AMARING AND KENTOY

1645 Words
KENSHIN, Nasa store ako ngayon malapit sa subdivision. Naubusan kasi ng chips sa bahay, habang namimili ako may babaeng pumasok na naka-hoodie. Teka! Si Amari? Sinilip ko pa ng maayos. Si Amari nga, anong ginagawa niya rito? Pumunta siya sa dulo at lumapit sa fridge. Kumuha siya ng, alak? Alak ba 'yon? May problema ba siya? Bayaran ko na nga itong mga pinamili ko. Lumapit ako sa counter at nagbayad. Nakaupo naman si Amari sa bakanteng upuan. Pasimple akong lumapit sa kaniya. "Hi," bati ko at kumaway pa. Napaangat naman siya at nanlaki ang mga mata. "K-kenshin?" tanong niya sa pangalan. "Ay, hindi. Kenshu," ani ko. Umupo ako sa tapat niya. "Paupo ha," paalam ko. "Kung kailan nakaupo ka na, saka ka nagpaalam. What are you doing here?" tanong niya. "Namasyal," sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay, ang suplada, pasalamat ka labs kita. "May binili lang. Ikaw? Bakit... Bakit ka umiinom niyan? Hindi mo ba alam na bawal 'yan sa iyo?" "I know. Gusto ko lang," sagot niya at nakatingin sa labas. Batid kong may problema siya. "Problem? Care to share?" tanong ko. Huminga siya ng malalim. "Galit si Mommy sa akin," mahinang sabi niya. "Why?" "I asked her, about my real father." Napakunot ang noo ko. "'Di ba may Daddy ka?" "Stepfather ko lang si Daddy Victor," aniya. Napatango ako. "And, bakit nagalit ang mommy mo?" "Dahil, p-pinuntahan ko siya, ang real father ko. I mean,nagkita kami at may mga sinabi siya about kay Mommy at Daddy Victor. Ako naman, naniwala kaagad. Then kinon-front ko si Mommy, and may mga nasabi akong mali to her. Doon ko lang din nalaman ang lahat nang nangyari before, kaya pala ayaw ni mommy na pag-usapan namin ang past niya. All I want is getting to know my real father. But, it's turn to misunderstanding. I didn't mean to hurt my mother." Napahikbi siya at sumobsob sa mesa. Nilapit ko ang inuupuan ko at hinagod ang kaniyang likod. "Shhh. Tama na, wala akong alam sa ganito pero, ang maipapayo ko lang, humingi ka ng sorry sa mommy mo. I'm sure, patatawarin ka niya if magkaroon kayo ng time to each other. Sabihin mo lang ang mga nararamdaman mo, and pakinggan mo rin ang side niya. I know, your mother is a kind person, hindi ko man siya lubos na kilala." Nag-angat siya ng mukha at pinahid ang kaniyang mga luha. "You're right, napakabait ni Mommy. Never siyang nagkulang even if strict siya kaysa kay Daddy. Thank you, now I know what should I do." "You're welcome. Tara na, sumabay ka na sa akin pauwi." Inaayos niya ang kaniyang sarili at tumayo. "Let's go," aniya at naunang naglakad palabas. "Buti hindi ka natakot palabas sa subdivision," saad ko habang naglalakad kami. "Maaga pa naman, at may mga tao pa na naglalakad. Hindi nga lang ako nakapagpaalam," sagot niya. "Nako, mapapagalitan ka na naman niyan," sabi ko sa kaniya. "Okay lang," kibit balikat niyang sagot. Hindi nagtagal nasa tapat na kami ng bahay nila. "Thank you, ulit Ken, ha." "Wala 'yon. Oh, para sa'yo," abot ko sa isang box ng tsokolate. "Wow, thank you. Uwi ka na, kita na lang tayo bukas," nakangiti niyang sabi. "Sige, goodnight," saad ko at umalis na. Napabuntong hininga ako habang naglalakad na nakangiti. Hindi