Kabanata 15 Ilang araw ang nagdaan. Naging busy ako sa pagshoshoot at ganun din naman si Aiken sa trabaho niya. This past few days ay sinabi niya sa aking magiging abala siya. Halos madaling araw na nga rin siyang tumutulog dahil magdamag na nakatutok ang mata niya sa laptop. Ngunit kahit araw-araw siyang puyat ay hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya. Nakangiti ako habang nagluluto. Katatapos lang ng photoshoot namin at balak ko sanang bisitahin si Aiken sa opisina niya. Alam kong hindi pa yun nakain ng lunch. Hindi maalis ang ngiti ko habang nilalagay ang niluto kong adobong manok. Sinearch ko pa yan sa Google dahil di ko naman hilig ang magluto. Huminga ako ng malalim at nagpasyang maligo na. I just wearing a white T-shirt at maiksing short. Kung titingnan ay para ngang w

