabas ng simbahan," pabulong na saad nito malapit sa tenga ko. Shit, heto na naman yung seksing boses niya. Literal na lumaki ang mga mata ko ng mag-sink in sa akin ang sinabi niya. At nasisiguro ko na kasing pula na gaya ng sili na tanim ng lola ko na nasa aming bakuran ang mukha ko. Mabuti't natatabunan ng belo ang pagmumukha ko kaya nasisisgurado akong hindi niya makikita ang mukha ko. Ito naman kasing mga matang ito, kanina ko pa sinasaway. Ayaw namang makinig. Dukutin ko kaya ito. "Ladies and gentlemen..." "Ay, palakang butiki!" "May problema ba hija?" tanong ni father dahil sa bigla kung pagsigaw. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ng mga tao sa likod ko at lalong-lalo na nitong katabi ko na kung tumawa ay wagas lang. Ito na man kasi si father, ginulat ako. Halata namang lutang na lutang ang isip ko, wala man lang go signal kung makabati. Anu-ano pa na mang kabalastugan lumalabas sa bibig ko kung nagugulat ako. "Tsk, tsk and I thought this wedding will be boring." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "Hija, are you ok?" ulit na tanong ni father. "A-ah, o-opo." "Kung ganun ay sisimulan ko na. Ladies and gentlemen, we are here to gather and witness the vow of the two people." Ito na, good luck na lang talaga sa akin na hindi ako mabisto dahil manganganib talaga ang buhay ng lolo at lola ko. Ang sarap talagang isalvage ng Don Agusto na ito. "Therese?" "Ho?" nabigla ako sa pagtawag ni father sa akin. Hindi ko namamalayan na masyado na akong nahulog sa pag-iisip kaya kahit ang sermon at tanong ni father ay hindi ko na narinig. "Tanong ko kung tinatanggap mo ba si Alexander James Hernandez na maging iyong kabiyak sa panghabang buhay at hanggang kamatayan?" "Ho? P-panghabang buhay?" May kunot sa noo na nakatingin sa akin si father. "Oo, hija. May problema ba dun?" "Ah, kasi po..." paano ko ba ito sasabihin na hindi naman ako ang papakasalan ng lalaking ito, na substitute lang ako. Ayaw ko kayang sumumpa sa harap ng Diyos na hindi ko naman matutupad, bad kaya yun. Pero maiintindihan naman siguro ni Lord ang kalagayan ko ngayon. Mas lalo pang kumunot ang noo ni father. Ah... bahala na. Lord, patawarin niyo po ako sa pangakong mapapako ko. "Y-yes, I- i do." pautal-utal kong sagot. "Ikaw naman Alexander, tinatanggap mo ba si Therese Mae Ramirez bilang iyong kabiyak sa panghabang buhay at hanggang kamatayan?" Please, please humindi ka. Ikaw na lang pag-asa ko para makalabas ako sa kasalang ito. Mariin kong dalangin habang nakapikit ang mga mata ko na parang humihiling. "Yes, I do." "And now, I'll pronounce you husband and wife." Waaah... wala na, wala nang pag-asa. Wala na talaga akong kawala. I'm officialy the susbstitute wife of Alexander James Hernandez. "And now, you may kiss the bride," biglang saad ng pari. W-wait, a-anong kiss. Parang hindi ako nabriefing ng matadang yun ha tungkol dito. Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko at dahan-dahan akong pinihit at ngayon nga ay nakaharap na ako kay Xander. Oh my gulay, huwag niyong sabihin na ngayon ko na matitikman ang aking unang halik. Oo, tama kayo. Never been kiss and never been touch pa itong ate niyo noh. Kahit nagkaroon na ako ng boyfriend ay hindi pa ako nahahalikan. Eh, paano ba naman yung una at huling naging nobyo ko ay kulang na lang pumasok sa semenarya sa pagiging conservative. Kaya ayun, hindi man lang natikman ang matatamis na mga labi ko. At hindi na rin ako nagkaroon ulit ng boyfriend kahit marami naman ang nanliligaw. Eh sa busy ako eh at walang time para diyan. At isa pa wala kasi sa mga manliligaw ko yung nagpapabilis ng t***k ng puso ko kagaya sa mga nababasa ko sa pocketbook. Syempre gusto ko naman yung karelasyon ko ay mahal ko talaga hindi lang sa napilitan akong sagutin para lang makakopya ng assignment gaya nung first and last boyfriend ko. Mabuti na lang talaga at may pagconservative yung Filemon na yun kundi kinuha na nito first kiss ko kapalit sa paggawa ng project ko. Ang sama ko diba, kaya nga hindi ko na uulitin. Pero tingnan niyo na man ang karma, nagiging instant asawa ng napakagwapong nilalang na ito. Parusa na ito sa ginawa ko noon kay Filemon, hay buhay nga naman oh. Konsulasyon ko lang ay mayaman at gwapo itong pretend husband ko. Dahan-dahan na itinaas ni Xander ang aking belo at nung itinaas ko ang aking paningin sa mukha nito ay nagulantang ako sa nakita. Para lang naman akong nakakita ng isang diyos na bumaba mula sa mt. olympus. Kung gwapo na ito kahit nakatagilid lang ay mas lalo pala itong gwapo kung nakaharap. He is an example of a tall, dark and handsome male