ko alam pero, feeling ko, may nararamdaman na ako para kay Amari. AMARI, "Saan ka nanggaling?" Napatalon ako sa gulat nang magsalita si Mommy. "N-nagpahangin lang po, Mommy." "Ano 'yang bitbit mo?" Tiningnan ko ang chocolate na bigay ni Ken. "B-binili ko po," sagot ko. I bite my lower lips. Lier! Seryoso lang si Mommy, feel ko pa ang galit niya. "Kakain na tayo," aniya at tumalikod na. Nanghina ako bigla. Nagtungo ako sa dining at tahimik na umupo. Ang tahimik din nila. May angel? Sinusundo na ba ako? Hindi ako sanay na ganito kami sa harap ng food. Every dinner lang kaming lahat nagsasalo-salo sa pagkain. Hindi ko natiis. Matapos kong kumain nagpaalam na ako para umakyat sa taas. Pagpasok ko sa kuwarto ko, binuksan ko ang chocolate at iyon ang kinain. Mayamaya, may kumakatok sa door ko. Binuksan ko iyon at si Mommy ang nabungaran ko. "M-mommy," kinakabahan kong usal. "Can we talk?" aniya. Tumango ako at binuksan ang pintoan para makapasok siya. Ni-lock niya iyon at umupo sa couch kaharap ko. "M-mommy, I'm sorry." Napahikbi ako. Lumapit ako sa kaniya and I hold her hands. "Please, forgive me, mom. I didn't meant to hurt you. Nadala lang po ako, and naguluhan." "Shhh... Tama na. I'm sorry, too, Amari. May pagkakamali rin ako. Kaya 'wag ka nang ma-guilty. I'm sorry, if hindi ko nasabi sa iyo ang lahat about my past. Masyado kasi itong komplikado, anak. At marami pa ang mga nangyari noon na ayaw ko nang balikan." "Whatever it is, mom. I won't force you to tell me about it. Enough na po na nakilala ko ang biological father ko. Iyon lang po ang need ko. Still, you are my family. Si Daddy Victor pa rin ang daddy ko. Kayo pa rin ang pipiliin ko. And never po akong sisiksik sa family nila because I know, I know na hindi nila ako tanggap. It's enough for me na, nakita ko na si Papa Andrei." Hinaplos niya ang aking buhok. "Thank you, anak. Lagi mong tandaan, hindi ka namin pababayaan ng daddy mo. Mahal na mahal ka namin. Ikaw ang unang anghel na ipinagkaloob sa amin. From now on, I promise, hindi na ako magiging sobrang strict sa inyo, lalo na sa iyo." "Thank you, mom." I hug her so tight. She kissed my forehead. "Magpahinga ka na, may pasok ka pa bukas." Tumango ako at umupo sa kama. "Goodnight, anak." "Goodnight too, Mommy." I kissed her before she left. Ni-lock ko ang pinto and pumasok sa banyo to take a shower. Then, nagbihis ako ng pantulog. Nakahiga na ako sa kama and before I close my eyes, nag-pray muna ako. Saying, thank you, to God. CAFETERIA, It's Monday and walang maayos na klase because, busy sa upcoming event ng school. Nasa cafeteria kami and kumakain. "Hi! Can I join you?" bungad ni Ken. "Hello, Ken. Sure, why not? Tapos na kayo mag-practice?" tanong sa kaniya ni Shaira. "Yup! Hi, Amaring, how are you?" Nakanganga ko siyang tiningnan. What did he call me? "What did you call me?" tanong ko. "Amaring, mukha ka kasing kuting," aniya habang sumusubo ng pagkain. "I am not kuting, okay? Gawin mong sosyal," saad ko. "Kuting na sosyal." Napaubo sina Shaira at Sandy. "Ang cute naman, kuting na sosyal," natatawang sabi ni Shaira. "No! Hello Kitty, dapat. Mas sosyal iyon. Kasing social ko," maarte kong sabi. "Kuting na Hello Kitty," pang-aasar ni Ken. "Ang bully mo. Kentoy!" singhal ko sa kaniya. Nagtawanan na naman sila Shaira. Pati ako natawa, ang cute ng nickname niya. "Ano naman 'yang Kentoy na 'yan?" "Bisaya words. 