MISHAEL "GOOD morning, Kit," bati ko sa aking sekretarya ng dumaan ako sa table nya. Nakunot ang noo na parang nagulat itong napatingin sa akin. "What? Do I have some weird stuff on my face?" I asked ng hindi ito sumasagot. "Ah, wala po," she's blushing. "G-good morning din p-po pala, Atty. Ayala." "May sakit ka ba? Bakit ka namumula?" Lumapit ako sa kanya at dinama ng kanang palad ko ang kanyang noo. Napaatras ito ng konti at mas lalong namula. "A-ah, w-wala po," mahina nyang sagot. "Sigurado ka?" "O-opo." "Oh, okay. Pero kapag masama ang pakiramdam mo, sabihan mo ako para madismiss kita." Tumango ulit ito at yumuko. Ang weird ni Kit. Nakangiting pumasok na ako sa loob ng office ko. I'm in my best mood today. Paano ba namang hindi? Eh, bati na kami ni Yaci. Siya mismo naghatid