species at ang s*x appeal nito ay umaapaw. He had a set of strong and square jaw. Matangos ang ilong at gosh his deep brown eyes na kung tumitig ay siguradong tunaw na tunaw ka, laglag pa pati panty mo. And he has this kind of aura that is mysterious and dangerous like an alpha male. Napalunok ako ng wala sa oras. Para yatang natuyo ang lalamunan ko at nauuhaw ako, nauuhaw sa mga halik nito. Punyetas Yelena, ano ba itong naiisip mo. Pinagnanasaan mo na ang kaharap mo. Well, wala naman masama run diba. Asawa ko na siya kaya may karapatan ako. Hoy babae, hindi naman sayo yan naikasal ha. Sa kakambal mo kaya yan hindi mo yan pagmamay-ari, kumbaga pahiram lang yan iyang oh so yumming papa na yan. Pati isip ko nagtatalo na. Baliw na siguro ako. "Eh di susulitin ko na lang." "May sinasabi ka?" Nakita ko ang pagkunot ng noo nito. Patay, baka narinig nito yung nasabi ko. Pahamak ka talagang bibig ka. "Ah-ah, w-wala. Wala naman akong sinasabi." Hindi parin nawawala ang pagkakunot ng noo nito habang nakatitig sa akin na parang sinusuri ako. Gosh, napansin kaya nito na hindi ako si Therese? Huwag naman sana. At pwede bang itigil na nitong pagtitig sa akin, nakakailang kaya. Dahil doon ay nakagat ko ang ibabang labi ko at iniwas ang paningin rito and it's a sign that i am really nervous. Napabalik ang tingin ko rito nang may marinig akong pagsinghap at biglang nagkaroon ng libu-libong paru-paro sa tiyan ko ng makita kong nasa mga labi ko ito nakatitig. At parang may pagnanasa akong nakita sa mga mata nito na bigla rin nawala ng napabalikwas ito ng may tumikhim bigla. "Ehem! Xander, you can kiss your bride now," say ni father. Nagmamadali lang father? And then hindi ko namalayan na unti-unti na itong yumuko para halikan ako. Namalayan ko na lang ang pagdampi ng mga labi nito sa mga labi ko. Then a voltage of electricity runs through all my body. Though it is my first kiss, I never thought that this would be the impact from a mere touch of our lips. Para akong nawalan ng lakas, hindi pa ito french kiss ha. At dahil dito ay napasinghap ako. Akala ko ay lalayo na ito, sa gulat ko ay lalo pa nitong pinalaliman ang halik. He take advantage to delve his tounge inside my mouth when I gasp. Napapikit ako nang mariin at napakapit sa mga braso nito na nasa mga balikat ko dahil feeling ko ay mahihimatay ako. Then I feel one hand slide from my shoulder to my waist and his one hand to the back of my head. Kaya mas lalo akong napadikit sa kanya sa paghapit nito sa baywang ko at mas lalong lumalim ang paghahalikan namin. Wait, diba sa kasal ay parang mga 10 seconds lang ang tagal ng halikan ng bagong mag-asawa. Bakit parang one minute na kami naghahalikan rito. Isang malakas na tikhim at palakpakan at nagpahinto sa amin mula sa walang katapusang paghahalikan. At unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napasinghap lamang sa nakita. I saw desire in his eyes. So, hindi pala ako namamalikmata sa nakita ko kanina. "Mga anak, mas nakakabuting kung mamaya niyo na yan tapusin at marami ang gustong bumati sa inyo," sabi ni father na may tagong ngiti at iling. Namula naman ang buong mukha ko sa sinabi ni father. Humarap na kami sa nagsisigawan at nagpapalakpakang mga bisita. "Wow pare, what a kiss!" sigaw ng isang lalaki na isa sa mga groomsmen. Siguro kaibigan ito ni Xander dahil tinapunan niya ito ng tingin. May isang napakagandang babae ang unang lumapit sa amin. Though, she is in late forties, hindi mo maikakaila na maganda ito. Nakasuot ito ng isang simple but a classy filipiniana dress. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi. "Welcome to the family, Therese. You're so beautiful and gorgeous, mas gumanda ka yata kaysa noong huli tayong nagkita ha. Your blooming, kaya pala ayaw kang tigilang halikan nitong anak ko." "Mama!" sigaw ni Xander. So, ito pala ang mama ni Xander. Hindi maikakaila kung saan minana nito ang pagkagandang lalaki at kulay ng mga mata. "Simula ngayon ay mama na ang itatawag mo sa akin." "At syempre papa na rin ang itawag mo sa akin," napabaling ako sa nagsalita. At nasisigurado akong ito ang papa ni Xander. Parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama. Kagaya rin sa mama ni Xander ay ang kisig at gwapo parin tingnan ng papa nito kahit may edad na. "At Xander, you can also call me papa," sabat naman ni tanda. Napa-irap ako sa sinabi nito. Marami narin ang lumapit na mga bisita para icongratulate kami at nagpapicture taken na rin. Habang ako ay hindi parin makatingin kay Xander dahil sa nahihiya ako sa naganap naming halikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD