WALANG paglagyan ang saya ni Hale simula ng bumalik si Yaci galing Italy. Hindi talaga inaasahan ng abogada ang maagang pagdating nito kaya gulat na gulat talaga sya ng madatnan nya ang nakahubad na Yaci sa kanyang bahay. Hindi mapigilang matawa ni Hale ng maalala ang reaction ni Yash ng makitang hindi lamang ang abogada ang umuwi sa bahay nito. Well, sobrang ganda naman ng katawan ni Yaci kaya hindi dapat ikahiya kaso syempre nakakahiya yung thought na nahuli sila sa aktong paglalandi. "Hale? Hale? Nandito na ang sunod mong client," tawag ni Kit sa atensyon ng abogada. Kanina pa kasi nya ito tinatawag pero parang baliw lang na nagkangiti ang amo nya. "Ah, yes. Papasukin mo na, Kit. Thank you," nakangiting sagot ng abogada. Kit felt that her heart skip a beat because of that smile