'Itoy' , Ken-toy," natatawa kong explain. "Ang cute ng nicknames niyo," natatawang sabi ni Sandy. "Anong itoy?" "Tuta, in English, puppy. O 'di ba ang cute," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Tapos ako si Owner," singit ni Shaira. "Shaira ang name mo, sis. Hindi owner, echusera ka." Humagalpak na naman ng tawa si Sandy. "Ako si Hello Kitty, ito ang wand ko. Make a wish. Ang inyong hiling ay aking sundin. Sama ng loob, ipagkakaloob. Wish na, now na!" Inikot ko pa sa ere ang chopstick na hawak ko. Pumasok naman si Althea sa entrance ng cafeteria. May naisip ako. Let's see, kung gagana. "Matisod ka!" usal ko. "Ayyy!" hiyaw ng mga nasa loob. Pagtingin ko ay nasa sahig na si Althea. Nagtawanan kami at nag-high five. Seriously? May magic ang chopstick na hawak ko? Oh my ghad, dalhin ko 'to sa house. "What's funny?!" singhal niya. Natahimik ang lahat at pigil ang tawa. Naglakad siya palapit sa amin. "What are you laughing at?" mataray niyang tanong. "We are laughing because we are happy," sagot ko. "May fish kasi na lumangoy sa fishpond na walang water. Funny 'di ba? Tapos, alive pa rin siya, until now," inosente kong sabi. Naningkit ang kaniyang mga mata. "Let's talk," aniya. Nagtinginan naman kaming apat. "Who?" tanong ko. "Ikaw, malamang," sagot niya. "Ows, sorry. Nag-uusap na tayo, right?" "Hindi, dito," aniya. Napairap ako. "Fine. Sis, kakausapin ko lang siya, babalik ako agad," paalam ko sa kanila. Hinila niya ako papunta sa walang tao na lugar. "Ayoko nang magpasikot-sikot pa, Amari. I want you to stay away from Dad. Alam kong, alam mo na, na siya ang daddy mo. Pero hanggang doon lang 'yon. H'wag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa pamilya ko, dahil sinisigurado ko sa'yo, hindi ka kailanman welcome sa buhay namin!" Tahimik akong nakinig at kinakalikot ang aking kuko sa daliri. Medyo mahaba na, need na rin malinisan. "Are you listening?" tanong niya "What am I doing here, kung hindi?" tanong ko pabalik. "Wala kang sasabihin?" "Anong sasabihin ko?" "Can you please say something." Napairap ako. "Okay. You know what, Althea... Enough nang nakilala ko si Papa Andrei. And, wala akong balak na isiksik ang self ko sa life ninyo because, I have my own family. Ang importante lang sa akin, si Papa Andrei, nothing else. Siguro, all of this, was fated to be happen. Isinilang tayo sa earth na ito na magkaiba ang mother. Pero, alam mo kung ano pa ang pinagkaiba?" tanong ko. "Ano?" "I was born na maganda, and you? You are born na... boobs lang ang mayro'n ka," pang-aasar ko sa kaniya. "Oh, I have a tips. How to gain a mala-dyosang beauty like Amari? First, drink hot water, 8 glasses a day, nang malusaw ang ngala-ngala mo." Ngumiti ako ng malawak sa kaniya. "Bye, half-sister," sabi ko at kumaway sa kaniya. Sino namang may sabi na gusto kong makilala ang buong family niya? Duhhh! Si Papa Andrei lang ang gusto kong makilala. Try mong banggain ako, Althea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD