Chapter 1

1548 Words
Flashback "Dito!" Sigaw ng kung sino kaya agad akong napalinga sa aking paligid. Mabilis ko naman itong natanaw nang kumaway ito sa akin. May dala itong bag na naglalaman ng mahahalaga nitong kagamitan. Papalapit na siya sa akin pero tumakbo parin ako dahil sabik na sabik na ako na mayakap siya ng maghigpit. Madilim na ngunit nakikita ko parin ang maamo nitong mukha dahil narin sa tulong ng liwanag ng buwan. "Sa wakas! masosolo narin kita." Bulong nito kaya agad akong namula. At sa oras naring iyon ay mabilis niyang sinunggaban ang aking labi habang gumagapang ang malikot nitong kamay ngunit mabilis ko siyang pinigilan. "Baka may makakita sa atin." Pagsuway ko sa kaniya habang lumilinga sa paligid kaya tumango na lamang siya sa akin habang nakangiti. "Tara na? malayo-layo pa ang lalakbayin natin." Pag-aaya niya sa akin kaya agad akong tumango. Magkahawak ang aming mga kamay pero agad kong napansin ang panginginig niya. "Ayos kalang ba Drake?" tanong ko sa kaniya nang mapansin ang kaniyang pagkabalisa. Nanlalamig narin ang mga kamay nito at medyo namumutla na siya habang nakatingin sa aming dinaraanan. "Bakit kaba nagkakaganiyan?" tanong ko sa kaniya pero agad din naman akong napatingin sa aming dinaraanan nang makita ko ang aking ama. Agad niyang kaming pinaputukan pero hinarang ni Drake ang kaniyang sarili upang protektahan ako. "Diba sinabi ko na sayong layuan mo ang lalaking iyan." galit na sigaw ni papa. Maluha-luha naman akong napatingin sa duguang katawan ng aking minamahal habang pinipilit na hindi mapahikbi sa harapan ng aking ama. "Pa bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?"Tanong ko sa kaniya pero nanatiling tikom ang kaniyang bibig. Kilala ang aking ama sa pagiging marahas nito sa lahat pero hindi ko alam na darating sa puntong pati ako ay pahihirapan niya. "Patawarin mo ako anak." maluha-luhang saad ni papa at sa unang pagkakataon ay nakita ko itong lumuhod habang humihingi ng kapatawaran. "Claire inaapoy ka ng lagnat." natatarantang sigaw ng kung sino kaya agad kong iminulat ang aking mga mata. Noong una ay malabo pa ang aking nakikita pero habang tumatagal ay klaro ko nang nakikita ang lahat. "Drake buhay ka."Bulong ko habang pilit siyang inaabot pero hinang-hina ang buo kong katawan. "Panaginip lang ba ito Drake?" Tanong ko sa kaniya pero bigla siyang umiling. Agad niya namang pinunasan ang luha sa aking mga mata habang nakangiti sa akin. "Ang akala ko pinatay kana ni papa."Pagkukwento ko sa kaniya kaya agad niya akong niyakap. "Hindi iyon mangyayari." Bulong niya habang inaalo ako. Mabigat man sa pakiramdam ay pinilit ko paring hindi mapaluha. "May tiwala ka naman sa akin diba?" Tanong nito kaya mabilis akong tumango. Agad naman akong napakagat ng aking ibabang labi upang pigilan ang aking pag-iyak pero tuluyan na itong tumulo nang maramdaman ko ang kaniyang labi sa aking noo. Napakasarap sa pakiramdam pero alam kong ang lahat ng ito ay may katapusan. "Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sakin." Bulong ko sa kaniya. Gusto kong maniwala na manatili siya pero alam ko na darating iyong araw na iiwan niya rin ako kapag nakahanap na siya ng iba. "Alam ko! ang lakas kaya ng tama mo sa akin." Pagbibiro pa nito kaya agad ko itong sinapok. Gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko magawa dahil sa kadahilanang hindi ako sigurado sa mga desisyong aking ginagawa. "Basta huwag mo nalang isipin iyon ah." Sabi naman nito kaya pilit na lamang akong ngumiti sa kaniya. Para kasing totoong nangyari ang lahat. Mababakas rin sa kaniyang mukha na may itinatago siya pero umiling na lamang ako. Siguro nga marami lang akong iniisip. "Kukuha lang ako ng lugaw" Pagpapaalam nito habang hinahaplos ang aking noo. Ang sabi niya kasi sa akin ay kailangan koraw kumain ng marami dahil hindi parin bumababa ang aking lagnat pero gusto kong makita siya kaya agad akong tumutol. "Aray! ang sakit ng ulo ko." Pag-aarte ko habang nakahawak sa aking ulo. Agad naman itong lumapit sa akin habang binabalutan ng kumot ang buo kong katawan. "Balak mo ba akong gawing suman? Inis na tanong ko sa kaniya pero umiling lamang ito sa akin habang nakangiti. "Ang galing mo namang umarte!" Umiiling na saad nito habang nakapamewang. "Nakakainis kana talaga!" Inis na sigaw ko habang papalabas ng kwarto pero nakakailang hakbang pa lamang ako nang bigla na lamang akong nawalan ng balanse. "Magdahan-dahan ka nga." Pagpapaalala nito ng masalo niya ako. Mabilis naman akong umiwas ng tingin dahil natutunaw ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin pero bigla niya akong hinigit papalapit sa kaniya. Damang-dama ko na ang mainit nitong hininga habang hinihintay na dumampi ang