WARNING: This chapter contains sensitive scene and only for mature readers. Expect grammatical errors, Spelling and typos.
MATURE CONTENT!
READ AT YOUR OWN RISK!
Isang buwan na ang nakalipas mula nang nakauwi ang asawa ko galing Cebu. Kahit nagtaksil siya wala naman nagbago sa pakikitungo niya sa akin, bukod sa s*x, hindi na namin masiyadong ginagawa iyan, wala kasi siyang gana, alam ko naman iyon, nauubos ang lakas niya sa bestfriend ko. Okay lang sa akin at tanggap ko iyon ang importante sa akin siya umuuwi sa bahay at sakin pa rin ang bagsak niya.
Kibabukasan parang may iba sa pakiramdam ko, gusto kong kumain ng itim na avocado yong walang buto, nag lalaway ako, para bang takam na takam.
Tumayo ako at lumabas na sa aming silid, naamoy ko ang niluluto ng asawa ko para akong maduduwal, dali dali akong tumakbo sa lababo at dumuwal ako kahit puro naman laway, hinihimas niya ang aking likod para kumalma ako sa pag kaduwal, halos nabaliktad ang sikmura ko sa kaduduwal.Nang makabawi ako, uminom ako ng maligamgam na tubig.
" love anu ba iyan niluluto mo? parang hinalukay ang sikmura ko nang naamoy ko iyan" wika ko sa kanya.
" Love ito yong madalas na agahan natin. wika naman niya.
Nakatitig lang siya sa akin na may pag tataka, pinag mamasdan lamang niya ako, ilang sandali pa ngumiiti siya sa akin.
"A are you pregnant?" masayang tanong niya sa akin.
"I don' t know, all I want is a Black avocado, natatakam ako." nakangusong wika ko sa kanya.
"Love mag hahanap tayo niyan kahit saan mang sulok ng mundo, but before that we need to see a doctor to make it sure." Excited na wika niya sa akin.
Nakita ko ang excitement sa kanyang mga mata, bago kami pumasok sa trabaho dadaan muna kami sa ospital, para malaman kung may laman ba talaga o wala,maya maya pa ay nakarating na kami sa ospital, wala namang pila kaya dirediretso na kami kumatok muna ang asawa ko, pagpasok namin sa loob ng clinic. Nadatnan namin ang pinsan ni Bryle na isang OB Gyne.
Ininterview muna ako ng doctor, madami siyang katanungan, katulad na lamang ng kailan ang huli kung regla, kung anu ano ang mga nararamdam ko nitong mga nakaraang mga araw, kung may gusto ba akong kainin. Nang nasagot ko ang lahat ng tanong niya, pinahiga na niya ako sa bed ng clinic niya, pag higa ko itinaas niya ang aking damit ng bahagya, at may pinahid siya sa may bandang puson ko malamig ito na liquid, pagkatapos ay may pinagala siyang maliit na makina sa aking puson konektado iyon sa monitor ng computer, at makikita doon ang heart beat ng baby. tahimik lamang siya, ilang sandali pa ay ngumiti siya sa akin at kay Bryle.
" Congratulations! nakangiting bati niya sa akin.
" Ate Atasha! confirm po ba?" tanong ni Bryle sa doctor na pinsan niya.
" Yes Bryle! Make sure to take good care of them. Wag mong bigyan ng stress ang asawa mo ha. Para hindi siya mahihirapan sa pag aalaga ng mga babies niyo." Masayang wika ni ate Atasha.
" What do you mean by that ate? babies, twins? tanong ni Bryle.
" Yeah! not just two, but three, I mean triplets, tatlong buhay ang nasa loob ng sinapupunan niya. Kaya kailangan mo siyang alagaan, may irereseta akong pampakapit at vitamins nila ng baby kailangan niya lang inumin sa tamang oras. okay! " mahabang paalala ni ate Atasha sa amin.
Nagpaalam na kami kay ate Atasha. Pag labas namin dumiretso kami sa pharmacy para bilhin lahat ng gamot, vitamins at gatas na nireseta ng doctor. Hindi muna kami papasok sa kanya kanya naming mga trabaho, sa halip dumiretso na kami sa mansiyon ng mga magulang ni Bryle para ipaalam sa kanila ang pag bubuntis ko. pag ganitong oras nasa bahay lamang ang mga magulang ni Bryle. Pagdating namin sa mansiyon nagulat ang mga magulang ni Bryle, akala nila parehas kaming nasa opisina, pinaliwanag na ng asawa ko kung bakit hindi kami pumasok. Abot langit ang galak ng mga magulang ni Bryle,ikaw ba naman may instant na mga apo, hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlo.
Ang daming tanong ni mommy sa akin, kung anong gusto kong kainin, kung may gusto ba daw akong puntahan para makapag relax, kung gusto ko ba daw mag bakasyon, bawal daw kasi sa akin mastress kaya subra ang pag alala ni mommy. Si daddy naman, kinausap si Bryle narinig ko sabi ng daddy na tumigil na si Bryle sa kalokohan niya, kung ayaw niya na mawala kami ng mga babies niya sa kanya.
" Iha may gusto ka bang kainin? malambing na tanong ni mommy sa akin.
"Mommy gusto ko po kumain ng black na avocado iyon pong walang buto mommy. Nakangusong lambing ko kay mommy.
Agad naman niyang tinawag si Bryle at si daddy. Upang ipaalam ang gusto kong kainin.
" Hon, Bryle, tawagan niyo ang mga kamag anak natin sa ibang bansa, baka may itim na avocado na walang buto doon. Umorder na kayo kung kailangan bilhin lahat, bilhin na.natarantang wika ni mommy.
" Sige hon. ipapahanap natin iyan,.Wika naman ni daddy.
Ganoon din daw ang gagawin ni Bryle kontakin daw niya lahat ng kakilala niya sa ibang bansa maging dito sa pilipinas mahanap lamang ang nais ko.
" Paano kung wala love!? nakangusong tanong ni Bryle sa akin.
"okay lang po kung wala, yung langka nalang po na kulay kahel. naamoy ko napo siya at natatakam ako."
Agad naman nilang sinunod ang aking ninanais, ilang oras pa ay, dumating ang katulong nila may dalang tray na may lamang langka, hindi ko ito ginalaw, tinitigan ko lang ito, at inaamoy amoy.
"Love ito na ang hinahanap mo, pwede mo nang kainin at ubusin ito." Wika ni Bryle.
" Hindi po, gusto ko po kayo ang kakain niyan mas mabubusog at matutuwa po ako." malungkot na wika ko.
Dali dali naman si mommy na nag pakuha ng platito sa mga katulong, agad naman siyang sinunod ng mga ito.Naubos nila ang langka na pinabili ni mommy, kahit naduduwal na si Bryle pinilit niyang ubosin iyon, dahil umayaw na si mommy at daddy,.
" Iha anak wag ka magpkastress ha, baka mapaano ang triplets.Bryle iho, wag mo bigyan ng sama ng loob ang asawa mo ha.maawa ka sa mga babies niyo."
Sabay kaming tumangong dalawa ni Bryle tanda ng pag sang ayon. Ilang sandali pa nag paalam na kami ni Bryle sa kanila, kita roon ang lungkot sa mga mata ni mommy.
" Mga anak dito na lang kayo matulog,. kahit ngayong gabi lang..malungkot na wika ni mommy,.
Agad ko namang siyang binalikan at niyakap ko ng mahigpit..
" I love you mommy! Thank you so much! bulong ko sa kanya sabay yakap.
"I love you too anak, mag ingat kayo." malambing na wika ni mommy.
Nakaalis na kami sa mansion, pag dating namin sa bahay, agad akong dumiretso sa aming silid, ganito kasi palage ang eksena mamin ng asawa ko, ako diretso sa aming silid, si Bryle diretso sa library, alam ko naman na kausap niya si Andie pag nasa library siya..Ngunit sa pag kakataong ito, sumunod siya sa akin, sa silid at niyakap ako ng mahigpit sa aking likuran.
"I'm sorry! I made mistake. Hindi ko na uulitin. mahinang bulong niya sa akin.
"A anong mistake? W wala ka namang nagawang mali. Mahal kita kahit anong mangyari mahal pa rin kita."malambing na wika ko sa kanya.
Alam kung yung pag tataksil niya ang hiningi niya ng tawad, hindi niya alam na alam ko ang lahat ng ginawa niya at nag kunwari lamang akong walang alam. Ngunit sa kabila nang mga nalalaman ko, hindi ko sila kinumpronta, gusto ko sila ang mag sabi sa akin o kaya aaminin nila ang nagawa nila. Ayaw ko mag paka stress lalo pa ngayon na may iba nang dahilan kung bakit gusto ko ipag patuloy ang takbo ng buhay ko ang mga anak ko, noong una, okay lang sa akin na pag taksilan nila ako, wala pa akong dahilan noon para mabuhay at takot akong mapag isa, ngunit ngayon na may tatlong buhay akong iniingatan, kaya ko nang mawala silang lahat para sa mga babies ko. Ayaw kung mangyari sa mga anak ko ang nangyari sa akin na maagang naulila sa mga magulang, kung kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila. "walang hindi kayang gawin ang isang ina para sa kanyang mga anak".