Lulan na kami ngayon ng sasakyan ni Kyle pauwi sa Ricaforte Tower. Seryoso ito sa pagmamaneho, ang mga mata’y nasa kalsada. Ang tahimik sa loob ng kanyang sasakyan, walang nais bumasag sa katahimikan. Ang atensyon ko ay nasa labas ng bintana, tila nagmamasid ngunit kay layo ng tanaw ko. Dalawa ang gumugulo sa isip ko ngayon, una ay ang paglilihim sa akin ni Kyle tungkol sa anak nito noong teenager pa siya at ang pangalawa ay ang paru-parong bumisita sa amin sa hapag kanina. It was familiar like I have already seen it before. I saw a lot of butterflies already but that one seems different and special. It felt like I was connected to that beautiful creature. Sa lalim ng iniisip ko ni di ko namalayan na narating na pala namin ang parking lot ng Ricaforte Tower. Naagaw lang nito ang pansin