kaniyang labi pero pinaasa lang pala ako nito sa wala. "Ah umasa!"Pang-aasar pa nito sa akin kaya agad akong tumakbo dahil sa kahihiyan. "Miss may tinatakbuhan kaba?" Tanong ng kung sino pero hindi ko parin ito pinapansin. Bukod sa hindi ko siya kilala ay baka may balak pa itong masama sa akin. "Nagtatanong lang naman eh." Dagdag pa nito kaya napatingin ako sa kaniya. Para akong nakakita ng isang angel na nahulog sa lupa pero agad rin naman akong umiwas ng tingin ng mapansin ko ang kakaiba nitong ngisi. "Crush mo ako 'no!" Mahanging saad nito kaya napakunot na lamang ang aking noo. "Gwapo sana kaso mahangin." Bulong ko sa hangin pero nagulat ako ng kabigin ako nito papalapit sa kaniya. Ilang sentimetro na lamang ang bibilangin at magkakahalikan na kaming dalawa. "Miss pakiulit nga iyong sinasabi mo?"Nakangiting saad nito at hindi alintana ang pamamawis ng kaniyang noo pero hindi naman ito nakabawas ng kaniyang pagkagwapo. "Kung makatitig akala mo, walang jowa ah." Galit na sigaw ng isang lalaki. Parang kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon kaya pinagmamasdan ko muna siya. Sabi ko na nga ba! Si Drake, ang lalaking lagi nalang epal sa buhay ko. "Masama bang lumandi? pagbibiro ko sa kaniya pero nagulat ako ng hilain na ako ni Drake kaya nagpatianod na lamang ako dahil alam kong galit na galit na ito sa akin. "You're mine, only mine." Maiksing tugon nito kaya napatitig ako sa kaniya. Malalim ang kaniyang iniisip pero isa lang ang nasisigurado ko. Na nagseselos siya. "Binibiro lang naman kita kanin—" Dagdag ko pa pero nagulat na lamang ako ng sunggaban niya ang aking labi. "Diba 'yan naman ang gusto mo?" Tanong nito at pinaulanan pa ako ng halik sa aking mukha. Alam kong galit siya pero ngayon lang siya naging ganito. Gusto kong umiyak dahil hindi ko na kilala ang lalaking nasa harapan ko. "Hubad!" Sigaw nito nang makarating kami sa aming tinitirahan. Mabilis naman akong umiling habang umiiyak. Gusto kong takpan ang aking katawan nang punitin nito ang aking suot pero wala na akong nagawa nang hawakan nito ng mahigpit ang aking mga kamay. "Drake ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko pero parang wala siyang naririnig kaya ang nagawa ko na lamang ay ang magdasal at umasang may tutulong sa akin. "Hahanap kapa ba ng iba?" Tanong nito habang nakapatong sa akin. Maingat naman nitong hinahaplos ang aking mukha habang pinupunasan ang aking mga luha ngunit para itong isang gripo na naiwang nakabukas. "H-Hindi na." maluha-luhang saad ko sa kaniya. "Good girl." Bulong nito sa aking tenga na naging dahilan ng paninindig ng aking mga balahibo. Pero maya-maya lamang ay narinig ko na itong humihilik sa aking tabi. "Minahal mo ba talaga ako?" Bulong ko sa hangin habang nakatingin sa lalaking mahimbing ng natutulog.At sa sandali ding iyon ay pinilit kong matulog ngunit hindi talaga ako dinadalaw ng antok kaya minabuti ko nalang na magpahangin sa labas. Napailing na lamang ako habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Tila uulan ng malakas pero mas pinili ko paring manatili dito kaysa makasama ang lalaking iyon. Mabilis naman akong pumikit habang dinarama ang pagtama ng hangin sa aking balat. Masarap sa pakiramdam ngunit hindi parin nito mababawasan ang sakit na aking nararamdaman. "Hindi kapa ba matutulog?" Tanong ng kung sino habang yakap ako sa aking likuran. Agad naman nitong napansin ang aking paghikbi kaya agad itong tumungo sa aking harapan. "Sorry." Maluha-luhang saad nito. "Alam kong ako ang dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan." Bulong nito habang yakap parin ako. Gusto kong dumistansiya sa kaniya dahil pakiramdam ko ay katawan ko lang ang habol nito sa akin. At kapag nagsawa siya ay iiniwan niya rin ako kaya mapait na lamang akong ngumiti habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Bumabagsak na ang aking mga luha pero hindi ko iyon alintana.Gusto kong kalimutan nalang ang lahat ng nangyari pero sa tuwing nakikita ko siya ay lagi kong naaalala ang lahat. Ang saklap lang dahil ipinagtanggol ko pa siya sa aking ama pero sasaktan niya rin pala ako. "Minahal mo ba ako Drake?" Tanong ko sa kaniya habang pigil ang aking paghikbi. Ramdam ko ang pagbuntong hininga niya pero sinagot niya parin ang tanong ko. "Oo Naman! Mahal na Mahal!" Bulong nito habang nakatitig sa aking mga mata. Agad naman akong umiling at napagtantong may mali pero humiga nalang ako sa kama. Siguro nga maraming pwedeng magbabago. Katulad nalang ng nararamdaman mo para sa isang tao. Kahit na masama ang aking pakiramdam ay pinilit ko paring ipinikit ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na nga akong dinalaw ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD