Kabanata 25 Muntik na akong mabuwal nang biglang may pumulupot na braso sa aking baywang. Ngayon ko lang napagtanto na tulala na pala ako habang nagluluto. "What's problem babe? Nasunog na ang niluluto mo." Si Aiken ang nagpatay ng stove at hinarap ako sa kanya. "Kanina ka pa?" Hindi ko kaagad nasagot ang tanong niya, naaagaw ng pansin ko ang suot niya ngayon. Kumunotang noo ko nagtataka kung bakit nakasuit siya. Gabi na sa pagkakaalam ko and still he have a work? Akala ko ba kauuwi niya lang kanina. "M-may trabaho ka." Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko kaya tumungo ako para hindi niya mapansin. "Yah_" hindi niya natuloy dahil biglang nag-ring ang phone niya. Pinagmasdan ko ang likod niya habang papalayo. Unti-unting pumatak ang luha sa aking pisngi. Dahan-dahan akong naglakad, d

