Kabanata 13 Nagising na lang akong wala na si Aiken sa tabi ko. Inunat ko ang braso ko at humikab hikab pa. Saktong bangon ko ay sakto rin ang pagbukas ng pinto at niluwa nun ang lalaking kanina ko pa hinahanap. "Good morning babe." nilagay niya muna sa mesa na nasa tabi ang dala niyang tray bago lumapit sa akin at halikan ako sa noo. "Good morning." Nakatakip pa ang bibig ko habang sinasabi iyon. Hindi pa ako nakakapagtoothbrush at kahit panghihilamos ay di ko pa rin nagagawa. "Bakit mo tinaktakpan ang bibig mo. I want to kiss you babe." I groaned. Pilit niyang inaalis ang kamay kong nakatakip. "Aiken." Saway ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin siya tumigil hanggang sa magtagumpay siya. Akmang tatakpan ko ulit ngunit pinagsikop niya na ang aking mga daliri at hinawakan gamit ang isa

